┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
Paglapag ng helicopter sa mismong construction site ng exclusive resort sa Quezon Province, agad na sinalubong sina Ynah, Ian at Arvinder ng main engineer at architect ng proyekto nila. Umaalingawngaw pa ang tunog ng rotor blades nang marinig nila ang malugod na pagbati ng engineer sa kanila. Si Ynah naman ay panay lingon sa kabuuan ng lupain na nasasakupan ng buong resort na bagong proyekto nila ni Arvinder.
"This way, Sir Arvinder, Ma’am Ynah." Sabi ng engineer habang itinuturo ang direksyon ng temporary site office na pansamantalang ginagamit ng management team. Maaliwalas ang paligid, kahit may construction, dahil open ang area at tanaw ang beachfront mula roon. Napakaganda ng lugar kaya hindi mawala ang ngiti ni Ynah habang inililibot ang kanyang mga mata sa buong paligid.
Pagpasok nila sa office, agad silang inalok ng malamig na tubig at fresh buko juice... local at fresh from the farm daw, ayon sa isa sa mga staff. May mga documents at layout plans na nakalatag na sa isang mahaba at makintab na lamesa. Naka-ready sila dahil alam nila na darating sila ngayon.
Lumapit ang architect, isang babaeng nasa early 40s, professional ang dating niya na naka-hat at may hawak na rolled blueprint. Nakangiti ito sa tatlo, lalo na kay Ynah.
"We’ve made great progress," Sabi niya habang unti-unting binubuksan ang blueprint sa harapan nila.
"Here’s the full layout of the hotel, kasama na ang restaurant and bar area. I’d like to walk you through the flow of the design." Muli pang sabi ng architect.
Tiningnan ni Arvinder ang layout habang si Ynah naman ay nagtanong sa architect. "Gaano kalapit ‘tong hotel building sa beachfront mismo?" Tanong niya. Napangiti naman sa kanya ang magandang architect.
"Ma’am, ito ang ating hotel footprint. Ang layo nito ay 80 meters away lang from the shoreline, enough lang para mabigyan ang mga beachfront-facing room a perfect view of the ocean. We also accounted for environmental setbacks, so compliant tayo sa regulations. Ngayon pa lang ay nakikita na namin ang kagandahan ng lugar na ito kahit hindi pa ito tapos." Sagot ng architect sa kanya.
Nagpatuloy sa pagsasalita ang architect habang itinuturo ang iba’t ibang sections sa blueprint. Ipinapaliwanag sa kanila ang bawat detalye ng gusto nilang mangyari sa resort nila, maging ang hotel na gusto nilang disenyo ay ipinapaliwanag sa kanila.
"Yung hotel ay magkakaroon ng tatlong wings... north, central, at south. Bawat wing ay may apat na palapag. Sa central wing natin ilalagay ang main lobby, spa, at mga executive suites. Sa harap mismo ng central wing itatayo ang swimming pool. Hindi tayo pwede sa gusto ninyong anim na palapag. Hindi tayo binigyan ng pahintulot ng city hall. Kasi ang sabi nila ay magiging eyesore sa coastline ang mataas na gusali at maaapektuhan 'yung soil stability, kaya hanggang apat na palapag lang sa area na ito pwede ang isang hotel. Which is okay lang naman dahil focus nqman tayo sa quality hindi sa quantity." Paliwanag sa kanila ng architect. Tumango-tango naman si Ynah at si Arvinder, tila ba inaasahan na nila ang sasabihin sa kanila ng architect.
"Pero ang lapit sa beach ah, I like it." bulong ni Ynah, impressed.
"Yes, Ma’am. And the pool design is not your typical rectangular one. It’s lagoon-style, with curves that mimic natural water formations. Meron ding built-in sunken bar dito sa gilid katulad ng gusto ninyo, lahat ng idinetalye ninyo sa akin ay sinunod ko." Wika muli ng architect sabay turo sa isang detalyadong sketch.
"That’s perfect. Ayoko ng masyadong sharp angles. Mas relaxing tingnan kapag natural o normal 'yung form. Mas kaakit-akit tignan sa mga mata ng nais na mag-check in dito sa resort, Ynah. I’m sure ikakatuwa ito ng dad mo once makita na niya 'yung buong blueprint layout."
