Chapter 5 -Si Diana pa rin?-

2066 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nasa loob ng isang dimly lit bar si Arquiz, kasama ang ilan sa mga matagal na niyang kaibigan na sina Sebastian, Raegan, Melvin, at Seth. Hindi sila kumpleto ngayong gabi. Isa sa barkada nila ay matagal nang naninirahan sa Amerika, at bihira na rin silang makumpleto simula noon, pero madalas silang magkakasama kahit na kulang sila ng isa. Tahimik lang si Arquiz habang hawak ang malamig na bote ng beer. Paminsan-minsan lang siya nakikihalubilo sa usapan ng mga kaibigan niya, pero mas madalas ay nakatingin lang sa malayo na para bang may malalim na iniisip. Napansin ni Raegan ang kakaibang katahimikan ng kaibigan. Tumitig siya kay Arquiz, pinag-aaralan ang mukha nito, matigas pa rin ang aura pero kita sa mata ang bigat ng mga iniisip nito. Napatawa siya, tila ba nahuhulaan na niya kung ano ang gumugulo sa isipan nito. Pagkatapos ay nagsimula siyang magsalita, pero hindi niya inaalis ang kanyang mga mata sa kanyang kaibigan na si Arquiz. "Naalala ko pa 'yung panahon na tinulungan ako ni Marcus. Kung hindi dahil sa kanya, baka wala na ako ngayon." Seryosong sabi ni Raegan habang hawak ang sariling baso na puno ng alak. "Iyon ang panahong baliw na baliw ka pa kay Diana. Sobrang invested ka sa kanya, bro. 'Yung inaasahan mo na kayo na at ikakasal na kayo, pagkatapos nasira kayong dalawa." Sabi pang muli ni Raegan. Huminto siya saglit, pero ang mga mata niya ay nananatiling nakatitig kay Arquiz. Tahimik naman si Arquiz, nakikinig man siya, pero hindi siya nagpapakita ng interesting. "Matagal ko na talagang gustong itanong 'to sa'yo... pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob since magkakasama tayo ngayon dito at lagi kong nakikita na kapag kami ang kasama mo at hindi ang Venum... tahimik ka lang." Wika pa muli ni Raegan. Natatawa naman si Sebastian, dahil tila ba alam na nito kung saan patungo ang sinasabi ni Raegan. "Tell me the truth, bro... do you still love her? Si Diana. Is she still in your heart?" Natawa na ng tuluyan si Sebastian dahil tama ang hinala niya. Kasi maging siya ay matagal na niya itong gustong itanong kay Arquiz, hindi lang siya nagkakaroon ng lakas ng loob dahil ayaw niya itong magalit. Tila ba sa isang iglap ay huminto ang pagkilos ng orasan. Saglit na nanahimik ang lahat, tila ba walang nais magsalita at maging ang pagtawa ni Sebastian ay biglang napatigil. Napatingin si Arquiz kay Raegan nang matagal, matalim, may inis sa kanyang mga mata, bago muling tinungga ang natitirang laman ng bote ng beer. Pagkatapos ay napapailing ito sa kanyang kaibigan dahil sa pag-uusisa nito. "Just shut up, bro!" Inis na sagot niya, halatang gusto na niyang tapusin agad ang topic na sinimulan ni Raegan. Biglang natawa si Seth, sabay iling ng ulo habang nagsisindi na ito ng kanyang sigarilyo. "Puro kasi kayo gago nuon. Matitigas pa ang mga ulo ninyo at hindi kayo nakikinig sa mga sinasabi ko." Pakli ni Seth, pagkatapos ay ibinuga ang usok ng kanyang sigarilyo. "Sinabi ko na sa inyo, hindi ba? Na huwag nyong pagkatiwalaan si Liam. Pero tigas talaga ng mga ulo nyo nuon. Kaya ayun... lahat kayo napahamak. May intensyon pala ang tarantadong 'yon." Sabi ni Seth. Nagkatinginan silang magkakaibigan, napakamot ng ulo si Melvin habang tahimik namang ngumiti si Sebastian, parang naalala rin bigla ang mga panahong iyon. Pero iyon din ang dahilan kung bakit napasok sa Venum si Sebastian at si Arquiz. "Back then, we were still figuring things out, man." Sagot ni Raegan habang pinapaikot ang iyelo sa baso niya. "Mga bata pa tayo noon. Ilang taon pa lang ba ako? Kaka-graduate ko pa lang ng college. Wala pa akong sariling pera. Umaasa pa ako sa allowance ng magulang ko. Ni hindi ko pa nga hinahawakan ang negosyo ng pamilya. I wasn’t in a position to help anyone... not even Arquiz. Ganuon pa tayo ka-bata nuon." Wika muli ni Raegan. Tumingin siya kay Arquiz na tahimik lang, nakasandal sa upuan na para bang pinipilit maging kalmado. Ayaw na talaga niyang pag-usapan pa ang nakaraan nila. Ayaw na niyang pag-usapan pa ang isang malaking pagkakamali na nagawa niya sa kanyang buhay. "Pero duon ko talaga napatunayan ang totoo kung gaano kamahal ni Arquiz si Diana. I know, bro. I saw it. Mahal na mahal mo si Diana. As in ‘yung pagmamahal na handa mong isugal ang lahat. Nakita ko kung paano mo gustong ipalit ang buhay mo para sa buhay ni Diana ng mga araw na 'yon. You were ready to die for her, just to keep her safe from Liam. Bro, hindi madaling kalimutan ang pagmamahal na 'yon kaya ako nagtatanong sa'yo. Kasi ayokong masaktan ka dahil may pamilya na si Diana." Tahimik pa rin si Arquiz. Pero ang pagtaas-baba ng dibdib niya... ang higpit ng hawak niya sa bote, at ang pamamasa ng mga mata niya... lahat ng iyon ay isinisigaw ang isang katotohanan na matagal ng inililihim ni Arquiz. "Please lang... hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan 'yan. Siguro naman ay pwede nating baguhin ang usapan natin. Wala akong balak pag-usapan si Diana. Alam kong may pamilya na siya, pero nakikiusap ako, ayoko siyang pag-usapan." Sagot ni Arquiz. Tumango lang sila. Napangiti at itinaas ang hawak nilang mga kopita. "Pero may nagpapatibok na ba ng puso mo?" Tanong ni Melvin. Saglit na natahimik si Arquiz, pagkatapos ay natawa at umiling. "Sino naman ang magpapatibok ng puso ko? Wala ng hihigit pa sa unang babae na minahal ko. Kaya huwag na ninyo akong kulitin pa dahil hindi na ulit titibok pa ang puso ko." Sagot nito. Natahimik bigla habang tinutungga niya ang bote ng alak na hawak niya. Hindi na nila pinansin pa si Arquiz, ayaw na nilang pag-usapan muna si Diana, pero dahil sa isinagot nito ay kumpirmado na sila na hanggang ngayon ay mahal pa rin ni Arquiz si Diana. "Who's that?" Tanong ni Raegan habang nakatingin sa unang palapag ng bar. Nakaupo sa bar ang isang babae na walang iba kung hindi si Angel Villanueva na isang CIA agent. Nakasuot ito ng dress na above the knee ang haba, tila may misyon ito sa isa sa mga customer ng bar dahil parang umaakto ito na parang inosente, na parang hindi makabasag pinggan, pero ang hindi alam ng lahat ay bungo ng mga terorista ang binabasag nito. "I don't know. Hindi ko siya kilala." Sagot ni Arquiz kahit kilala nila ito ni Sebastian. Kahit kaibigan nila si Raegan ay hindi nito dapat malaman na isang CIA ang babaeng itinuturo nito. Isang lalaki ang lumapit kay Angel, nakatingin lang sila Arquiz at hindi kumikilos. Kilala naman kasi nila ito, alam nila na palaban ito at hindi kakayanin ng kahit sino na magnanais itong saktan. Nakita nila na pinipilit ng lalaki si Angel, pero si Angel ay nagpapanggap na inosente kaya mahinang natatawa si Arquiz at si Sebastian. Pero nagulat sila ng biglang tumayo si Raegan, at halos lundagin na nito ang hagdanan upang makarating lang sa unang palapag. Natawa na ng tuluyan sila Arquiz, tumayo at sinundan si Raegan sa ibaba, sa harapan mismo ng bar. "Gago talaga!" Bulong ni Arquiz habang natatawa ito. "Bitawan mo sabi ako, eh!" Sabi ni Angel, parang takot ito, kaya natatawa si Arquiz. "Ang sabi niya ay bitawan mo daw siya." Matigas na sabi ni Raegan ng hinablot niya ang kamay ng lalaki, pagkatapos ay pinilipit niya ito. Tuluyan ng natawa sila Arquiz kaya napalingon si Angel, pero hindi niya ipinakita na kilala niya ang mga ito. "May misyon." Mahinang bulong ni Sebastian kay Arquiz. Hihilahin na sana nila si Raegan para ilayo, pero sinuntok ito ng lalaki. Nagkatawanan na sila at bahagyang lumayo. Hinayaan nila si Raegan ang makipagsuntukan sa lalaking 'yon. Isang mabilis na tadyak sa dibdib ng lalaki ang nagpatilapon sa kanya sa isang sulok ng bar kaya ang lakas ng pagkakasigaw nila Arquiz habang tuwang-tuwa ang mga ito. "Woohoo! Hindi mo kaya 'yan!" Sigaw ni Arquiz. Natawa naman si Raegan. Pagkatapos ay humarap ito sa dalaga na hindi maitago ang inis. "Woah! Attitude. Tinulungan na nga kita, parang ikaw pa ang galit. Kung hindi ako lumapit, baka kung saan ka dalhin ng lalaking 'yon. Baka bukas ng umaga ay laman ka na ng balita dahil wala ka ng buhay." Sabi ni Raegan kaya bumunghalit ng tawa si Sebastian at si Arquiz. Tinapik-tapik pa nila ang balikat ni Raegan na tila ba sinasabing sige lang... ipagpatuloy mo 'yan. "Tumahimik nga kayo. Ano ba ang nakakatawa?" Inis na sabi nito, pagkatapos ay muling humarap sa babae. "Next time, if no one asked for your help, do yourself a favor and stay out of it." Inis na sabi ng babae sa kanya. "What? Damn it, tinulungan ka na nga nagsusuplada ka pa?" Inirapan lang siya ni Angel kaya napapailing na lamang ng ulo si Raegan, pagkatapos ay tinalikuran na siya ng dalaga, pero hinablot niya ang palapulsuhan nito at ngumisi. "Wala bang thank you?" Bulong nito. Tinabig lang nito ang kamay niya at saka mabilis na umalis. Sa isang iglap ay tila ba naglaho ito sa paningin ng lahat. "That woman!" Inis na sabi ni Raegan." Tawa naman ng tawa sila Arquiz at inaya na nila ang kaibigan nila na magtungo sa kanilang pwesto. Pagkabalik nila ay tahimik na sa ibaba matapos kaladkarin ng mga bouncer ang lalaking nanggulo. Habang nag-iinuman sila ay nagdatingan naman sila Ynah, kasama nito ang kanyang mga kaibigan at sa unang palapag sila pumuwesto. Nagulat naman si Sebastian ng makita niya ang kanyang asawa kaya nagmamadali itong nagtungo sa ibaba at pinuntahan ang mga ito. Si Arquiz naman ay tahimik lang, hindi nililingon ang grupo ni Ynah na nasa ibaba. tahimik lamang siyang umiinom, tila ba kay lalim na naman ng iniisip nito. Pagbalik ni Sebastian ay kasama na nito ang kanyang asawa at ang mga kaibigan nito. Nagulat pa sila ng makita na hindi pala Venum ang kasama ng mga ito, pero pumayag naman sila na maki-join sa table ng mga ito. "Kanina pa kami dito. Marami na nga kaming napag-usapan." Sabi ni Melvin. Tumango naman si Adi at ngumiti ito. Si Ynah naman ay tahimik lang, nakikiramdam lalo pa at nakaupo siya sa tabi mismo ni Arquiz, pero hindi siya pinapansin nito kaya hindi niya rin ito pinapansin. "Napag-usapan kasi namin si Diana at ang pagmamahal pa rin niya dito." Biglang sabi ni Melvin. Agad na nagtaas ng tingin si Arquiz at inis na tinitigan ang kanyang kaibigan. "Oh really?" Sabi ni Aja. "Yeah, sa tingin nga namin ay mahal na mahal pa rin niya ito kahit na may pamilya na. Sabi kasi niya kanina sa amin ay walang makakapalit sa pagmamahal niya sa unang babaeng itinibok ng kanyang puso. Si Diana lang naman ang babaeng minahal niya." Sabi pa muli ni Melvin. Palihim na sinulyapan ni Aja si Ynah. Tahimik lamang ito, pero tila sasabog na ang damdamin nito na pilit niyang pinipigilan. "Uhm, saan ba cr?" Masiglang sabi ni Ynah. Tinuro naman ni Raegan ang banyo kaya nagmamadali na itong tumakbo at ihing-ihi na daw siya. Pero pagkapasok niya sa loob ay ni-lock niya ang pintuan at tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga luha. Halos ibuhos niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya habang hawak niya ang kanyang dibdib. Akala niya ay nakalimutan na ni Arquiz si Diana, pero kahit maraming taon na ang lumipas ay ito pa rin pala ang nilalaman ng kanyang puso. "Ynah. buksan mo ang pinto." Mahinang sabi ni Aja. Pagbukas ni Ynah ay hindi na niya kinaya pa ang sakit at napayakap siya kay Aja at saka ito umiyak ng umiyak sa balikat nito. "Matapang ka, hindi ba? Huwag kang magpakita ng kahinaan mo. Ipakita mo sa kanya na hindi ka apektado. Umayos ka Ynah, lalaki lang 'yan. Isa kang magaling na assassin at huwag kang magpakita ng kahinaan ng dahil lang sa isang lalaki." Sabi ni Aja. Bumitaw si Ynah at humarap sa salamin, naghilamos at naglabas ng make up. "Ganyan nga. Huwag na huwag kang iiyak ng dahil sa kanya." Humugot ng malalim na paghinga si Ynah at saka pilit na ngiti ang gumuhit sa labi nito. "Akala ko okay na, akala ko nanduon na siya sa point na nahuhulog na siya sa akin." Lumuluhang sabi nito, pagkatapos ay pinunasan ang kanyang luha. Sa kanilang lahat, kay Aja pa lang niya sinasabi ang totoo dahil nahuli siya nito na nagtungo sa condo ni Arquiz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD