Napangisi ako sa taong kaharap ko, siya pala ang may pakana nang lahat. Sa wakas ito na 'yung araw na kailangan ko na siyang singilin sa mga ginagawa niyang kasamaan. Habang may mga sinasabi ito, nakangiwi lang ako. Pero ang totoo, sobra na akong nasasaktan sa mga sinasabi niya. Gusto ko na siyang patayin, marami lang siyang alalay at nakatali rin ako. Hindi ako kikilos nang ikakapahamak ko. "Alam mo ba, Hija? Sobrang saya ko ng pinatay ko ang mga magulang mo?" aniya at tumawa pa. Nanggigil na ako, gusto ko na siyang mawala sa mundo. Pasensya, na lang talaga ang pinairal ko. Sa mga sinasabi niya mas nangingibabaw ang sakit at kagustuhan kong patayin ang taong kaharap ko. Walang wala ang natamo kung sugat sa lahat ng nangyari sa akin. "Paati na rin ang dalawa mong kapatid, ang tanga kas

