"Teka wala akong makita" "Malamang babe, nakablind fold ka" Ngumuso si Rima habang nagda-drive ni Beid sa kung saan na hindi niya malaman. Isa daw iyong surpresa kaya naman nababalot siya ng excitement. First time siya isusurprise ih. "Maganda ba itong pupuntahan natin babe?" Tanong ni Rima. "Ofcourse. Baka hindi mo ako tigilan halikan kapag nakita mo." Nag-init ang pisngi ni Rima at tumahimik na lang. Dahil wala siyang makita ay tuluyan siyang nakatulog. Naalimpungatan siya nang yugyugin siya ni Beid. "Bakit madilim babe?" Takang tanong ni Rima na bahagya pang umiinat at nangalay ang kaniyang balakang. "Malamang nakablindfold ka babe!" Saad nito. Doon lang narealize ni Rima na mayroon pa rin palang nakatakip sa kaniya. Narinig niya ang pagsara at pagbukas ng pinto ng k

