Chapter 3 -Ynantot- 🤣

1557 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Pupunta ka ba ng hacienda ng kuya mo sa Quezon Province? Sama ako. Wala naman akong gagawin." Sabi ni Ynah kay Avvi. Patungo kasi ito ngayon sa Quezon dahil bibisitahin nito ang kanyang naging kaibigan na si Andrea Nicole Windsor. Birthday kasi nito at gusto niya itong sorpresahin. "Pwede naman para maipakilala kita sa naging kaibigan ko duon. Mabait 'yon, at birthday niya ngayon. Sigurado ako na makakasundo mo ang isang 'yon." Sagot naman ni Avvi. Tuwang-tuwa naman si Ynah kaya nagpaalam ito ng saglit at kukuha daw ito ng ilang gamit na dadalhin niya. Pagkatapos ay mabilis na sumampa sa kanyang motor at agad itong pinaharurot palabas ng malaking estate na pag-aari ng mag-asawang Agaton. Hindi nagtagal ay nakarating si Ynah ng kanyang condo, pero laking gulat niya ng inabutan niya si Arquiz sa may pintuan ng unit niya. "Ano ang ginagawa mo dito? Hindi ba may usapan tayo na hindi ka pupunta dito ng ganitong oras?" Inis na sabi ni Ynah. "Well, hindi naman mangyayari ito kung sinasagot mo ang tawag ko." Natawa si Ynah ng pagak at binuksan niya ang pintuan ng unit niya. Hindi niya pinansin si Arquiz, pero pumasok ang binata sa loob kahit hindi niya ito inaanyayahan sa loob. Binalewala na lamang ito ni Ynah at pumasok ito sa loob ng kanyang silid. Agad siyang sinundan ni Arquiz, pagkatapos ay hinila ito sa palapulsuhan at saka isinandal sa dingding. "What's wrong?" Tanong ng binata. "There's nothing wrong. Kailangan ko lang kumuha ng ilang gamit ko dahil may misyon ako ngayong araw." Pagsisinungaling ni Ynah. Hindi naman kasi malalaman ni Arquiz kung nagsasabi siya ng totoo o hindi dahil magkaiba ang organisasyon nila. "Eliminating an enemy?" Tanong ni Arquiz. halos magdikit na ang mga labi nila dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Arquiz. "Yes, so please, let my arm go dahil kailangan ko ng umalis." Sagot ni Ynah. Hindi naman kumikibo si Arquiz, titig na titig lamang ito kay Ynah, pagkatapos ay dahan-dahan nitong inilapit ang labi niya saka niya ito siniil ng halik. Ipinikit ni Ynah ang kanyang mga mata kaya mas lalong pinalalim ni Arquiz ang halik na ginagawa niya sa dalaga, pero idinilat ni Ynah ang kanyang mga kamay ng humagod ang kamay ni Arquiz sa kanyang dibdib. "I can't... I'm sorry. But I have to go. I have no choice. I need to do what must be done. Binigyan ako ni Orion ng panibagong misyon, and I have to leave. Now." Sabi ni Ynah nang itinulak niya si Arquiz palayo sa kanyang katawan. Hindi naman kumibo si Arquiz, nakatitig lamang ito sa dalaga. Humugot ito ng malalim na paghinga at saka siya natawa ng mahina. "Are you avoiding me? Did I do something wrong? Tell me, did I do anything to upset you?" Tanong ni Arquiz, alam nito na may problema, alam niya na tila ba umiiwas sa kanya si Ynah. "Avoiding you?" Sabi ni Ynah, and she chuckled. "Bakit naman kita iiwasan? May dahilan ba? Arquiz, naglalaro tayo ng apoy, hindi ba? So everything between us was just a game... a game of lust. Ikaw na rin ang naglinaw niyan sa akin... no strings attached, no emotions, no falling for each other, no matter what. That was the rule, right? What we had was nothing but a game... so sabihin mo nga sa akin, why the hell would I be avoiding you?" Seryosong sabi ni Ynah. Hindi naman agad nakakibo si Arquiz, tinalikuran nito si Ynah at saka ito humugot ng malalim na paghinga, at pagkatapos ay humarap siya sa assassin ni Orion at saka siya mapaklang ngumiti. "You are right, Ynah. Lahat ng mayroon tayong dalawa ay puro kalibugan lang, hindi ba? Sa'yo ang katawan ko, akin ang katawan mo, pero kaylanman ay hindi ko aangkinin ang puso mo." Mapait na sinabi ni Arquiz kaya halos sumabog ang puso ni Ynah sa kanyang narinig. Pero hindi niya pinakita kay Arquiz na nasasaktan siya. Tumawa pa ito na akala mo ay okay lang ang lahat, at saka sinagot ang sinabi ng assassin ni Marcus. "Exactly! And let me make one thing clear. I will never be a part of your real world, your real life. Alam mo ba kung bakit? You're not worth loving. You were never someone to hold onto, never someone to build a future with. The only thing you’re good at is what happens between the sheets, and that’s all you will ever be. No heart, no meaning, tanging panandaliang aliw lamang sa kama. That’s the truth, and you know it." Mapanuyang sagot ni Ynah. Lihim na nagtagis ang bagang ni Arquiz. Pagkatapos ay lumapit ito kay Ynah. Idinikit ang mukha sa leeg ng dalaga at saka niya hinagod ito ng dila. Napaigtad naman si Ynah, tila