Dahil sa nangyari sa school, walang pasok nang isang linggo. May mga natuwa may mga natakot dahil sa nangyari ang iba pa nga ay nagkaroon ng trauma. Kalat na rin sa buong bansa ang nangyari sa schoo ng Kirsako. Sa kabilang banda naman nag sasaya ang isang taong may pakana nang lahat. Nakangisi ito habang pinapanood ang mga nangyari , maya maya lamang tumawa ito na akala mo 'y isang demonyo. "Shadow, Shadow? Kayanin mo pa kaya ang mga pasabog ko? Hindi pa 'yan sapat para magdusa ka, lahat idadamay ko. Ano ka ngayon? Nagmumukha ka tuloy pusa na pinipilit hanapin ang isang mailap na dagang katulad ko. Huwag ka mag-alala, kapag nakilala mo ako may surpresa ako sa'yo..." bulong nito habang nanonood pa rin. Ang grupo naman ng Evil Gang naghahanap na rin ng information dahil sa nangyari. Pero

