Vaniah's POV
Napa mulat ang mga mata ko nang maramdaman kong may tumatapik sa balikat ko na para bang ginigising ako. Kinusot kusot ko pa ang mata ko bago tuluyang namulat at nagulat ako kung gaano kalapit ang mukha naming dalawa sa isa't isa. Lalong sumingkit ang mga mata niya dahil mukhang kakagising lang din niya.
“Love? did i wake you up?” Tanong niya. Aba eh malamang, natutulog pa yung tao eh.
”Hmm... inaantok pa ako.” Sagot ko.
“I cooked breakfast, kumakain na sila tita. Gusto mo na rin bang kumain?” Tanong niya ulit.
Alam kong gutom na siya at inaantay akong um-oo para sabay sabay na kaming kumain kaya tumango na lang din ako. Napa-ngiti naman siya.
Pag-upo ko ay inabutan ako ni mama ng kanin at inabutan naman ako ni August ng ulam.
“Ang sipag pala ni Theo, anak.” naka ngiting sabi ni nanay habang nakatingin sa akin na parang nag aantay sa sasabihin ko.
“Ah... oo nga po ma.” sagot ko at ngumiti rin.
“Anong plano mo bukas ate?” Tanong sa akin ni August habang kumakain.
“Ano pong meron bukas?” Tanong ni Theo.
“Birthday ni Iah iho... hindi niya ba nabanggit sayo?” Nagtatakang tanong ni mama.
“Ah, opo opo.” maikling sagot ni Theo bago kumain ulit.
Pagkatapos namin kumain ay naghugas na ako ng pinggan, napansin kong nakaupo sa hapag si Theo habang nakasimangot sa akin, ano na naman kayang problema nito?
“Anong nagawa ko?” Tanong ko habang naka talikod.
“Po?” Inosenteng sagot niya.
“Nagtatampo ka ba?” Humarap ako sa kaniya. “Kanina ka pa naka simangot diyan.” Sambit ko. Tsaka muling tumalikod para ituloy ang ginagawa ko.
Nagulat ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa bewang ko at niyakap ako habang naka talikod.
“You didn't tell me your birthday is tomorrow, how am i gonna prepare now?” Malungkot na tanong niya.
“Hindi naman kailangan.” Sagot ko.
“It’s your birthday so we gotta do something special love.” Sambit niya.
“Okay lang, basta andito kayo.” Sagot ko naman.
“Hmm...” Sagot niya. He kissed my shoulder at pumunta sa sala para makipag kwentuhan kila mama.
Maya maya ay nagpaalam siyang uuwi muna para makaligo at magbihis at may aasikasuhin din daw siya. Hinayaan ko na lang muna siya dahil mag iisang araw na siyang andito sa bahay at baka hinahanap na siya ng magulang niya. Mabuti na lang talaga at mabait at maintindihin ang mama niya, ganoon din kaya yung papa niya? Sana naman oo.
Nang umalis si Theo ay naisipan kong maglinis ng bahay kasama na din ang kwarto ko. Matagal tagal na rin kasi nang mag general cleaning kami, buti na lang tinulungan ako ni August sa paglilinis at nagluto naman si mama ng lunch. Nagsimulang maglinis si August sa kusina at ako naman sa sala para mabilis ang paglilinis.
“Ate?” Tanong ni August kaya napatingin ako sa kaniya.
“Hmm? Bakit?” Tanong ko pabalik.
“May crush ako... Hindi na yung nabanggit ko sayo..” Kabadong tanong niya.
“Bakit parang kinakabahan ka?” Nagtatakang tanong ko. “Normal lang naman ang magka-crush.” Pagpa-paliwanag ko.
“Kahit sa... babae?” Nag aalangang tanong niya.
“Oo naman... bakit? Sa tingin mo hindi ka tatanggapin ni ate?” Tanong ko tsaka inayos ang buhok niya.
“O-okay, thankyou.” Sagot niya at tinuloy na ang paglilinis. 16 na si August at alam niya na ang ginagawa niya. Responsable siya sa lahat ng ginagawa niya at alam niya ang tama at mali.
...
Nang gumabi na, sinundo ako ni Theo at nagpaalam kay mama na may pupuntahan kami. Nangano naman si Theo na hindi niya ako hahayaan at kasama namin ang driver niya kaya walang dapat ika-bahala. Pinag-suot niya ako ng puting dress habang siya ay naka polo at black formal pants.
10pm na nang makaalis kami sa bahay. Nag aalala ako dahil baka kung saan ako nito dalhin at baka kung anong gawin niya sakin. “Babe, relax. I won't do anything that will make you uncomfortable. We will just celebrate your birthday, okay?” He assured me.
I smiled and leaned on his shoulder. 11pm nang makarating kami sa lugar na parang park ngunit wala nang tao dito dahil siguro gabi na. May nakahandang mga ilaw at sa damuhan ay may mga pagkain na para bang picnic. May tela din na pwedeng upuan na may mga unan pa.
He held my waist as we walked to the place. “Do you like it? I rented this park for us to do stargazing tonight. Do you like the midnight sky?” Yes. I love the stars, the moon and the way everything sparkles in the sky.
Hindi ako nakasagot at niyakap siya ng mahigpit habang pinipigilan kong umiyak. This is the best moment in my life. “Salamat, Theo.”
Ngayon lang ako nakaranas ng ganito sa buong buhay ko. Si Theo, si Theo lang ang nagparamdam sa akin na mahalaga at kamahal mahal ako maliban sa pamilya ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya para sa akin pero sigurado ako... mahal ko na ata siya.. hindi dahil sa pera at mga bagay na binibigay niya. Mahal ko siya dahil gusto ko siyang mahalin, at ’yun ang nararapat na matanggap niya.
Nakasandal ako sa dibdib niya habang yakap yakap niya ako, I can him breathing and his heartbeat. He's just so perfect... for this world.
“Theo...” Tawag ko sa kaniya.
“Hmm? Yes love?” Sagot niya.
“Mahal... mahal kita.” Sambit ko.
“Mas mahal kita, Vaniah.” Pakiramdam ko ay nanghina ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdan ko ngayon. Akala ko ay nagbibiro lamang siya sa ginagawa namin.
“No jokes this time, mahal kita at mas mamahalin pa kita.” He whispered.
“Happy birthday, Iah ko.” He kissed my shoulder while we're watching the stars.
...