Vaniah's POV
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang nararamdaman ko. Kahit kailan ay hindi ko pa naranasang mahulog o magka crush sa isang tao. Kahit kailan din ay hindi ako nagka interes sa ganiyang bagay. Pero pumasok si Theo, hindi ko na alam kung anong irereaksyon ko sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko at sa tuwing nag titinginan kami. Everything feels perfect but nakaka takot.
Ayokong pahirapan ang sarili kong mahulog sa taong hindi ko abot. Hindi ko siya hahayaang mag provide para sa aki at umasa na lang sa ibibigay niya. Gusto kong makapag tapos muna ng pag aaral. Pero ngayon, para bang nagdadalawang isip ako. Gusto kong maramdaman na mahalin siya kahit walang kasiguraduhan.
I'm still getting to know him better. Lahat ng tungkol sa kanya, nang hindi siya nagtatanong. Natatakot ako na baka ako lang ang nakakaramdam nito sa aming dalawa, natatakot akong baka hindi totoo yung pinapakita niya.
Nang maka uwi ako sa bahay ay sinalubong ako ni August nang naka ngiti dahil natuto na daw siyang magluto ng mga ulam para naman hindi daw ako mapagod sa pag aasikaso sa kanila.
“Dali! Tikman mo ate, ang sabi ni mama masarap naman daw pero gusto ko din malaman kung sa tingin mo okay lang ba.” Paliwanag niya.
Tinikman ko ang niluto niyang kare kare at nagulat dahil masarap nga ito, ngumiti ako at nag thumbs up para ipa batid na masarap at okay ang luto niya. Excited itong tumalon talon pa dahil sa tuwa.
Dahil pagod ako, sinabi ko na maliligo muna ako sandali dahil maaga pa lang rin naman, tumango naman si August at umupo muna sa terrace kasama si mama. Lagi kasi silang nagkukwentuhan sa terrace kapag ganitong oras. Napa ngiti naman ako bago pumasok sa cr at naligo.
Minadali ko lang ang pag ligo dahil gutom na ako at may aasikasuhin akong assignment pagkatapos namin kumain. Baka kasi maubusan ako nang oras dahil sa kaartehan ko. Paglabas ko ng cr ay dumiretso agad ako sa kwarto para magbihis. Natagalan pa ako sa pagpili ng damit dahil ang iba ay naka-sampay at kakatapos lang labhan. Inayos ko ang ilang gamit sa kwarto at lumabas na.
Gulat na gulat ako nang paglabas ko ay nakaupo si Theo sa hapag habang kakwentuhan sila mama. Tuwang tuwa naman si mama sa sinasabi nito at nakiki tawa rin si August. Napansin nilang lumabas na ako nang kwarto kaya napa tingin sila sakin. Nagsuot ako ng croptop at shorts since ang init ng panahon ngayon at para komportable akong matulog.
“Ang ganda naman ng anak ko, diba iho?” Biglaang tanong niya kay Theo.
“Sobrang ganda po ni Iah, tita.” Sagot niya kaya naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Grabe naman siyang sumagot.
“May namumula.” Pang aasar ni August kaya sinamaan ko ito ng tingin at umupo na. Umupo sana ako sa tabi ni August ngunit pinalipat ako ni mama sa tabi ni Theo.
“Tita, ayaw niya po akong katabi. Siguro aawayin niya na naman po ako.” Pagsusumbong ni Theo kay mama kaya napa angat ang kilay ko.
“Ganito talaga tong boyfriend ko ma, matampuhin. Diba love?” Tanong ko at tumingin sa kanya. Pinipigilan nitong tumawa kaya sinubuan ko na lang ng punong kutsara ng kanin. Muntik pa siyang mabulunan, buti na lang may naka handang tubig sa harapan niya.
Nang matapos kaming kumain ay sinabi kong magpahinga na sila mama at August dahil ako na ang maghuhugas ng pinggan, parang bata namang sumama si Theo at pinanood ako habang nakaupo sa dining area.
Hindi ko siya pinapansin para hindi ako ma distract at matapos agad ang gawain ko.
Hindi ko pa nakakalahati ang hinuhugasan ko at naramdaman ko ang presensya ni Theo sa likod ko. Maya maya pa ay sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at pinalupot ang mga kamay nito sa bewang ko. Halos hindi ako makagalaw dahil sa ginawa niya ngunit pinagpatuloy ko lang ito kahit na pakiramdam ko ay nanghihina ako.
“Ang sipag ng girlfriend ko.” Pambobola niya kaya natawa ako.
“Bakit ka andito? Wala ka bang gagawin?” tanong ko sa kanya.
“I missed you, hindi mo ba ako namimiss?” Sagot niya.
“Ewan ko sa’yo. Gabi na oh, hindi ka ba papagalitan?” Tanong ko.
“Saturday bukas, nagpaalam din ako kay mom.” Bigla akong kinabahan, kilala na ako ng mama niya?
“Alam ng mama mo?” Kabadong tanong ko.
“Yes, she thinks that you're really pretty and she likes you a lot.” Sagot niya na nakapag pagaan ng loob ko. Akala ko kasi masungit ang mama niya kagaya ng mga nasa teleserye.
“Babe?” He asked.
“Hmm?”
“Can I stay here tonight?” Nagulat ako sa tanong niya.
“Ikaw ang bahala, basta magpaalam ka sa magulang mo at kay mama.” Sagot ko.
“Alam na ni Mom na dito ako matutulog and tita agreed, how about you? You're fine with it?” tanong niya.
“O-okay.” Sagot ko na nakapag pangiti sa kanya.
Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay nilinis ko ang ilang kalat sa bahay. Pumasok na rin sa kwarto sila August at mama, sila kasi ang nagsheshare ng kwarto at mag isa ako sa kwarto ko, kaya siguro pumayag si mama, may tiwala din naman siya sakin at alam niyang wala akong gagawing masama, wala naman talaga.
Pumasok na kami sa kwarto ni Theo at sinabing huwag niya akong hahawakan o yayakapin sa pagtulog, wala akong extrang kama kaya magkatabi kaming matutulog. Ang komportable namin sa isa't isa kaya't parang hindi na yun big deal sa amin.
Nakahiga siya sa kama habang nagcecellphone habang tinatapos ko ang assignment ko, sinabi niyang tutulungan niya na lang daw ako para mabilis pero humindi ako. Maya maya pa ay natapos ko na ang project ko at niligpit ang mga gamit na naka kalat.
“Matutulog na po tayo?” Parang bata talaga ’tong si Theo.
“Hmm.. Umayos ka na mahihiga na rin ako.” Sabi ko.
Bago matulog ay naisipan kong buksan ang i********: account ko at nagulat ako sa notifications.
“theomrcs_ started following you.” Inistalk ko ang acc niya, ang profile picture niya ay picture niya na nakasuot ng uniform sa harap ng school at nagulat ako dahil iisa lang ang post niya.
“Vaniah ko.” Namula ang pisngi ko nang mabasa ko ang caption. Picture ko ito kanina na naka talikod habang gumagawa ng assignment.
Nakita ko naman agad ang comment ng mama niya sa post “Pretty! See you soon iha..." Napa-ngiti naman ako dahil ang bait ng mama niya.
“Pagtingin ko sa tabi ko ay napansin kong tulog na si Theo. Hinalikan ko ang noo niya at kinumutan. Ang gwapo pala talaga niya, konti lang ang fans niya sa school dahil tahimik lang siya at parang mahiyain.
Ilang sandali pa ay dinalaw na ako ng antok kaya naka tuloy na ako.
...