Pagdating ko sa dorm namin, nagulat ang mga kaibigan ko. Siguro nagtataka sila kung bakit dala ko ang kapatid ko. Dito na mo na kami, habang wala pa akong nakukuhang tirahan naming dalawa ng kapatid ko. "Hey, bro? Anong nangyari?" tanong ni Clarnce. "May nangyari ba? Bakit mo kasama ang kapatid mo?" tanong ni Ice. Halata mo sa kanilang lahat ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. Ang swerte ko dahil may mga kaibigan akong katulad nila. "Puwede bang manatili mo na ang kapatid ko rito?" tanong ko. "Yeah, puwede kayong manatili rito. Walang problema..." ani Ice. "What happened?" tanong ni Shadow na kakagising lang. Wala na akong nagawa kun 'di ikwento ang lahat sa kanila, ayoko namang may tinatago ako sa kanila. Alam ko rin naman kung itatago ko sa kanila ang nangyari, malalaman rin

