"Aray ano ba?!!" Reklamo ko pero nagulat ako kung sino ang humila sa akin Anong ginagawa niya dito? Ano na naman ang balak niyang masama? Hindi pa na enough ang mga nangyari before? Kuya Gary?!! "Gulat na gulat ka ata bakla?! Dont tell me ayaw mong nandito ako?" nakangisi nitong tanong sa akin. Ilang taon ko ding hindi siya nakita at masasabi kong marami nang nagbago sa pisikal niyang anyo. Ang malinis at pormal na ayos nito ay napalitan ng marumi nitong suot na tshirt ,kapansin-pansin din ang pamamayat nito at ang paghaba ng buhok nito. "Kuya Gary?!!!" Ang tangi kong nasabi. Nagulat pa ako nang bigla na lamang ako nitong hilain patungo sa liblib na parte ng hacienda kung saan madalang na lang ang mga trabahador na nagtatrabaho. "Kuya Gary saan tayo pupunta?!! Bitawan mo ko!!" Kinakab

