"s**t! Sorry babe! Hindi sana kita ginulat!" Panay ang himas ni Beid sa likod ni Rima habang si Rima ay lumalanghap sa kaniyang inhaler. Nakatulala siya habang pinagmamasdan ang makinis na mukha ng kasintahan sa harapan niya. Close up niya iyong tinitingnan. Hindi pa rin siya makapaniwala. Parang ibang tao ang kaniyang kaharap. Mukhang napansin iyon ni Beid na tumigil at ngumiti. "May dumi ba ang mukha ko babe?" Ilang beses kumurap ang mga mata ni Rima. "Wala ng dumi..." wala sa sarili naman niyang sagot. Umiiyak pa rin sa labas ng kwarto ang kanilang dalawang anak. Hindi ito tumitigil habang buhat ni Rhea at ng kaniyang ina sa labas ng kwarto. Naandito silang dalawa at hindi alam ni Rima ang mararamdaman. Ang nasa harap niya ay kakaibang tao. Ibang-iba sa kilala niyang Beid

