Pumasok ako ngayon kahit tinatamad ako. Pupunta na lang ako ng garden dahil tinatamad pa akong pumasok sa room. Habang naglalakad ako, may bigla na naman sumulpot sa likuran ko. Hay, istorbo lang sila sa buhay. "Hi, Miss Konaide? How are you?" tanong ng tao sa likod ko. Hindi ko ito pinansin, dahil wala naman silang ambag sa buhay ko. Pero talagang makulit talaga, dinadaldal ako. Nakakairita kaya ang mga taong madaldal. "Miss, Rosas oh for you!" ani pa nito at inunahan pa ako. Argh, hindi ba marunong makahalata ang lalaking ito? Hindi naman siguro siya tanga para hindi mapansin na naiinis na ako sa kaniya? Napa'tsk' na lang ako at hindi ko tinanggap ang bulaklak. Ano'ng gagawin ko sa bulaklak? Nakakain ba 'yun? Tch, basura lang 'yan. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad makasalubon

