"Oh my gosh!!! Talaga ba bhe? Pumayag ka na ulit? This is so something Gray!!" Tuwang tuwang reaksiyon ni Choleng nang ibalita ko sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Ben isang linggo na ang nakakalipas. Minabuti kong isantabi muna ang napag-usapan namin ni Ben dahil inuna ko muna ang makausap si Papang at ang pag-asikaso kay Kuya Gary na kasama na ng asawa niya ngayon. Pinilit din ako ni Ben na ipakulong or ipablotter si Kuya Gary dahil sa ginawa niya pero pinili kong hayaan na lang ito. I am hoping na kahit papaano ay papatahimikin niya muna ang buhay ko dahil after all magkapatid pa rin kami sa ina. About Papang naman ay naging ganito ang takbo nang pag-uusap namin. "Gray anak alam kong alam mo na"mahinahong bungad sa akin ni Papang habang nakagiiskype kami. Kanina pa kami magkahar

