"Ikaw na ba 'yan Señor?!" Natatawang pinagmasdan ni Rima ang dalawang mag-amo. Si Mang Carpio na gulat na gulat ang mukha habang si Beid ay proud na proud sa itsura na tumayo na parang kailangan siyang yukuan. "Ang pogi ko right?" Mabilis na tumango si Carpio. "Oo pero retokado na. Paano kapag nasampal ka ni Señora, tatabingi ba 'yan?" Ngumiwi si Beid bago tumingin sa kaniya. "You're not gonna hit me are you?" Umiling kaagad si Rima. "Hindi ko iyon gagawin basta hindi mo na ako paghihinalaan hehe" Lumapit naman si Beid kay Rima. Niyakap ito patagilid. "Ofcourse. Sorry for that" Sobrang saya ni Rima dahil muli silang nagkita-kita nila Mang Carpio. Naalala niya ang mga alaala nila noong tatlo pa lang silang magkakasama sa isang mukhang haunted house na bahay. Kung titingnan m