"Exactly, Sir. It blends better with the resort vibe. The pool also has a shallow lounging area, para sa mga guests na gusto lang magbabad habang naka-recline sa water. Natutuwa ako at nagustuhan ninyo ang ginawa ko." Dagdag pa ng architect. Itinuro naman ng engineer ang progress board sa wall kaya napatingin sila sa board.
"As of this week, natapos na namin ang foundation ng central wing at nagsisimula na kaming mag-set up ng framework. ‘Yung restaurant and bar area, naka-schedule na ang excavation by next week. We’re following a staggered timeline para sabay-sabay ‘yung progress ng bawat area without compromising quality." Sabi ng engineer, nakangiti ito. Magsasalita sana si Ynah, pero tumunog ang kanyang phone. Napatingin sa kanya ang lahat, pero nagkibit balikat lang siya at pinindot niya ang end call.
"How many restaurants are we talking about?" Tanong ni Ynah. Gusto niyang malaman kung nasunod ba ang gusto niya.
"Tatlo, Ma'am. One is a fine-dining seafood restaurant facing the beach katulad ng gusto mo, perfect for dinner under the stars. The second is more casual... family-friendly, all-day breakfast to dinner service. At ‘yung pangatlo, a rooftop bar and grill on top of the south wing... panoramic view of the sea and the mountains. Lahat ng 'yan ay kayo ang sinunod namin, kami na lang ang nag-isip kung saan namin ito itatayo." Sagot ng architect kaya nagkatinginan silang tatlo. Maging si Ian ay nagagandahan sa mga sinasabi ng architect.
"Ayos, maganda." Sabi ni Ynah, sabay tingin ni Ynah kay Arvinder. Imaginin mo having cocktails tapos sunset? Romantic vibes kaya maraming magkakagusto sa idea na 'yan." Dagdag ni Ynah.
"What about materials? Are we going local?" Tanong ni Arvinder.
"Yes po. We’re sourcing as much local materials as possible... bamboo, local stone, native hardwood for accents. Gusto naming magkaroon ng luxury feel without disconnecting from the Filipino aesthetic. Karamihan kasi ng mga gustong mag-unwind or mag relax, gusto nila 'yung mafi-feel nila ang area." Sagot ng engineer. Napangiti naman sila. Tumango-tango si Ynah.
Muli nilang narinig ang phone ni Ynah kaya nakatingin si Arvinder at Christian sa dalaga. Simpleng sinilip ni Ynah kung sino ang tumatawag. Si Arquiz pa rin kaya pinatay na lang niya ang kanyang phone para hindi na ito makatawag.
"Si Trisha, tumatawag. Alam mo naman ang mga 'yon, kapag nawawalay ako sa paningin nila at para na silang kinukulangan ng hininga." Sabi ni Ynah kaya natawa ang kanyang kuya.
Pagkatapos ng mahabang paliwanagan tungkol sa resort ay dumating na ang sasakyan na gagamitin nila pansamantala sa lugar. Pupunta naman sila ngayon sa farm at hacienda nila Avvi at Thomas upang bisitahin niya ang kanyang kaibigan na si Andrea Setera Windsor. Pero Anne niya kung tawagin.
"Okay, magpapa-book na rin ako ng hotel na tutuluyan nating tatlo. Bukas na lang tayo bumalik ng Manila. Mukhang gusto mong makasama ang kaibigan mo." Wika ni Christian. Napangiti na lamang si Ynah at tumango.
"Pwede ba akong sumama? I mean... kung hindi naman ako nakaka-abala, baka pwedeng sumama na lang ako kaysa naman mag-isa ako sa hotel room ko." Sabi ni Arvinder. Humugot ng malalim na paghinga si Ynah, pagkatapos ay saka ito tumango.
"Pwede ka namang sumama sa amin Arvinder, para naman may makausap ako duon. Kapag kasi nagkasama na sila ng kaibigan na tinutukoy niya, I'm sure na magmumukha na akong tanga." Pakli ni Christian kaya natawa naman si Arvinder.
"Just call me, Vinz." Sabi ni Arvinder.
"Call me, Ian, bro." Sagot naman ni Christian.
Sumakay na sila sa sasakyan dahil mahigit na thirty minutes pa raw ang lalakbayin nila para makarating sa hacienda ng mga Johnson.
