Isang araw na akong hindi lumalabas ng kwarto ko simula nang madulas ako sa sapa na yun. Part na rin nang hindi ko paglabas ay ang masakit kong balakang na pakiramdam ko ay na-dislocate dahil sa sakit nito tuwing igagalaw ko..ayoko ding makita yung Antipatiko na yun. Tinotoo din ni Ate Gracia ang sinabi niyang kakausapin ang ibang service providers sa town namin kung bakit mahina ang signal doon and kinahapunan napansin ko talaga ang improvement. I hate this feeling na wala kang ginagawa , pakiramdam ko nabubulok na ako dito sa kwarto ko although choice ko din naman ang hindi paglabas, gusto kong gumimik, uminom pero wala naman pwedeng mapuntahan dito. Trapped ako sa boredom na dala ng lugar na ito!!
"Bunsoy pwede bang pumasok? ang Ate Gracia ito" sabi ng boses sa pintuan habang kumakatok ito. Weird ni Ate paganyan-ganyan pa kahit papasok din naman siya kapag sinabi kong bawal. Parang si Melissa na napaka-kulit.
"Go on come on leave me breathless " sagot ko dito habang nakatuon ang atensyon ko sa phone ko checking some of my emails. Nakakapanghinayang lang ang mga invitations at projects na napalampas ko dahil sa pagiistay ko dito, malakas kasi ako as freelance photographer this season kung saan kaliwa't-kanan ang mga fashion shows sa New-York.
"Kamusta na ang balakang mo? Masakit pa rin ba?" tanong ni Ate Gracia sa akin habang umuupo ito sa kamang kinahihigaan ko.
"Well masakit pa rin. I'm in pain so please stop asking what's obvious" masungit kong sagot dito habang hindi man lang ako nag-aabalang tignan ito. Pero to be honest natutuwa ako sa mga simpleng gestures ni Ate Gracia, sa tagal kong namuhay mag-isa nakakamiss din pa lang makarinig or makafeel na may concern sayo.
"Sungit mo talaga Bunsoy pero alam ko na sa likod ng kasungitan mong yan ay yung makulit, malambing at maalalahanin kong Bunsoy. Naaalala mo pa ba noong bata pa tayo, yung hindi ka makatulog sa gabi hanggat hinid mo katabi si Papang dahil gustong-gusto mong nakikinig ng stories from him, yung lagi kang magpapakarga kay Kuya Gary every morning para lang mapilit ka naming sumabay sa magbreakfast....." nakangiti nitong pagre-reminisce na kaagad kong pinutol.
"Can you stop that Ate Gracia? Nakaraan na yung mga iyon at hindi na dapat binabalikan? Ano namang mapapala natin sa pagalala sa mga bagay na tapos na?" masungit at seryoso kong tanong sa kanya na ikinatigil niya.
"..bumalik ka sa dati. Bunsoy miss na miss ka na namin. I know na wala akong alam at hindi ko alam ang lahat ng pinagdaanan mo sa New York while youre all alone pero nandito kami ngayon to say na hindi ka naman nag-iisa. We're here for you" maluha-luha nitong sagot sa akin habang hinahawakan ang mga kamay ko.
"You see Ate Gracia ibang tao na ako. I am no longer the Bunsoy that you've wanted to come back. Hindi na ako yun Ate so please huwag ka nang umasa na babalik pa ang mga bagay na tapos na dahil malabo na yun." Sagot ko naman dito na ikinangiti lang ni Ate
"Bunsoy patawarin mo na si Papang, pinagsisisihan niya lahat nang yun before, natatakot lang siya" biglang sabi nito na ikinainit ng dugo ko. Bakit niya kailangang ipagtanggol ang taong yun? Yung taong kinahiya ako at hindi ako tinanggap?
"This is going nowhere..Nonesense Ate Gracia." Putol ko dito bago ako nagtalukbong ng kumot para tumigil na siya kasasalita. Hindi ko alam pero ayoko nang balikan yung nakaraan ko, iba na ako sa dating Bunsoy na sinasabi nila, iniwan nila ako at natuto akong mag-isa. Hindi na rin nagtagal si Ate Gracia at naramdaman ko na lang na umalis ito sa kwarto. I hate to do it Ate Gracia but I just can't let my walls come down, yung sakit nang pag-iisa, yung pain knowing na walang nagmahal sa akin lahat ng yun molded me into a person na ako ngayon. Masakit pero yun ang totoo.
Hapon na nang magdecide akong lumabas ng kwarto dahil nagugutom na din ako. Ayoko namang dalhan pa nila ako ng pagkain sa kwarto dahil hindi naman ako baldado. I think enough na yung rest ko para makalakad ng matino. Medyo walang tao sa labas ng bahay ng lumabas ako baka nasa hacienda ang mga yun kasama si Papang at nagkukwentuhan dahil napansin ko na mahilig magkasiyahan ang mga tao dito. Tumulak na kaagad ako sa kusina para maghanap ng pagkain nang maabutan ko ang pinaka-ayaw kong makita ...si Antipatiko.
"Nandito po pala kayo Señorito" nakangiting bati nito na sa akin habang hubad barong kumakain din sa kusina. Hindi ba uso sa kanya ang T-shirt at gustong gusto niyang iexpose ang katawan niya.
"What are you doing here?" nagtataka kong tanong dito
"I'm eating Sir Gray. Don't you know what eating is?" nang-aasar na tanong nito sa akin. Nakaasar yung pageenglish ng mokong na ito ah!
"wag mo kong pilosopohin ha! Ang ibig kong sabihin bakit dito ka kumakain?" inis kong tanong dito pero siya tuloy pa rin sa paglamon
"Saan ba dapat Sir? Sa kwarto niyo? Sa kubeta?" maang-maangan nitong tanong sa akin. This guy is getting into my nerves! Mabuti na lamang ata dumating si Ate Gracia dahil kung hindi baka binuhos ko na yung sopas sa mukha ng lalaking ito. Antipatiko talaga!
"Bunsoy mabuti na lamang at lumabas ka na ng kwarto mo. Siya sumabay ka na kay Ben kumain para naman may kasalo ka" bati nito habang kinukuha ako ng plato na inilagay niya sa tabi ng pinagkakainan ni Antipatiko.
"kain na Sir Gray! Lets eat" nakangiti aya sa akin ni Antipatiko na ikinatawa ni Ate Gracia. Seriously Ate Gracia?
"oh kain na daw kayo Bunsoy! Naku dapat magsasasama ka diyan kay Ben dahil mahilig yan magpatawa tiyak sasakit ang tiyan mo sa katatawa" pagkukwento naman ni Ate habang ako ay umuupo na sa tabi ni Antipatiko.
"Oo nga sumama ka sa amin magtanim ng mais at umakyat ng niyog , para naman maarawan ka kahit papaano" gatong naman ni Antipatiko na parang PG pa rin kumain. Sabaw ang ulam tapos nakakamay? Seriously?
"Bunsoy naku kumain ka ng marami tignan mo si Ben ang sarap tignan kumain. Damihan mo ang pagkuha ng kanin para tumaba ka" sabi ni Ate Gracia na nakatingin sa pagkain namin. Bakit mukha na ba akong mamatay sa itsura ko?
"Oo nga Sir Gray kain ka ng marami para magkamuscle ka tulad ko. HINDI BA MAHILIG KA SA MAMUSCLE?" nakangiting sabi ni Antipatiko habang nilalagyan ako ng kanin sa plato ko. Anong gustong palabasin ng lalaking ito? Paano ako makakakain sa kadal-dalan nila ni Ate Gracia?
"you shut up" bulong ko dito habang sinasamaan ko siya ng tingin. Pero iba rin ata ang tama ng lalaking ito at tumawa pa ng malakas.
"Ate Gracia payag pala itong si Sir Gray e, sabi niya sabihin niyo daw kay Papang na ililibot ko siya sa hacienda bukas" sabi nito kay Ate na nanlaki ang mata sa tuwa habang ako naman ay nanlaki ang mata sa yamot at galit sa lalaking ito. Seriously? Magiging kalbaryo ko pa ata ang lalakong ito!
Ben's POV
Matagal na akong nagtatrabaho bilang isa sa kanang-kamay ni Papang dito sa Hacienda Vasquez. Simula nang itayo at mabili ni Papang ang lupa dito ay ginawa na niyang katiwala ang tatay ko para mamahala sa mga maisan at niyogan nito. Sa kasawiang palad ay namatay si Tatay sa sakit na diabetes apat na taon na ang nakakalipas samantalang ang nanay ko naman ay namatay habang ipinapanganak ako. Ulila na ako sa buhay at tanging si Papang ang tumayo kong magulang noong namatay ang tatay, siya na rin ang sumagot sa pag-aaral ko hanggang sa makatapos ako ng Agriculture sa University of the Philippines. Itong kurso na din ang napili ko dahil gusto kong suklian ang paghihirap ni Papang sa akin sa pamamagitan ng pag-aalaga sa hacienda nila. Madalas kasing sabihin sa akin ni Papang na napakahalaga daw ng Hacienda ito sa kanya dahil may isang taong nasaktan niya ang nangangarap na tumira sa ganitong lugar. Gusto niya daw makabawi at iparamdam sa taong yun ang pagsisisi sa mga nagawa niyo noon. Hindi ko man alam ang buong istorya ay handa akong tulungan si Papang dahil bukod sa tinulungan ako nitong makapagtapos ay napakabait at maalalahanin din ito sa kanyang mga trabahador...kaya nga Papang na din ang tawag naming lahat sa kanya e dahil para na din naming siyang tatay sa pagmamahal niya sa amin.
"Tsong ang gwapo at mestisuhin yung bunso ni Papang ano?" sabi sa akin ni Tonyo matapos naming pumunta sa bahay nila Papang para supresahin ang pagdating ng bunso niya. Okay n asana kaya lang KJ yung bunso niya dahil hindi man lang nakisalo sa pagkain naming at nagpahinga agad.
"oo may itsura kaya lang mukhang malayo ang ugali kela Ate Gracia at Papang, laking ibang-bansa kasi e" sagot ko naman kay Tonyo na nilalantakan pa ang buntot ng lechon na kinuha niya kaagad kanina. Ka-edad ko lang din itong si Tonyo kaya lang hindi na siya napag-aral ni Papang dahil mas pinili nitong magtrabaho na lang para sa pamilya nila.
"oo nga Tsong pero ang ganda siguro noon kung nagging babae yun. Kahawig ni Ate Gracia e" bigla namang sabi nito na nakapagpaisip sa akin bigla. Tama nga si Tonyo, karamihan sa features ni Sir Gray ay pangbabae kaya mukha itong inosente at mahinhin pero sa pinakita niyang ugali kanina...nakakayamot..ang sungit!
"Ben pwede ka bang makausap?" boses sa likod naming ni Tonyo. Nakaupo kasi kami sa bakod ng mga Vasquez dahil nagpapatunaw ng kinain naming kaya hindi naming alam kung sino yung paparating.
"ay sige po Papang..ano po bang maipaglilingkod ko?" gulat kong sagot dito na kinagiti naman nito.
"Tonyo maaari bang iwan mo muna kami?" baling nit okay Tonyo na nilunok yung kinakaing buntot ng lechon kanina.
"sige po Papang. Tsong uuna na ako ha" sabi nito sa amin bago umalis
"Papang ano po ba yun at mukhang seryoso?" tanong k okay Papang na umupo na din sa bakod na kinauupuan naming kanina.
"Yung anak kong si Gray..siya yung tinutukoy kong nagawan ko ng pagkakamali noon, siya yung taong dahilan kung bakit pilit kong pinapaganda ang hacienda. Pero nakita mo naman siguro kanina kung gaano na kalayo ang loob niya sa aki...at hindi ko siya masisi Ben.. nasaktan ko ang anak ko at habang buhay ko yang pagsisihan" malungkot nitong pagkukwento sa akin.
"Papang kung ano man po ang nagawa niyo kay Sir Gray noon alam kong karapatan niyo pong mapatawad. Tao lang po kayo na nagkakamali at naniniwala akong darating ang panahon na mahahanap ni Sir Gray ang kapatawaran sa puso niya" pagpapagaan ko naman ng loob kay Papang.
"Maraming salamat Ben.. alam kong masiyahin at masipag kang bata ...gusto ko sanang humingi ng pabor sayo?" sabi sa akin ni papang na ipinagtaka ko.
"Ano po yun Papang?" pagtatanong ko dito
"Maaari bang ikaw ang maging kasa-kasama ni Gray habang nandito siya sa Hacienda. Gusto kong mahawaan siya nang pagiging positibo mo sa buhay, gusto kong maipakita mo sa kanya na siya ang dahilan at bumubuhay sa haciendang ito" seryoso nitong pakiusap sa akin.
"...sige po.." bigla kong naibulalas dito