Vaniah's POV
Nag-lalakad kami ng kapatid ko papunta sa sakayan nang may makabunggo sa amin na babaeng matanda. Nagmamadali ito dala dala ang isang sanggol na sobrang lakas ng pag iyak. Ano ba 'yan, umagang umaga iyak pa ng sanggol ang maririnig ko. Dumaan kami sa malapit na karinderya upang bumili ng almusal. Sinabi sakin ni August na may kailangan siyang gawin sa kanilang room at kailangan din niyang mag-review kaya naman hindi na kami nakapag almusal.
“Ate, may crush ka na ba?” She randomly asked.
“Walang panahon si ate sa crush crush na ’yan. Tsaka bakit ka nagtatanong ha? May crush ka na ba?” Tanong ko dito. Namula siya at tinago ang mukha kaya napa-tawa ako.
"Hindi ko naman siya crush ate, eh. Ang gwapo nya kasi tapos matalino pa, ganon yung type ko eh” Binatukan ko sya dahil ang dami na niyang nalalaman. Dapat muna siyang mag focus sa pag-aaral niya no.
“Mag-aral tayo nang mabuti, August. Tignan mo ang lagay ni mama, gawin mo siyang inspirasyon upang masuklian natin ang mga paghihirap nya sa atin" Pangaral ko.
"Ay oo na nga, si ate ang daming alam” Reklamo niya.
Umiling lang ako at sumakay na sa jeep. Pag dating namin sa school ay madami na ring tao. Sinalubong si August ng mga kaklase niya at nag paalam na dahil sabay sabay daw silang papasok. Tumingin ako sa relo ko at nag-madaling pumasok nang makita ko na malapit na palang mag alas-siyete. Napaka bagal ko talagang kumilos.
Pagdating ko sa classroom nang hingal na hingal, sinalubong ako ng teacher ko na sobrang strict at naka-titig ito sa akin.
“Good morning, Ma'am Flores” She smiled at me so i was surprised.
"Good morning, Vaniah Rav Villamor.” she said while looking at me. Halos maihi ako sa pag banggit nya sa buong pangalan ko.
“Let's go, we're almost late.” she said at napahinga ako nang maluwag.
I smiled and we walked inside the room. Natahimik silang lahat nang dumating si Ma'am Flores. Sabagay, i feel them. Napaka sungit at nakaka-takot ang aura at expression ni Ma'am. But the way she teaches us makes me want to learn more. Pangarap kong makapag-tapos ng pag aaral kahit na nahihirapan ako sa pamumuhay sa araw-araw.
Habang nag-lelecture kami, binulabog ni Airish ang buong room dahil pumasok ito nang walang paalam nang malaman niya na wala si Ma'am Flores sa loob, nagpaalam kasi ito na may kukunin sa faculty. She's looking at me directly at hindi ako nagpatalo. She's been bullying me for years and one time she went too far. Hindi siya nakuntento sa panglalait sa physical appearance ko at nag simulang guluhin ang pamilya ko. Buti na lamang ay nalaman iyon ng principal and they gave her a warning.
And now she's starting again. Nasanay na ako sa mga salita nila. Na maitim ako, na payat ako, na hindi ako kagandahan. It doesn't really affect me anymore. At first, it was painful to me because it changed the way i look at myself but i got used to it.
She slammed her hand at my desk and looked at me furiously. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaka ganito dahil ilang linggo na rin nang huli ko siyang makita dito sa school. Akala ko ay natigil na ang mayroon saming dalawa but here she is. Starting some beef again.
“Leave.” I said.
“Why should I?” she responded.
“Because I said so.” I smirked after saying that, she looked shocked.
"Oh really you stup–” she was about to say something but Ma'am Flores entered the room
"One, two..." she said at lahat ng naka kumpol na eatudyante ay nagsi-alisan sa harap namin.
She's looking at me habang naka kunot ang noo. “You can leave, Miss Airish Veldino.” Ma'am Flores said calmly.
I rolled my eyes habang paalis siya. Wala rin naman siyang magagawa dahil nilalabag niya ang rules ng school. Buti na lang ay hindi ko siya pinapatulan dahil balak kong mag apply ng scholarship at ayokong madungisan ang record ko. Mahirap na.
Natapos ang last class pero nagpa-iwan na muna ako sa room dahil wala namang gagamit dito. Hiniram ko ang gitara ng kaklase ko and i started strumming it when they left. Minsan, ito lang ang nagpapa-kalma sa akin.
I started singing.
"Salt air... And the rust on your door, I never needed anything more..” I started the song.
Whispers of "Are you sure?"
"Never have I ever before"
But I can see us lost in the memory
August slipped away into a moment in time
'Cause it was never mine
And I can see us twisted in bedsheets
August sipped away like a bottle of wine
'Cause you were never mine
I smiled while singing. I'm happy when I'm closer to music.
Your back beneath the sun
Wishin' I could write my name on it
Will you call when you're back at school?
I remember thinkin' I had you
But I can see us lost in the memory
August slipped away into a moment in time
'Cause it was never mine
And I can see us twisted in bedsheets
August sipped away like a bottle of wine
'Cause you were never mine
Napatigil ako nang may narinig akong nahulog. Natumba ata ang trash can at nahulog ang mga basurang nasa loob. Napatingin ako sa labas at napansing madilim na pala, baka inaantay na ako ni mama.
Nagmamadali akong umuwi at napasapo ako sa noo nang makitang naka sara na ang gate. Dahil wala akong choice, inihagis ko ang gamit ko sa labas at sinimulang akyatin ito. Sana naman at walang nakaka-kita sa akin ngayon, nakakahiya, kingina.
Nang makababa na ako, dali dali kong sinuot ang bag ko at nag antay ng jeep.
Maya maya pa ay bumukas ang gate at lumabas dito ang lalaking pamilyar. Sikat siya sa school eh, siya ata yung anak ng may ari?
Ibig sabihin nakita niya yung pag-akyat ko sa gate? Wag naman sana!
Napako ako sa kinatatayuan ko nang mapatingin ito sakin. Sobrang tagal ng titig niya at hindi ko namalayang may jeep na pala at nag madali akong sumakay habang ito ay naka-titig pa rin sa akin. Ano ba yan, nakita ba nya talaga ako?
...