Dalawang linggo na rin ang nakalipas at hanggang ngayon ay wala pa ring araw na pinapalampas si Ben para ipakita ang intensyon niya sa akin. Ill be hypocrite if sasabihin kong hindi dumating sa point na gusto ko ulit siyang sagutin pero mayroon pa rin kasing inhibitions and I cant afford to risk another relationship nang hindi pa ganun kabuo ang tiwala ko. "Hoy tulala ka na diyan? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? " Tanong sa akin ni Ben habang hindi ko namalayan na kanina pa pala siya kwento nang kwento sa akin. Kasalukuyan kaming nasa papag ngayon malapit sa maisan para sana magpahinga dahil sinubukan ulit naming magtanim kanina at mukhang nanibago na nga ang katawan ko sa dati naming ginagawa. "Uhmm nothing,napagod lang siguro ako"palusot ko dito sabay bigay ng isang pekenh ngiti

