┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Hindi na malaman nila Raegan kung ano ang gagawin nila kay Arquiz, kaya kahit na kabilin-bilinan nito na huwag ipapaalam kila Marcus ang nangyayari sa kanya ay wala na silang nagawa pa kung hindi ang tawagan ang pinuno ni Arquiz upang ipaalam ang lahat ng nangyayari dito. Hapon na ng dumating at lumapag ang tatlong helicopter na kinalululanan nila Marcus at ng mga kaibigan at tauhan ng Venum organization. Agad nilang iginiya ang mga ito sa mala-palasyong tahanan ni Raegan, at nagulat sila ng makita nila si Arquiz na nakahiga sa sahig at puro sugat ang katawan. "Ano ang nangyayari kay Arquiz?" Boses ni Marcus ng sumusugod ito sa loob ng ng malaking tahanan ni Raegan. Hindi iniiwanan nila Raegan si Arquiz dahil wala itong ginawa kung hindi parusahan ang kanyang sarili sa