Habang tinatahak nila ang daan patungo sa hacienda na pag-aari ng mga Johnson, tahimik lang si Ynah sa likod ng sasakyan. Panay ang tingin niya sa cellphone na hawak-hawak niya pero hindi pa rin niya binubuksan. Naka-off ito mula pa kanina, hindi siya makapag-desisyon kung gusto niyang makasama si Arquiz mamaya.
Sa tabi niya ay ang kanyang kuya at tahimik lang din ito, abala sa pagbabasa ng kung ano man sa phone nito, habang si Vinz naman ay nasa harapan kasama ang driver, panaka-nakang kinakausap ito tungkol sa direksyon kahit wala namang alam si Vinz kung nasaan ang hacienda ng mga Johnson, kaya sinabihan na lamang niya ito na tumingin sa google map.
Dinaanan muna nila ang high-end hotel na tinawagan ni Ian para sa kanila, agad silang bumaba. Tumambad sa kanila ang malawak na driveway, ang napakagandang architecture, at ang grand entrance ng hotel... modern, elegant, pero hindi intimidating. Agad silang sinalubong ng valet at hotel staff. Pagpasok nila sa loob ng lobby, malamig ang simoy ng aircon at mabango ang paligid... lavender at white tea, kung tama ang hula ni Ynah.
Walang sinayang na oras si Ian. Dire-diretso siya sa information desk at iniabot ang kanyang black card sa receptionist na naka-smile lang, sanay sa ganitong klaseng transaksyon.
"Good afternoon, Sir. Your reservation has been confirmed. You’ll be staying in the 18th floor. Sir Ian, Sir Arvinder, and Ma’am Ynah all have individual rooms, but adjacent. Our staff will assist you with your bags." Wika nito.
Lumapit ang dalawang hotel staff at magalang na kinuha ang kanilang mga maliliit na bag. Kahit kaya naman nilang bitbitin ang gamit nila ay hinayqan na lang nila—trabaho nqman nila ang mga ito kaya hinayaan na lang nila.
Tahimik silang sumakay ng elevator. Si Ian ay nakatingin sa phone niya, may tina-type. Si Arvinder naman ay nanatiling seryoso, nakapamulsa at nakasandal sa dingding. Si Ynah naman ay nakatitig pa rin sa sarili niyang cellphone, hindi makapag-desisyon kaya panaka-naka lang siyang tumitingin sa phone niya.
Napatingin sa kanya ang Kuya Ian niya, ngumiti siya at saka niya isinandig ang ulo niya sa matipunong braso nito. Natawa naman ng mahina si Ian at bahagyang ginulo ang buhok ng dalaga.
"Kuya naman! Guluhin mo na ang buhay ko... huwag lang ang buhok ko." Sabi nito. Natawa tuloy ang dalawang staff na kasama nila sa elevator.
Pagdating sa 18th floor, inihatid sila ng staff sa kani-kanilang kwarto. Unang binuksan ang kwarto ni Ian, sumunod ang kay Arvinder, at huli ang sa kanya. Bago siya pumasok ay narinig niya si Ian na nagsalita.
"Kapag may kailangan ka Ynah, tawagan mo lang ako sa room ko." Sabi ni Ian.
"Kuya, aalis tayo. Lalagay lang natin ang gamit natin dito. Mamaya pa tayo matutulog dito, noh!" Sabi ni Ynah, kaya natawa na sila.
Pagpasok ni Ynah sa kwarto niya ay bumungad sa kanya ang eleganteng interior... warm lights, neutral tones, minimalist na design. Pero hindi ‘yon ang nakakuha ng atensyon niya kung hindi ang isang mini bottle ng vodka. Sa wakas, ibinaba niya ang bag, naupo sa kama, at muling tinitigan ang cellphone, pero inilapag lang niya ito sa kama. Pagkatapos ay nakangiti itong kinuha ang maliit na bote ng vodka at saka niya ito binuksan at tinungga.
Napapikit siya, pagkatapos ay napangiti. Humugot siya ng malalim na paghinga at saka tuluyang inubos ang laman ng mini bottle. Natawa pa siya at binitawan ang maliit na bote sa ibabaw ng kama at saka tumayo. Nawala na sa isipan niya na ibinaba niya ang kanyang phone sa ibabaw ng kama at ang maliit na shoulder bag lang niya ang dala niya. Nagtuloy na siya sa labas ng kanyang room at kinatok ang pintuan ng silid ng kanyang kuya. Pagbukas ng pinto ay natawa siya ng hawak din ng kuya niya ang maliit na bote ng vodka at wala na rin itong laman.
