Habang naglalakad si Kairhara, dahil nag-cutting na naman ito. nararamdaman nitong may nakamanman sa kaniya. Hindi na lang niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Maya maya pa ay napahinto si Kairhara nang lumabas na sa pinagtataguan ang mga taong nakasunod sa kaniya. Bubunot pa lang siya ng baril nang biglang may bumaril sa kaniya mula sa likod. Bigla naman itong nakaramdam ng pagkahilo. Dahil ang nakalagay sa baril na pinangbaril sa kaniya ay isang syringe na naglalaman ng pampatulog. "Buwisit..." bulong nito at unti unting ng lumabo ang kanyang paningin hanggang sa natumba na ito. "Sige dalhin na 'yan!" ani ng lalaki, sumunod naman ang mga kasamahan nito at binuhat na si Kairhara, sinakay nila ito sa van at piniringan. Tinawagan naman agad ng lalaki ang kanilang boss. Pa

