Gray's POV
Ilang days na akong bored na bored dito sa bahay. Simula kasi nang magkasagutan kami ni Papang maging nung Antipatikong lalaki na nagligtas sa akin, ay wala nang masyadong kumakausap sa akin. Kasalukuyan kasing nasa bayan si Ate Gracia dahil head pala ito ng isang NGO na tumutulong sa mga magsasaka sa rehiyong ito. Si Papang naman ay medyo ilag at parang nahihiya sa akin pero to be honest feeling ko ako dapat ang mahiya dahil sa mga nasabi ko sa kanya. Nilalamon na ng galit ang puso ko at as a result I am starting to view things against me. Pakiramdam ko pinagtutulungan ako ng pinagsamang kamalasan ng pagkakataon at tadhana.
"Sir Gray pinapatawag ho kayo ng inyong Papang sa salas" pukaw sa akin ni Ate Dina habang nagmumunimuni ako sa garden ng bahay. Pinili kong tanguan na lamang ito bago ako tumayo at naglakad papunta sa salas. Ano naman kaya ang sasabihin ni Papanh? Tinungo ko ang salas kung saan naabutan ko si Papang....pero kasama niya si Ben na seryosong nakatingin sa akin.
" What ?"walang emosyon kong tanong kay Papang na nakatingin lang sa akin
"ahh Gray...anak.. napag-usapan kasi namin ng Mama mo ang mga kundisyon nang pag-uwi mo dito. Masaya ako at pinili mong bumisita dito anak pero nabanggit din sa akin ni Melissa ang mga kailangan mong gawin...at kung sakaling magagawa mo ito nangangako akong tutulong din ako sa plano mong magtayo ng studio sa New york" mahabang saad nito sa akin na nakapagpaliwanag sa mga mata ko. If sakaling mag-ambag si Papang sa studio mas magiging malaking tulong iyon sa akin at mas maraming customers ang pwedeng pumunta sa akin
"Anong sinasabi mong kapalit?" tanong ko dito na mukhang ikinatuwa ni Papang
"Kailangan mong magtrabaho bilang tauhan ng hacienda sa loob ng tatlong buwan"sagot nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.
Ako magtatrabaho sa hacienda? No way! Ni hindi nga ako marunong magtanim ng halaman e. At saka sobrang init ng panahon ngayon para magbabad ako sa katirikian ng araw. If hindi ko naman tatanggapin sayang ang malaking tulong ni Papang at baka hindi pa tumupad sa kasunduan si Melissa. Ayokog mapunta sa wala ang inuuwi ko dito sa Pilipinas.
"Anak tatanggapin mo ba? Maiintindihan ko kung ayaw mo..huwag kang mag-alala ako na ang magpapaliwanag kay Melissa. Ako na d....." sabi ni Papang sa akin na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba or ikaooffend. Enough nang utang ko ang buhay ko sa kanya pero aside from that ayoko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya. In fact huli na siya.
"No. I'll accept it" pigil ko dito na ikinagulat nito
"Kung ganun anak si Ben na ang bahala sayo,natitiyak ako na hindi ka niya pababayaan. Masaya ako at pumayag ka, natitiyak kong marami kang matutunan kay Ben" sabi ni Papang bago ito naglakad palayo ng salas.
Nang idako ko naman ang tingin ko kay Ben ay seryoso pa rin itong nakatingin sa akin na para bang mangangain ng buo. Hindi ko alam pero ang hot niya tumingin!! Kung nagaapoy lang ang mga titig niya malamang abo na ako ngayon. Tss, Gray what the hell are you thinking?!!
"Ihanda mo ang ilan sa mga gamit mo at simula mamayang gabi ay hindi ka muna dito matutulog , parte na din ito nang kasunduan at pagtatrabaho mo sa hacienda" seryoso nitong sabi sa akin na mas nakapagpalaki ng mata ko
"Ano?? Ang usapan lang ay magtatrabaho ako walang sinabi na lilipat ako ng matitirhan. Huwag mong dagdagan ang punyetang kondisyon ng kasunduan namin." inis kong tanong dito pero seryoso pa rin itong nakatingin sa akin.
"kung ganun ay sasabihin ko na lang kay Papang na umaatras ka...." Pananakot nito sa akin habang naglalakad papunta sa office ni Papang
"Sandali!! Oo na!! Tanginang yan kung hindi ko lang talaga kailangan ang pera" napipilitan kong sagot dito na mukhang effective naman dahil huminto na ito sa paglalakad at humarap sa akin.
" alas kwatro ng hapon hihintayin kita sa labas ng mansion. Hindi ka maaaaring magdala ng kahit na anong gadgets o kahit na anong kaartehan sa katawan" tanging sabi nito sa akin bago naglakad palabas ng bahay. Ano to PBB? Napakataray ng lalaking ito daig pa ang may regla, akala mo naman patay na patay ako sa kagwapuhan niya! Hell! No thanks I had a lot of hot men waiting for me in New York.
Labag man sa loob ko ang mga nangyayari ay pinili ko na lamang na sundin ito dahil ako din ang mawawalan kung makikipagsabayan ako sa kasungitan ng lalaking iyon. Nilagay ko na sa loob ng maleta ko ang mga damit ko at kagaya nga ng sinabi niya ay hindi ko na dinala ang mga gadgets ko. Magaalaskwatro na nang lumabas ako ng kwarto kung saan naabutan ko si Papang na nakatayong naghihintay sa akin.
"Huwag kang magalala anak, sinabihan ko si Ben na huwag ka masyadong pahirapan. Kilala ko ang batang iyon, hindi ka nun papabayaan" sabi nito sa akin na palihim ko namang ikinatuwa.
"...thanks" sagot ko dito habang kunwari ay inaayos ko ang mga gamit ko. Hindi ako sanay magpasalamat sa ibang tao lalo nat sarili ko lamang ang inaasahan ko sa loob ng maraming taon. Ang strange ng dating pero pakiramdam ko nabawasana kahit papaano yung mga dinadala ko.
"Mabuti pa anak ay lumabas na tayo dahil kanina pang naghihintay si Ben sa labas. Ang batang iyon talaga masyadong maaga tumupad sa mga pinagkakasunduan" sabi naman ni Papang habang kinukuha ang maletang hawak palabas ng bahay. Prenteng nakaupo sa barod ng bahay si Ben at nang matanaw na parating kami ay kaagad niyang sinalubong si Papang para kunin ang maleta ko... galawang sipsip!
"Kanina ka pa ba dito Ben? Dapat pumasok ka muna sa loob nang napagawan kita ng meryenda" bati ni Papang dito habang ako naman ay nasa likod niya lang
"Hindi naman po Papang, nagpapahangin lang din po ako dito" sagot naman nito kay Papang habang tumatawa. Tignan mo! Pag kay Papang nakangiti pero pag sa akin sobrang sungit at seryoso ng lalaking ito.
"Oh paano Ben ikaw na ang bahala sa Bunso ko ha. Pakiingatan na lang. Maiiwan ko na kayo dito , Gray dadalawin na lamang kita doon sa makalawa. Magiingat kayo doon" paapam ni Papang bago ito pumasok sa loob ng bahay.
" so saan tayo? Where's the car? Come on dont keep me waiting!" tanong ko kay Ben na ngayon ay seryoso na namang nakatingin sa akin.
"tsk. Magumpisa na tayong maglakad para hindi tayo abutan ng dilim. Ito na ang maleta mo, sa susunod matuto kang ilugar ang kaartehan mo" sabi nito sa akin bago siya naglakad nang hindi man lang dinala ang maleta ko. Napaka-Antipatiko talaga.
Yamot man ay sumunod na lang ako sa lalaking ito na relax na relax pa sa paglalakad habang ako naman ay hirap na hirap sa paglalakad. Puno ng putik ang gulong ng maleta ko at puro gasgas na din ito. s**t! Kung hindi ko lang talaga pangarap ang magkaroon ng sariling studio I wont even bother going back here.
"bilis-bilisan mo diyan!" sigaw nito mula sa kinatatayuan nito. Bastos to ha!
"Wag mo nga akong sigawan baka nakakalimutan mo anak ako ng boss mo! You better start treating me right!" galit ko ding sigaw dito pero mukhang hindi man lang ito natinag sa akin
" Baka nakakalimutan mo din na sa akin ka magtatrabaho. Habang nasa akin ka hindi mo ako empleyado...trabahador kita. Wag mo ding ipagmayabang sa akin na anak ka ni Papang dahil sa kilos at asta mo pa lang hindi ka mukhang Vasquez" sagot naman nito sa akin bago ulit siya naglakad palayo. May attiitude tong lalaking ito ha!
"F*ck you!!" galit na galit kong reaksyon habang naglalakad. Pawis na pawis na ako at idagdag pa ang nawawalang gulong ng maleta ko. Akala ko naman kasi ay sa isang apartment muna ako tutuloy hindi man lang sinabi sa akin na sa Bundok tralala pa pala.
"akin na nga yan. Napaka-kupad mo!" bigla na lang sabi ni Ben na bumalik na pala sabay kuha sa maleta ko at binuhat sa balikat niya.
"oh my god!! May feelings ka pala. Hinintay mo pang masira ang maleta ko? Seriously? Wheres the faith in humanity?" sabi ko dito habaang nakasuod ako sa kanya.
"Manahimik ka diyan baka gusto mong itapon ko sa bangin tong mga gamit mo" seryosong pananakot nito sa akin dahilan para manahimik na lang ako. Praning ata ang lalaking ito at baka totohanin niya pa.
Ilang sandali pa ay nakita ko na ang isang maliit na kubo pero ang weird lang dahil nagiisa lang ito doon. Hindi ba uso ang kapitbahay dito.
"is that your house?" tanong ko dito at tanging tango lang ang sinagot nito sa akin.
"its cute pero ang pangit parang number 3 lang ng electricfan tatangayin na yan eh" tumatawa kong komento at namalayan ko na lang na gumugulong na pala ang maleta ko pababa ng bangin.
"HOW DARE YOU!!!!!" galit na galit kong sita dito pero tumawa ito for the first time
" isang tapon lang din yung maleta mo" sabi nito bago siya pumasok ng kubo
"yung mga gamit ko" wala sa sarili kong sabi habang tinitignan ang pinaggulungan ng maleta ko.
Walang puso talaga ang lalaking iyon hindi man lang naawa sa mga gamit ko. Sinong matinong tao ang magtatapon ng maleta sa bangin? Ano na ngayon ang susuotin ko dito? Hindi naman aka makakbalik sa mansion dahil masyado itong malayo at malalim na din ang gabi.
"Kumain ka na" sabi nito habang siya ay sarap na sarap sa pagkain ng isang kamote,pritong isda at kape.
"Bakit may pagkain ba? Bigyan mo muna ako ng matinong pagkain" singhal ko dito pero parang wa epek pa rin sa kanya.
"sige ikaw bahala. Mamaya itatapon ko na ito" sabi lag nito habang tuloy pa rin siya sa pagkain.
"oo na ! Oo na ! Kakain na ako. Why are you doing this to me? Bakit napakarude mo sa akin? Hindi ka naman ganyan sa iba ha?" inis na inis kong tanong dito habang tuloy pa rin siya sa pagkain na para bang walang naririnig
"wala lang. Respect begets respect. Mayroon ka ba nun?" simpleng sagot nito sa akin
So anong ibig niyang sabihin? Na wala akong respeto ? Hindi ko na naabutan pa si Ben dahil pakain pa lang ako ay hinuhugasan na nito ang plato niya. Hindi man ako sanay sa pagkaing ito ay kinain ko na lang din ito dahil alam kong walang choice sa layo ba naman at liblib ng bahay na ito.
"where will I sleep?" tanong ko sa kanya habang naglalatag siya ng banig sa isang papag.
" may nakikita ka bang kwarto dito?" pilospo nitong sagot sa akin
"Don't answer with another question. Hindi ako nakikipagbiruan sayo Ben!" galit kong sabi dito pero mukhang katulad kanina ay wala na naman itong pakialam
" Pag may nakitang higaan humiga ka na lang. Bahala ka kung magiinarte ka pa" sabi nito sa akin bago siya humiga sa nilatag niya kanina.
This is no longer funny? Hindi ko deserve ito! I don't even deserve to be in this place. Ipinapangako na matapos lang tong deal na ito ay babalikan ko ang lalaking ito. Lintik lang ang walang ganti!