JELOUSY

1041 Words
Vaniah's POV Monday na naman at kasalukuyan akong naglalakad papasok sa room. Hindi ko kasama si Theo dahil nagpaalam siya na may meeting daw sa classroom nila at kailangan siya dahil siya ang president sa section nila. He's in section A while I'm in section B. Dapat ay makakapasok ako sa section A but Airish ruined it. Tinago niya ang exam ko at hindi na nahanap dahil ayaw niyang makasama ako sa iisang room. Pagka-pasok ko ng room ay pinagkumpulan agad ako ng mga kaklase ko at sunod sunod na nagtanong kung ano ba talagang mayroon sa amin ni Theo. Hindi pa ba halata? Kailangan ko pa bang magpaliwanag? Hays. “Uh... boyfriend ko siya?” Sagot ko. Naghiyawan silang lahat at inasar asar ako. Akala ko ay magagalit sila dahil ang iba dito ay fangirl ni Theo ngunit masaya ako dahil hindi sila nagalit sa akin. Nagsi-alisan naman sila nang pumasok na sa room si Ma'am Flores. Siya kasi yung teacher na kinatatakutan ng lahat, sobrang strikto at seryoso siyang magturo. In-announce niya na malapit na ang intramurals kaya naman ay kailangan naming maghanda para sa mga contest. As usual, nangunguna ang Mr. and Ms. Intrams dahil iyon talaga ang inaabangan ng lahat. Nakapili na ng kalahok para dito kaya naman wala nang problema. Sinabi din ni Ma'am Flores na kami ang responsible sa introduction at kailangan ng performance ngunit walang sumagot. Sinabi ni Ma'am na may oras pa naman para mag isip at mag decide kaya hahayaan niya na muna kami basta dapat ay may mai-perform kami sa intramurals. Hindi ko na maintindihan ang sunod na mga sinabi niya at tumulala na lang sa bintana. Mabuti na lang at kahit mayroon na akong Theo ay hindi ko pa rin napapabayaan ang pag aaral ko. Hindi ako pwedeng dumepende sa mga taong tumutulong sa akin. Nang mag recess ay dumiretso ako sa cafeteria dahil gutom na gutom na ako, hindi kasi ako nag almusal. Mula kaninang pumasok si Theo ay hindi pa niya ako tinetext at pinupuntahan, namimiss ko na siya. Umorder ako ng cheeseburger at juice para mabusog ako dahil tatlong oras pa ang mga natitirang klase ko ngayong araw. Hindi maalis si Theo sa isip ko habang kumakain, iniisip ko kung pupuntahan ko ba siya o hindi na para hindi siya maistorbo kung may ginagawa man siya. Naisipan ko na huwag na siyang puntahan dahil magtetext at pupuntahan naman ako non kung may oras siya, baka busy lang siya at naiintindihan ko naman. Bumalik na ako sa room nang marinig ang bell dahil baka malate ako sa susunod na klase ko. Nagsimula ang klase at pagkatapos ng mga susunod pang subjects ay pumasok si Ma'am Flores sa room na dala dala ang listahan ng mga participants sa Mr and Ms intrams at iba pang magpeperform sa event. Nang mapunta sakin ang listahan ay nagulat ako sa nakita ko dahil nakasulat ang pangalan ni Theo na representative ng Mr intrams at ang partner niya ay si Airish. Hindi ko malaman ang mararamdaman ko sa nabasa ko. Kaya ba hindi siya nakakapag chat or text? Kaya ba hindi siya nagpapakita sa akin dahil busy siya doon? Nakaramdam ako ng inis dahil sa nakita ko. Hindi man lang niya ako sinabihan, okay lang naman sa akin pero hindi ko alam, nagseselos ata ako. Hindi ko alam ngunit sinali ko ang pangalan ko sa isa sa mga magpeperform para sa introduction. Sinulat ko ang pangalan ko sa singing category at ipinasa na ang listahan sa mga kaklase ko. “Woah! Sasali si Vaniah!” Sigaw ni Kikay kaya parang mabibingi ako sa lakas ng boses niya. Nagkumpulan naman sila para mabasa ang pangalan ko na nakasulat sa papel. Bahala sila. Basta ako, magpeperform ako. Naglalakad na ako palabas ng gate dahil nauna nang umuwi si August, nang makalabas ako ay biglang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko ito. From: Theo Love? Napairap ako nang mabasa ang chat niya sa akin, sa ig kasi kami nagkakausap at minsan sa text para mas madali at magnotif agad. Hindi ko siya nireplyan kaya sumunod sunod ang mga chat niya From: Theo Love? Hey Why aren't you replying, are u okay? Alright, pupuntahan na kita. Pauwi ka na ba? Sunod sunod ang chat niya, rereplyan ko na sana siya ngunit nakita ko siya sa di kalayuan na kumakaway sa akin habang tumatakbo. Inirapan ko siya bago makarating sa harap ko. “Babe.” Tawag niya sakin ngunit di ko siya pinansin. “Love? May problema ba tayo?” Tanong niya. “Bakit andito ka? Di mo ba kasama yung partner mo?” Mataray kong tanong. Natawa siya at sumagot “Uunahin ko pa ba yun kaysa sa girlfriend ko?” Pambobola niya kaya napairap ako. “Tsk.” Mahinang sabi ko at naglakad na. Hinabol niya ako at hinawakan ang kamay ko kaya natigil ako sa paglalakad. “Lunch muna tayo, pinaalam na kita kay August, I texted her.” Paliwanag niya. Sumama na lang ako sa kaniya at pumunta kami sa isang fastfood restaurant. Umorder lang ako ng rice at burger steak at sinabi kong babayaran ko ngunit pinigilan niya ako nang kukunin ko na ang pera ko. Kaya ko naman eh. Dumating na ang pagkain, he didn't try to talk to me muna dahil kumakain ako. Nang maramdaman niya na nagbabago na ang mood ko ay tsaka niya ako kinausap. “Nagtatampo ka ba, love?” Tanong niya. “Hmm.” Sagot ko habang tumatango. “Sorry po, love. Tinanggihan ko sila kanina kasi alam ko na hindi ka magiging okay. But they forced me, magbaback-out na lang po ako love. I don't want you to overthink.” He explained. “You don't have to do that.” I said. “But i want to, I don't want you to worry. May choice naman ako, pwede akong humindi.” Sagot niya “I want to see you joining the contest eh.” Natawa ako habang sinasabi yon, nakakahiya. Crush na crush ko na naman siya. “Okay, I will participate but it's for you ha.” He said. “Hmm.. okay.” Sagot ko naman. “Don’t be jealous na okay? You're my girl, my one and only.” He assured me. ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD