┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Continuation... "Are you serious? Pinsan mo si Arquiz? That jerk’s actually related to you?" Muling tanong ni Silas. Pagkatapos ay tumingin ito kay Ynah. Kahit naman si Ynah ay hindi makapagsalita dahil sa proposal ni Vinz. "Yes, pinsan ko si Arquiz, pero hinding-hindi niya malalaman kung nasaan si Ynah, at lalong hindi ko sasabihin sa kanya na buntis si Ynah." Sagot ni Vinz. Hindi na sumagot pa si Silas. Lumabas na lang sila ng silid at hinayaan nilang mag-usap pa ang mga ito. Si Ynah naman ay tahimik lang. Hindi pa rin ito makapaniwala sa narinig niya mula kay Vinz. Hindi niya inaasahan na mag-aalok ito ng kasal sa kanya. Alam niya na may pagtingin sa kanya si Vinz, pero hindi niya inaasahan ang ganito. Lumuhod si Vinz sa harapan ni Ynah, kinuha ang kamay nito at muli