ba may libo-libong kuryente ang dumaloy sa buo nitong pagkatao. Naramdaman 'yon ni Arquiz kaya natawa ito ng pagak. "That's what I thought." Bulong nito, pagkatapos ay dinampian ng halik si Ynah at muling nagsalita. "When your mission is over, come to my condo. If you don’t, I will come for you, even if it means showing up at Orion’s hideout." "Whatever!" Sagot ni Ynah, pagkatapos ay kinuha na nito ang kanyang bag at saka ito nagmamadaling lumabas ng kanyang unit, kasunod naman niya si Arquiz, ngunit hindi ito lumalapit sa kanya upang makaiwas na rin sa mga mata ng mga taong maaaring makakita sa kanila. Nagmamadaling sumakay si Ynah sa kanyang big bike, pagkatapos ay pinaingay niya ang kanyang motor at saka niya ito pinaharurot, pero laking gulat niya ng makita niya sa side mirror ang papalapit na si Arquiz, kaya walang pagdadalawang isip na pinaharurot ni Ynah ang kanyang motor. Papalayo kay Arquiz, ngunit mahusay magmaneho ng motor ang binata at higit sa lahat ay mas mabilis ang dalang motor ni Arquiz. Tinapatan siya ni Arquiz, pagkatapos ay nilingon siya, pero nananatiling sa kalsada ang tingin ni Ynah. Kumakabog ng mabilis ang kanyang puso, at walang kamalay-malay si Arquiz na sa loob ng helmet, lumuluha ang dalaga. Nilagpasan ni Arquiz si Ynah at para na itong bula na naglaho sa paningin ng dalaga. Huminto si Ynah sa isang gasolinahan, pero hindi ito nagpakarga. Nasa gilid lamang ito, tinanggal niya ang kanyang suot na helmet at saka niya pinunasan ang kanyang mga luha. Ngayon niya inilalabas ang lahat ng sakit na narinig niya kanina mula kay Arquiz. Nasasaktan siya, nasasaktan siya dahil nagpapakatanga siya sa lalaking hindi siya kayang mahalin. Muli niyang isinuot ang kanyang helmet at saka niya muling pinaharurot ang motor. Hindi nagtagal ay nakarating siya sa estate nila Avvi, mabuti na lamang at wala dito si Lucio dahil sa isang misyon nito kaya lumabas ito ng bansa. Sumakay din agad sila sa naghihintay na helicopter at saka ito tuluyang umalis. Lumipas ang kulang dalawang oras at narating nila ang hacienda ni Thomas sa Quezon province. Sinalubong sila ni Anne, pero habang bumababa si Ynah sa helicopter ay titig na titig siya kay Andrea Nicole. "Anne? Anne ikaw ba 'yan?" Gulat na gulat na sabi ni Ynah. Titig na titig ito at pilit niyang kinikilala ang kababata niya, ang una niyang naging best friend nuong bata pa sila. "Oh my god! Ynantot? Ikaw ba 'yan Ynantot?" Sigaw ni Anne. Bigla namang sumama ang mukha ni Ynah ng marinig niya ang itinawag sa kanya ni Anne. Si Avvi naman ay naguguluhan, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "Magkaibigan kayong dalawa?" Gulat na tanong ni Avvi. Hindi niya ito expected. "Magkababata kaming dalawa nuong nasa Manila pa kami. Kahit mahirap lang kami, siya 'yung kumaibigan sa akin at lagi niya akong tinutulungan. Kaya mula nuon, naging bff kami. Kaso nga lang, kailangan na ng aking ina na manatili dito sa Quezon ng permanente, nahihirapan kasi siya kung lagi siyang pabalik-balik, kaya mula nuon, hindi na kami nagkita pa." Paliwanag ni Anne, pagkatapos ay niyakap niya si Ynah. "Bwisit ka! Ynah ang pangalan ko. Hanggang ngayon hindi mo pa rin makalimutan ang pangalang Ynantot. Napipikon ako sa'yo, Anne. Pero ang saya ko dahil muli tayong nagkita." Naiiyak na sabi ni Ynah, pagkatapos ay ginantihan niya ng yakap si Andrea Nicole Windsor. "Ynantot..." Bulong ni Avvi sabay tawa nito. Pagkatapos ay kinuha ang phone at saka siya nagpadala ng mensahe sa mga kaibigan nila at sinabi ang tawag ni Anne kay Ynah. "Avvi! Ano ang ginagawa mo?" Gulat na tanong ni Ynah. Pero umiling si Avvi at tumawa. "Tatawagan ko ang mga anak ko kaya kinuha ko ang phone ko." Sagot ni Avvi sabay takbo nito ng mabilis palayo sa dalawa. Napapailing na lamang ng ulo si Ynah. Pakiramdam niya ay sinabi na nito sa mga kaibigan nila ang tungkol sa pangalang itinawag sa kanya ni Anne. "Kaya pala gusto kong sumama dito, kasi pala nandito ka. Happy birthday, miss na miss na kita." Sabi ni Ynah at muling niyakap ang kanyang bff na matagal nang nawalay sa kanya. "Happy birthday Anne! Dito kami matutulog, pasyal-pasyal tayo mamaya!" Malakas na sigaw ni Avvi, ayaw nitong lumapit dahil alam niya na kukuhanin ni Ynah ang kanyang telepono. "May boyfriend ka na ba?" Tanong ni Anne. Umiling si Ynah kaya nagkatawanan silang dalawa at sinabi na siya man daw ay searching pa sa kanyang Mr. Right. Muli silang nagkatawanan at nagyakap ng mahigpit. "Halika, matutuwa si nanay na makita ka!" Sabi ni Anne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD