Chapter 6 -Ynah-

2315 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Hi, may problema ka ba? I knew dito kita sa office mo matatagpuan." Biglang napaangat ang mukha ni Ynah ng marinig niya ang boses ng isang tao na hindi niya inaasahan. "Kuya, Ian. Ano naman ang masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" Natawa nang mahina si Christian at naupo ito sa sofa. "Halika dito sa tabi ko, may pag-uusapan tayo. May gusto lang akong itanong sa'yo." Sagot nito, hindi pinansin ang pagtataray ng kapatid niya sa ama. Humugot naman ng malalim na paghinga si Ynah, pagkatapos ay nagtititipa ng mabilis sa keyboard, pilit na tinatapos ang gawain niya para sa ngayong araw. "I said, come here." Muling sabi ni Christian. Isang matalim na sulyap ang ginawa ni Ynah, pero sinalubong din ni Christian ng matalim na tingin ang mga mata ng kanyang kapatid. Bagsak ang balikat ay wala ng nagawa pa si Ynah kung hindi ang tumayo at lapitan ang kanyang Kuya Ian. "Ano ba kasi ang ipinunta mo dito. I'm currently busy, and you're taking up my time." May inis na sabi ng dalaga at padabog itong naupo sa tabi ng kapatid niya. "Ilang araw mo ng hindi pinapansin ang mga tawag ko sa'yo. Akala ko ba okay na tayo? Nag-usap na tayo, hindi ba? Tinanggap mo na ako sa buhay mo. Sabi mo, mas okay 'yon dahil may kuya kang masasandalan, pero bakit parang ang layo mo? Please, gusto kong maging maayos tayo. Pareho tayong Mateo, iisa lang ang ama natin kahit na lumaki ako na iba ang kinikilalang ama at iba ang apelyido. Hindi niloko ng ama natin ang iyong ina. Nabuo ako bago pa maging sila kaya please, itigil mo na ang kasasaksak sa isipan mo na niloko ng ating ama ang iyong ina." Hindi naman nakakibo sio Ynah. Humugot ito ng malalim na paghinga at saka sumandal sa sofa. "So, okay na tayo?" Muli pang sabi ni Christian. Tumango naman si Ynah at bahagyang inihilig ang ulo niya sa balikat ng kanyang kuya. Napangiti naman si Christian at bahagyang hinagod ang buhok ng kanyang kapatid. "So, tatanungin kita. May problema ka ba? Nararamdaman ko na may itinatago ka sa dibdib mo. Sabihin mo sa akin Ynah, may problema ba ang kapatid ko? Nandito ako, magiging tagapagtanggol mo ako. Alam ko na matapang ka, na kaya mo ang sarili mo, pero tandaan mo, may isang bagay ang magpapahina sa'yo, at iyon ang iyong puso. Kahit gaano ka pa katapang, kahit na ikaw pa ang pinaka-magaling na assassin, hinding-hindi mo pa rin kakayanin, kapag ang puso mo na ang kalaban mo. Nandito ako para tulungan ka, basta magsabi ka lang sa akin." Nangilid ang mga luha ni Ynah, pero agad din niya itong pinunasan upang hindi ito mapansin ng kanyang nakatatandang kapatid. "Wala naman akong problema. Pagod lang ako sa trabaho. Kumain ka na ba? Hindi pa ako kumakain, baka gusto mo sabay na tayong kumain ng lunch." Sabi ng dalaga. Napangiti naman si Christian, at saka lang ito tumango. Pero ilang katok sa pintuan ang nagpalingon sa kanila. "Hi, nakaistorbo ba ako sa magkapatid?" Si Arvinder Atlas Montefalcon, ang pinsan ni Arquiz Atlas Montefalcon. Lahat ng pinsan ni Arquiz ay gamit ang second name na Atlas, iyon ang kagustuhan ng lolo nila nuong bata pa ang mga magulang nila, na ang Atlas ay magiging second name ng bawat anak na lalaki sa pamilyang Montefalcon. "Hindi naman. May kailangan ka? Natapos mo ba ang napag-usapan nating details about sa ipinapatayong resort sa Quezon province?" Sagot ni Ynah. Umayos ito ng upo at itinuro kay Arvinder ang pang-isahang sofa na nakatapat sa kanila ni Christian. Mabilis namang naglakad papasok sa loob ng office si Arvinder at saka ito naupo. Hawak nito ang mga papeles na tinutukoy ni Ynah. "I dropped by to hand this over. I have completed all the paperwork you needed for the resort. So, when are we heading over to check on the hotel construction?" Sagot ni Arvinder. Bahagyang ngumiti si Ynah, pagkatapos ay tinanggap ang mga dokumentong inaabot sa kanya ni Arvinder. "My plan is today, ready na ang chopper ni dad sa rooftop. Sasama ka ba? Kuya Ian, gusto mo ba sumama sa amin? Dadaanan ko na rin kasi ang best friend ko sa farm nila Thomas at Avvi. Ipapakilala kita sa kanya." Sabi ni Ynah. Napangiti naman si Christian at tumango. Ito ang gusto niya, ang maging bahagi ng buhay ni Ynah. Gusto niyang magpaka-kuya, gusto niya na kapag may problema si Ynah, siya ang tutulong dito. "First kumain muna tayo. I think hindi ka pa kumakain ng kahit na ano." Sagot ni Christian kaya mahinang natawa ang dalaga. "May pina-reserve akong table sa isang Italian restaurant, baka gusto ninyong sumama sa akin, my treat. Tutal naman ay sabay-sabay tayong pupunta sa Quezon, so, why don’t you join me for lunch?" Sabi ni Arvinder. "Well, kung okay sa kapatid ko, okay lang din sa akin." Sagot ni Christian. Tumango naman si Ynah. Pagkatapos ay niligpit lang niya ang mga dokumento, inilagay sa kanyang drawer, pinatay ang computer at saka naglakad palabas ng office kasabay ang kanyang kapatid at si Arvinder. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa restaurant na tinutukoy ni Arvinder, ang Juliano_Cuisine. Tahimik lang silang naupo sa naka-reserbang table para sa kanila, at tahimik lang din silang umorder ng pagkain. "So, kamusta ka naman? Baka lagi kang nagpapagod, hindi naman healthy ang laging pagod sa trabaho." Sabi ni Arvinder kaya natawa ng mahina ang dalaga. "Hindi ko alam na doktor ka pala. Don't worry, okay lang ako. Kaya ko ang sarili ko." Wika ni Ynah. Ngumiti naman ang binata at tinitigan ang magandang mukha ni Ynah. "Hindi naman kaya matunaw ang kapatid ko?" Biglang napalingon si Ynah kay Christian, pagkatapos ay kay Arvinder na naglilikot na ang mga mata at hindi malaman kung saan niya ibabaling ang kanyang paningin. Natawa ng mahina ang dalaga, magsasalita sana ito, pero napansin niya ang isang grupo na papasok sa loob ng restaurant kaya bigla siyang humilig sa balikat ni Arvinder. Nagulat naman ang dalawang lalaking kasama niya dahil sa kanyang ginawa. "Masakit ang ulo ko. Hihilig lang ako saglit sa balikat mo. Friends naman tayo, hindi ba? Malayo kasi si Kuya Ian at ikaw kasi ang katabi ko." Sabi ni Ynah. Napatango naman si Christian at napangiti habang si Arvinder naman ay napalunok, lalo pa at amoy na amoy niya ang pabango ni Ynah at ang mabangong buhok nito. "O-okay lang, n-naiintindihan ko." Sagot ni Arvinder kaya mahinang natawa ang kapatid ni Ynah. "Wow, nandito pala ang magkapatid at mukhang may nobyo na ang isang Ynah Mateo at pinsan pa ni Arquiz." Sabi ni Marcus. Napalingon ang dalawang binata sa likuran nila, maliban lang kay Ynah na nananatiling nakahilig ang ulo sa balikat ni Arvinder. Ramdam ni Ynah ang titig sa kanya ni Arquiz, pero hindi niya ito pinapansin. Tahimik lang siya, nakapikit ang kanyang mga mata at nananatiling tahimik. "Nandito pala ang pinsan ko, dito na lang tayo sa table nila. Pwede naman tayong magpadagdag ng table, hindi ba?" Sabi ni Arquiz. Biglang naidilat ni Ynah ang kanyang mga mata, at bago pa siya makapag-salita at tumanggi, biglang naupo si Marcus sa bakanteng silya. "Sa akin ay walang problema. Mas gusto ko nga na makasama kayo para makapag-kwentuhan tayo." Sagot ni Christian. At pagkarinig ni Arquiz ay hinila niya ang isang silya, bahagyang inusod ang silyang kinauupuan ni Arvinder at saka niya inilagay ang kanyang upuan sa pagitan ng dalawa. "Akala ko ba Vinz magiging busy ka, bakit nandito ka?" Sabi ni Arquiz sa kanyang pinsan, at tinawag niya ito sa nickname nito na Vinz. "May lakad kasi kaming tatlo after ng lunch. Pupunta kami sa resort project namin. Kaya nga sabi ko ay busy ako." Sagot ni Arvinder, pagkatapos ay tumayo ito, hinila ang kanyang silya na nagbigay ingay sa paligid, pagkatapos ay pinausad si Ynah at saka niya ito inilipat ang silya sa tabi ng dalaga. Lihim na napapangiti si Ynah, mukhang matapang at hindi nagpapasindak ang pinsan ni Arquiz. "Nag-uusap kami, pero hindi kami makakapag-usap ng maayos kung nasa gitna ka namin. Okay nang ako ang nasa gitna." Sabi nito, Nagngalit naman ang bagang ni Arquiz, pero isang kamay ang tumapik sa kanyang balikat. "Oo nga naman. Maliit ang pwesto nila, kahit na magdagdag ng table ay hindi kakasya. Duon tayo sa naka-reserbang table natin." Sabi ni Marcus, pagkatapos ay sinenyasan niya si Arquiz na tumayo na. Tahimik naman si Christian habang si Ynah ay may ngiti sa labi, pagkatapos ay muling inihilig ang ulo sa balikat ni Arvinder. "Vinz, nickname mo?" Mahinang tanong ni Ynah. "Yes, and you can call me Vinz, iyan kasi ang tawag ng lahat sa akin." Napangiti naman si Ynah at saka ito tumango. Ramdam na ramdam ni Ynah ang matalim na tingin sa kanila, pero hindi niya ito pinapansin. Hindi rin siya makapaniwala na biglang pumagitna sa kanila ni Arquiz si Arvinder. Dumating ang pagkain nila at nagsimula na silang kumain. Nagugustuhan naman ni Ynah ang pagkaing inorder niya, pero nagulat siya ng magsuot ng gloves si Arvinder at saka nagbalat ng hipon, pagkatapos ay inilagay ito sa plato niya. "Naks naman, magkakaroon na ba ako ng bayaw?" May kalakasang sabi ni Christian. Lahat sa table nila Marcus ay napalingon sa kanila. Lalo na si Arquiz na kulang na lang ay magliyab ang pinsan niya dahil sa nagbabaga niyang tingin. "Kuya Ian, puro ka kalokohan. Pinagbalat lang ako ng hipon, bayaw na agad ang nasa utak mo?" Mahinang bulong ni Ynah. Natawa naman si Christian at aliw na aliw na pinapanuod si Arvinder na nagbabalat ng hipon. "Parang alam na alam mo kung ano ang hilig kainin ng kapatid ko." Sabi pa ni Christian. Natawa naman si Arvinder at tumingin sa kuya ni Ynah. "Observation lang ang kailangan para malaman kung ano ang mga hilig niyang pagkain." Sagot nito kaya natawa muli si Christian. Natahimik namang bigla si Ynah, hindi niya alm kung ano ang sasabihin niya. "Tanga, mahilig 'yan sa omelet with toast." Malakas na sabi ni Arquiz kaya lahat ay napatingin sa kanya maging ang mga kasama niya sa kanyang table. "Hindi ba? Nakasama natin ang mga 'yan sa mga okasyon, at kahit lunch ay omelet with toast ang lagi niyang pinapaluto. Iyon ang totoong obserbasyon." Pakli ni Arquiz. Hindi naman kumibo si Arvinder, pero nilingon niya ang kanyang pinsan. "Sawa na siya sa itlog. Nakakaumay daw." Sagot ng binata kaya lihim na nakakuyom ang mga kamao ni Arquiz na nasa ilalim ng table. Tawa naman ng tawa sila Marcus sa narinig nila. Pero si Ynah ay napatingin kay Arquiz, nakikita niya ang galit sa mga mata nito, pero hindi siya nagpatinag, sa halip ay inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat ni Arvinder. "Excuse me, kailangan ko lang magpunta ng banyo." Sabi ni Ynah after nilang kumain. Ilang minuto lang ay sumunod naman si Arquiz. Bigla itong pumasok sa banyo ng mga babae at saka niya ikinandado ang pinto. Gulat na gulat naman si Ynah na nakaharap sa salamin, pero hindi niya ito pinansin at muling humarap sa salamin. "What the fuuuck, Ynah." Timpi ang galit ni Arquiz. "What's wrong? Hindi ba at laro lang naman ang mayroon tayo? So, ano ang ikinagagalit mo? Galit ka ba? Nagseselos ka ba sa sarili mong pinsan?" "Hindi ako nagseselos. pero may kasunduan tayo na tayong dalawa lang ang magpapasasa sa katawan ng bawat isa. Hindi tayo magpapahawak, kahit na kanino hangga't naglalaro tayo. So, bakit mo kinakalantari ang pinsan ko?" Galit na sabi ni Arquiz, pero timpi lang. Isang sampal sa mukha niya ang dumapo mula kay Ynah. "Wala akong kinakalantari Arquiz. Kaibigan ko si Arvinder, kasosyo sa negosyo kaya magdahan-dahan ka ng pananalita mo. Hindi ako maruming babae, at alam mo na sa'yo ko lang isinuko ang katawan ko. Umayos ka, baka hindi ako makapagtimpi, isalaksak ko sa bunganga mo ang toilet brush ng banyong ito." Galit na sabi ni Ynah. Aalis na lamang sana si Ynah, pero pinigilan siya sa braso ni Arquiz. Idinikit siya sa dingding at saka niya idiniin ang kanyang noo sa noo ng dalagang assassin. "Huwag kang magalit. Pasensya na. Na-miss lang kita, na-miss ko ang ginagawa natin tapos makikita kitang may kasamang iba at pinsan ko pa. Wala man tayong relasyon maliban sa kama, pero akin ka pa rin Ynah. Hangga't may kasunduan tayo, mananatili kang akin at hindi ako papayag na makuha ka ng iba." Bulong ni Arquiz, pagkatapos ay siniil niya ng halik si Ynah, pababa sa leeg nito, pagkatapos ay itinaas niya ang blouse ng dalaga at saka niya sinipsip ang súso nito. Napaliyad si Ynah, at pigil ang hininga na umuungol ito. Pagkatapos ay ipinasok ni Arquiz ang kanyang kamay sa loob ng black pants ng dalaga at hinagod ang maselang parte nito. "Ooooohhhh..." Impit na ungol ni Ynah. Pagkatapos ay muli siyang siniil ng halik ni Arquiz sa labi. Halos mapugto ang kanilang hininga ng bitawan ni Arquiz ang labi ng dalaga. "Susunod ako sa Quezon. Ipadala mo sa akin ang hotel room na tutuluyan mo mamaya at itutuloy natin ito. I’m in the mood for wild sèx with you tonight." Bulong ni Arquiz, pagkatapos ay dinilaan niya ang kanyang daliri na ipinanghagod sa pagkababaè ni Ynah. Akin ka lang Ynah." Bulong niya at muling sinipsip ang súso ng dalaga. Parang mababaliw sa sarap si Ynah, pero binitawan na siya ni Arquiz. Inayos ng binata ang suot niyang pantalon at inayos ang naninigas nitong pagkalalakè upang hindi mapansin ng kahit na sino. "Hihintayin ko ang mensahe mo mamaya. Darating ako, susunod agad ako. Akin ka lang Ynah... akin ka lang." Bulong ni Arquiz. Pagkatapos ay hinalikan niyang muli si Ynah sa labi at saka siya tuluyang lumabas ng banyo. Ikinandado ni Ynah ang pinto at saka napahawak sa kanyang dibdib. "I’m in the mood for wild sèx with you tonight." Parang umaalingawngaw ang sinabi ni Arquiz sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD