AIRISH'S PLAN

1018 Words
Vaniah's POV Hinatid ako ni Theo nang magkaayos na kami. Hindi ko na siya inaway o nagtampo dahil alam kong marami siyang inaasikaso bilang class president ng nangungunang section sa batch namin. Hindi madaling pagsabayin ang mga responsibilidad niya kaya dapat ko siyang intindihin, hindi naman din siya mahirap intindihin lalo na’t lagi niya akong inu-update. Nang maka uwi ako ay saktong nakapag luto na si August at inaya na nila akong kumain. Tinanong ni mama kung kamusta naman daw ang pag aaral namin at sinabi kong okay lang, sa tingin ko nga ay mas naging active ako ngayon kaysa sa dati. Dahil last year na namin ngayon, kailangan ko talagang pagbutihin. Balak kong maging Lawyer at imbestigahan ang totoong nangyari kay papa, hanggang ngayon ay hindi pa rin alam at wala pa ring trace kung sino ang naka hit and run sa kaniya. “Law po ang kukunin ko, ma.” Sabi ko nang tanungin niya ako kung anong balak kong kunin na kurso sa college. “Mahal po at mahirap makakuha ng tuition pero plano ko naman pong magtrabaho habang nag aaral.” Hindi kasi sapat ang kita ni mama bilang dishwasher sa isang restaurant kung ganoong kurso ang kukunin ko. Tumango naman si mama at pina-alalahanan ako “Pagbutihin niyo ang pag aaral niyo mga anak ha.” Ngumiti naman ako at tumango din. Pagkatapos naming kumain ay dali dali akong naghugas ng pinggan para ma-practice ang kakantahin ko dahil hindi ko pa rin alam kung anong kanta ang kakantahin ko. Pumasok ako sa kwarto at agad na inayos ang gitara ko. Ilang saglit pa, nakalimutan ko na ang tungkol sa performance at kinanta ko lang ang kantang pumasok sa isip ko. Musika talaga ang lagi kong hinahanap hanap, ang bagay na hindi ko kayang talikuran at iwan. Hanggang Kailan Song by Orange and Lemons Labis na naiinip Nayayamot sa bawat saglit Kapag naaalala ka Wala naman akong magawa Sinimulan kong tugtugin ang gitara at kumanta, hindi ko magawang hindi maisip si Theo. Grabe naman, ganito ba talaga kapag inlove? Umuwi ka na baby 'Di na ako sanay ng wala ka Mahirap ang mag-isa At sa gabi'y hinahanap-hanap kita Hanggang kailan ako Maghihintay na makasama kang Muli sa buhay kong puno ng paghihirap At tanging ikaw lang ang Pumapawi sa mga luha at Naglalagay ng ngiti sa mga labi Halos maestatwa ako nang makita ko si Theo na pumasok sa kwarto habang nakangiti. Sinenyasan niya ako na tumuloy lang, nahihiya na tuloy ako. Umuwi ka na baby 'Di na ako sanay ng wala ka Mahirap ang mag-isa At sa gabi'y hinahanap-hanap kita Hanggang kailan ako Maghihintay na makasama kang Muli sa buhay kong puno ng paghihirap At tanging ikaw lang ang Pumapawi sa mga luha at Naglalagay ng ngiti sa mga labi Nang makalapit siya sakin ay hinalikan niya ako sa pisngi at ngumiti naman ako sa kanya. “Andito na ako, baby.” Nang aasar na sabi niya kaya binato ko siya ng unan, parang tanga eh. “Bakit ka andito?” Tanong ko. “Kasi namimiss kita?” Sagot niya. Napairap naman ako, ang clingy namin sa isa't isa. Paano kapag hindi na kami mapag hiwalay? “Kanta ka pa po ulit.” Sabi niya habang nagpupuppy eyes, mukhang asong ulol hahahahahaha. “Ayoko nga.” Pang aasar ko. “Sige na, please.” Sambit niya habang nagpapacute. “Ayaw.” Lalo ko pa siyang inasar. “Hmp.” Sabi niya at nagkunwaring natutulog. Mahina akong tumawa at nagsimulang tugtugin ulit ang gitara ko. I'd lie by Taylor Swift I don't think that passenger seat Has ever looked this good to me He tells me about his night And I count the colors in his eyes Nagsimula akong kumanta, naramdaman ko naman na napatingin siya sa gawi ko. Tampo ka pa ah. He'll never fall in love He swears, as he runs his fingers through his hair I'm laughing 'cause I hope he's wrong And I don't think it ever crossed his mind He tells a joke, I fake a smile But I know all his favorite songs Nakita ko siyang nakangiti habang naka tingin sa akin. Nahihiya ako pero tinuloy ko lang ang kanta. Ang gwapo niya, sobra. Pakiramdam ko matutunaw ako sa mga titig niya. And I could tell you His favorite color's green He loves to argue Born on the Seventeenth His sister's beautiful He has his father's eyes And if you ask me if I love him.. I'd lie Nang sinulyapan ko siya ay nakita ko siyang umiiyak, ano na naman bang kasalanan ko sa batang ’to? Parang bata siyang umiiyak at pakusot kusot pa sa mata niya. “Oh, bakit ka umiiyak?” Tanong ko sa kaniya. “Ikaw kasi eh.” Sagot niya habang humihikbi. Ano bang nangyayari sa lalaking ’to? “Hmm? Bakit?” Tanong ko. “I love you, sobra po.” Biglaang sabi niya. Ngumiti ako at niyakap siya. “I love you, tahan na.” Parang tuloy akong mama na pinapatahan yung spoiled niyang anak. Ano ba ’yan. Nang gumabi na ay umuwi na siya, sinabi niya pang sa amin na lang siya matulog pero tumanggi ako dahil may pasok kami bukas. Hindi na rin siya naka palag at pumayag na lang. Kinabukasan, maaga akong pumasok dahil cleaners ako. Ayokong malate at mas lalong ayokong maparusahan na naman dahil lang hindi ako nakapag linis. Ang strict kasi talaga ni Ma'am Flores, buti na lang ay magaling siyang magturo. Habang papunta ako sa canteen para mag almusal sana, narinig ko si Airish na kausap ang isa sa mga kaibigan niya. May grupo kasi sila ngunit siya ang nag iisang pinag iinitan ako sa lahat ng ginagawa ko. Nagtago ako sa sulok para mas marinig ang pinag uusapan nila, ano na naman kayang balak niyang gawin sa akin? Nakita ko na ang kausap niya ay isa sa mga kaklase ko. Hindi kami close pero lagi ko siyang nakikitang naka-titig sa akin na para bang galit. Wala naman akong kasalanan sa kaniya. “I’m gonna make her jealous, just wait. Malapit na ang intramurals.” ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD