Nang makalayo na ito, naisipan ko na lang na hindi na siya sundan. Baka galit ito sa akin, tumalikod na ako at hahakbang pa lang ako pabalik sa school nang may dalawang putok ng baril akong narinig. Agad akong napalingon sa kinaroroonan ni Konaide, napatakbo ako nang makita kong bumagsak ito sa lupa. "s**t! Konaide gumising ka!" ani ko rito at binuhat siya. May tama ito ng bala sa tagiliran at braso. Med'yo malayo na kami sa school kaya, wala na akong nagawa kun 'di itakbo na siya papunta sa hospital. Baka kapag 'di ako magmadali mamatay siya. "Konaide, naririnig mo ba ako?" tawag ko rito. Maya maya lang may dumaang taxi agad ko itong hinarang, mabuti at pinasakay kami. "Bilisan mo mag-drive!" sigaw ko, pakiramdam ko kase ang bagal ng oras dahil sa nangyari. Bakit siya binaril? Sino ma

