Pagkalabas ni Konaide tumayo na ako, may sinabi pa si Mommy bago ako tuluyan makalabas. Hinanap ko agad ito, nakita ko naman ito na papuntang garden. Agad akong lumakad nang mabilis para maabutan ito. Para kase siyang kabayo sa bilis maglakad eh. "Konaide Wala ka bang balak na linisin 'yang mga kalmot mo?" tanong ko rito nang maabutan ko ito. "Malayo ito sa bituka, no need to worry. Hindi ako mamatay sa simpleng kalmot lang," ani nito sa malamig na boses. Ang tigas naman ng ulo ng babaeng ito tch, ewan ko bakit ko siya piniling sundan arrrg hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kapag siya ang usapan lagi na lang akong may nararamdaman pag-aalala. "Ang tigas ng ulo mo!" ani ko at pinitik ito sa noo. Hinila ko na ito papuntang clinic, wala akong paki kung pagtinginan kami nang mga t

