Black Sheep 6

1332 Words
Gray's POV Nakakapikon talaga yung antipatiko na yun ,akala mo kung sino? Sila Ate Gracia naman todo paniwala at sinakyan pa talaga ang kalokohan ng antipatiko na yun. Bahala sila sa buhay nila lalo na yung antipatiko na yun na marinig ko lang ang boses ay nayayamot na ako. He's getting into my nerves?! Hindi ko dapat to nararamdaman dahil usually naman ay wala akong pakialam sa ibang tao ewan ko ba nanggigil ako sa inis pag nakikita ko yun...ang yabang kasi e. "Bunsoy gising na......gising na bunsoy" boses na pilit umiistorbo sa pagtulog ko kasabay ang mahinang pagtapik sa hita ko. Ito ang pinaka-ayoko e ang iniistorbo ako sa gitna nang pagtulog ko, para sa akin sagrado ang pagtulog ko kaya kung sinuman ang umistorbo ay sinasama sa akin. Hindi ba nila alam ang ibig sabihin ng salitang privacy? "Kung sinuman ka man you better shut up!! Get out!! " galit kong ungol sa kung sinuman ang nanggigising sa akin. Wala akong appointments o raket ngayon kaya walang reason para gumisng !! kung sinuman ka man lumayas ka na!! "tskk... napaka-pasaway talaga.. Ikaw na ang bahala diyan" narinig kong sabi ng boses na gumigising sa akin na maya-maya'y tumigl na din. Dahil doon mas ninamnam ko pa ang pagtulog ko ..ang malabot kong unan, ang malamig na hangin ng probinsya.... Perfect sa pagtulog..pero bigla na lang.... "OHMYGOD!!!!" naibulalas ko sa gulat nang may bigla na lang bumuhat sa akin mula sa kama ko. Pilit kong sinilip kung sino ba ang bumuhat sa akin habang pinapalo ko ito at doon ko nalaman na si Antipatiko pala ito. Pati ba naman sa pagtulog ko umeepal to! "Pwede ba ibaba mo ko...you're so annoying!!" galit kong reklamo dito na sinunod niya naman sa pamamagitan nang pagbaba nito sa akin sa sala na ikinatumba ko naman dahil sa na out-of-balance ako. Napaka-rude talaga ng lalaking ito. "Aray!! Bakit mo ako binaba nang ganun?" galit kong tanong sa kanya habang tumatayo ako. Pero tinignan lang ako nito at tumawa. "What's funny? Napaka-antipatiko mo talagang lalaki ka. Wala ka bang manners para pumasok na lang bigla sa kwarto ko? I can accuse you of trespassing or worst r**e!!" pananakot ko sa kanya pero mas lumapad lang ang pagngiti nito. "Ako ang nag-utos sa kanya" boses sa likuran namin na kaagad kong nilingon at doon nakita ko si Papang na may dalang tasa ng kape. "Papang? What's the meaning of this? Hindi niyo ako pwedeng basta na lang hilain palabas ng kwarto ko! Thats against my privacy!Youte invading my privacy!" nagtataka kong tanong dito "Pasensy na anak.....Gray anak...gusto ko lang na malibot mo ang hacienda , gusto kong maappreciate mo ang ganda nito at si Ben lang ang alam kong mapagkakatiwalaan na pwedeng mag-ikot sayo...mabait siya anak. Hindi ba hilig mong pumunta sa mga ganitong lugar , kaya alam kong mag-eenjoy ka sa pagiikot mo dito. Pangarap mong tumira sa ganitong lugar di ba bunsoy?" paliwanag nito sa akin na ikinataas ko lang ng kilay. "Things changed. I have changed. Narealize ko na ang mga ganitong lugar ay walang kwenta, masyadong boring hindi katulad ng mga city na masaya, maingay...yun naeenjoy ko hindi ito!! Tigilan niyo na ang kalokohan na ito dahil ngayon pa lang sinasabi ko sa inyo na hindi ko magugustuhan ang lugar na ito!! " sagot ko dito na mukhang ikinapahiya nito. "anak...akala ko kasi ito pa rin ang gusto mo..." mahinang sagot sa akin ni Papang "Precisely! Akala mo lang! hanggang akala ka na lang kasi hindi mo naman ako kilala. You don't know me! Ipinagtulakan mo nga kasi ako dati, right? Kaya wala kayong alam about me! Things would have been different if hindi ninyo ako pinagpasa-pasahan before..pero tapos na... youre already late" dagdag ko pa dito na mas ikinayuko ni Papang "Pasensya na anak.." narinig kong bulong ni Papang. Alam ko na masyado ko nang narating ang limitasyon, nagawa ko ang hindi dapat at yun ay ang bastusin si Papang. Nadala na ako ng galit at emosyon ko...gusto ko lang naman sabihin lahat nang kinimkim ko sa puso ko e pero hindi ko alam kung paano. Bigla na lang akong nagulat nang may humila sa akin palabas ng bahay only to find out na si Ben pala ito na seryosong hinihila ako palayo sa bahay namin. "Bitawan mo nga ako! Don't touch me! Ano ba?!" galit kong sabi dito habang pilit kong tinatanggal ang mahigpit niyang pagkakapit sa akin. "Ano ba? Bitawan mo ko!!!! Wala kang karapatang hawakan ako. Get your dirty hands off of me" dagdag ko pa dito dahilan para bitawan ako nito ng malakas kaya nadapa ako sa damuhan. "Ganyan ba katigas ang puso mo? Ganyan ka ba kabastos? Anong klase kang anak?!" galit nitong tanong sa akin habang ako naman ay masamang nakatingin sa kanya habang nakaupo pa rin "You dont know a damn thing about me....hindi mo alam ang pinagdadaanan ko! Wala kang karapatang husgahan ako! At kung ano mang klase akong anak, wala ka ng pakialam doon!!" mahina at galit na galit kong sabi sa kanya. " Oo wala akong alam, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo o ang nararamdaman mo pero hindi pa ba sapat na nagsisisi na ang tatay mo para lang makuha ang kapatawaran mo? Masaydo kang matigas Sir Gray, magpasalamat ka pa nga at may mga magulang ka nagpapakababa para lang hingin ang kapatawan mo " galit din nitong sabi sa akin. "Sinasabi mo yan dahil nakikinabang ka sa tatay ko, kaya mo yan sinasabi dahil hindi ikaw yung tinalikuran..hindi ikaw yung iniwan at pinagtulakan..wala kang alam sa nararamdaman ko!!! Wala kang alam!" galit na galit kong sigaw sa kanya bago ako nagtatakbo palayo. Hindi nila alam ang nararamdaman ko, walang makakaintindi sa sakit ng dinadanas ko. Wala silang karapatan para pagtulungan ako! Hindi nila ako kilala. Dahil walang nagmamahal sa akin. Hindi ko namalayan na sa patuloy kong pagtakbo ay hindi ko na alam kung saan ako napadpad. Masyado pa lang malaki ang hacienda pero ang alam ko lang ay nasa gitna ako ng nagtataasang tubuhan. Hindi ka na natandaan ang pinaglakaran ko dahil sa galit at pag-iyak. Nagpatuloy ako sa pagiikot-ikot dahil unti-unti nang tumitirik ang araw at hindi man lang ako nakapag-almusal kahit kaunti. Nanlalagkit na ako sa init at sugat sugat na din ang paa ko sa titilos ng dahon sa tubuhan. Sa paglalakad ko nadinig ko ang isang tunog na nakapagpanindig balahibo sa akin...isang kulay itim na ahas na gumagapang papunta sa direksyon ko. Halos pigilin ko ang paghinga ko dahil limang talampakan lang ang layo nito sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil alam kung makamandag ang mga ahas na naninirahan sa ganitong lugar, isang tuklaw at tiyak mamatay ako. Mas natakot pa ako ng tumaas ang pa ang pagtingala ng ulo nito ...na ikinapikit ko na lang. "Gumalaw ka na, napatay ko na" boses na nakapagpahinga sa akin. That was close! And tama nga siya nandoon ang ahas at putol na ulo nito habang gumagalaw-galaw pa rin ang katawan nito. "Salamat..." mahina kong sabi dito pero seryoso pa rin ang mukha nito na mas kinailang at kinahiya ko pa. "Sumunod ka na sa akin nang hindi ka na maligaw" seryoso pa rin nitong sabi sa akin habang patuloy sa paglalakad. Nanatili akong nakasunod sa kanya na kanina pa tinatabas ang bawat dadaanan namin. Hindi nagtagal ay narating na namin ang isang mahabang pilapit heading sa bahay namin pero hindi pa rin siya nagsasalita at naglalakad lang nang mabilis. Nahihiya ako sa mga sinabi ko sa kanya, nahihiya ako dahil nakita niya kung paano ko binastos ang tatay ko...pero niligtas niya pa rin ang buhay ko. "Dumiretso ka na pauwi sa inyo, hinihintay ka na ni Ate Gracia doon" narinig kong sabi nito bago umiba ang direksyon niya na sa tingin ko ay papunta sa maisan ng hacienda. "...ahhh Ben" tawag ko dito na kaagad niya namang liningon "May kailangan ka?" walang emosyon nitong tanong sa akin "....sa....salamat" nahihiya kong sabi dito na ikinatango niya naman bago tumuloy sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD