◄Arquiz's POV► Hindi ko na alam kung saan ko pa hahanapin si Ynah. Wala na akong ibang maisip, wala na akong ibang matakbuhan para matulungan akong hanapin si Ynah. Hindi ko magawang lumapit kay Marcus, alam ko na magagalit lamang ito sa nagawa ko kay Ynah. Nagpaalam lang ako sa kanya. Ang sabi ko sa kanya ay may aasikasuhin lang akong mahalagang trabaho. Hindi na ako nagbigay ng detalye, kasi... paano ko nga ba ipapaliwanag ang mga kasalanang nagawa ko? Paano ko sasabihin sa kanya na kaya ako mawawala ng matagal ay dahil hinahanap ko si Ynah? Paano ko aaminin sa kanya ang kasalanang ginawa ko? Paano ko ipapaliwanag na sinaktan ko ang babaeng itinitibok pala ng puso ko. Gusto kong lumapit sa kanya, gusto kong tulungan niya ako dahil gumuguho ang mundo ko. Gusto kong sabihin sa kanila a