"Magkapatid nga tayo." Sabi niya kaya sabay silang natawa. Lumabas na rin si Vinz sa kanyang silid at nagtungo na sila sa elevator.
╰┈➤ Hindi nagtagal ay nakarating na sila ng farm nila Avvi at Thomas, at masayang sumalubong sa kanila si Andrea na matalik na kaibigan ni Ynah nuong bata pa sila.
"Oh my God, Ynantot!" Malakas na sigaw ni Anne kaya ang lakas ng hagalpak ng tawa ni Ian at ni Vinz. Inis na inis naman si Ynah sa kanyang kaibigan dahil sa pagtawag nito sa kanya ng Ynantot.
"Jesus, tigilan mo nga ng katatawag sa akin ng Ynantot. Jusko nakakahiya!" Bulong niya. Tawa ng tawa si Anne at isang mahigpit na yakap ang ginawa ni Anne sa kanyang kaibigan.
"I miss you, Ynantot." Sabi niya. Ynah rolled her eyes, habang tawa pa rin ng tawa si Ian at si Vinz.
"Tumawag sa akin si Avvi, ang sabi niya ay dito na lang daw kayo matulog. Hindi ba siya tumawag sa'yo? Sabi niya ay tatawagan ka niya, katatapos nga lang naming mag-usap." Sabi ni Anne. Biglang naalala ni Ynah ang kanyang phone.
"Oh craaap! Nakalimutan ko ang phone ko sa hotel. It's okay, wala naman akong ine-expect na tawag." Sabi ni Ynah.
"Kung magkakaroon kami ng silid dito, why not?" Sagot ni Ynah kaya muli siyang niyakap ng kanyang kaibigan.
"Anyway, bago ko makalimutan. Ito nga pala si Kuya Ian at ito naman ang business partner ko na si Arvinder." Pagpapakilala ni Ynah. Napangiti naman si Anne, pero ang pagkakatitig niya kay Ian ay parang isang putong malagkit. Agad siyang siniko ni Ynah kaya napahagikgik ito at saka yumakap sa braso ni Ynah.
"Ang gwapo ng kuya mo, grabe tinamaan yata ako ni kupido. Bakit hindi ko yata alam na may kuya ka?" Bulong niya. Narinig ni Ian ang mahinang bulong, at ang ngiti nito ay biglang naglaho. Sa isang iglap, isang seryosong Ian ang nakikita ni Ynah sa kanyang kapatid. Hindi pa man niya ito lubusang kilala, pero sa nakikita niya, mukhang hindi nito nagustuhan ang narinig nito.
"Are you okay, Kuya Ian?" Tanong niya.
"Yeah, I’m good. I can sleep here, and Ian too, if that makes you feel better. We’re totally fine with it." Sagot nito. Tuwang-tuwa naman si Ynah. Tuluyan ng nawala pansamantala sa isipan niya si Arquiz. Masaya na rin siya na naiwan niya ang phone niya sa hotel dahil hindi na niya iisipin pa na matatawagan siya ng binata. Mag-e-enjoy na lang siya na kasama ang kanyang kaibigan.
Pero ang hindi alam ni Ynah na ang hotel na tinuluyan nila ng kanyang kapatid ay pag-aari ni Seth Morelli, ang best friend ni Arquiz... ang tanging nakakaalam ng tungkol sa kanilang dalawa ni Ynah.
"Bro, sa S.J.M nag check-in ang magkapatid." Boses ni Seth ng tinawagan nito si Arquiz.
"Let's go? Samahan mo ako sa hotel mo." Sagot nito. Pagkatapos nilang mag-usap ay naghanda na si Arquiz upang puntahan si Seth sa condo nito at silang dalawa ang magtungo sa Quezon province.
"Hindi mo ako matatakasan Ynah." Bulong ni Arquiz. Kinuha niya ang wallet niya, ang kanyang phone na muntikan na niyang ibalibag kanina dahil hindi na niya makontak pa si Ynah.