Vaniah's POV
Kaka-uwi ko lang ng bahay ay sinalubong agad ako ni August. Halata sa mga mata nila ni mama na nag aalala sila sa akin lalo na’t ang lakas ng ulan at hangin sa labas. Agad akong binigyan ng tuwalya ni mama at ngumiti sa kanya. Nagpaalam akong maliligo at magbibihis muna dahil giniginaw na ako, kanina pa kaya ako sa labas, duh.
Habang naliligo ay iniisip ko pa rin ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung trip niya ba ako o ginagawa niya iyon dahil gusto niyang magka-utang ako sa kaniya. I know him, galing siya sa mayamang pamilya kaya hindi ko mahulaan kung anong ibig sabihin ng mga galaw niya. Napa tingin ako sa hoodie niyang nilabhan ko at nakasabit ngayon sa kwarto ko. Kulay black ito na plain at medyo malaki sa akin pero ayos lang dahil kailangan talaga matakpan ang legs ko kanina. Teka... nakita nya ha legs ko? Ang hangin pa naman kanina!
Binura ko na iyon sa isip ko at lumabas na ng kwarto dahil nag aantay na sila mama at sabay sabay kaming kakain.
“Kamusta ang trabaho mo, anak?” Muntik akong masamid sa biglaang tanong ni mama, hindi niya kasi alam kung anong klase at uri ng trabaho ang ginagawa ko. Siguradong pag nalaman niya ay lahat ng klaseng sermon, mararanasan ko. Wala naman akong choice eh, hindi ko sila kayang makita na nagugutom at nahihirapan kaya kahit nahihirapan ako, ipinag papatuloy ko pa rin.
“Ayos lang naman ho, Mama. Ikaw Augustine, mag aral ka nang mabuti ha? Kapag nakapag tapos na si ate, ako na ang sasagot sa pag aaral mo at sa lahat ng gamot ni mama.” Nakangiti kong sabi.
“Oo ate alam ko na 'yan. Matanong ko nga muna, kanino 'yung suot mong hoodie kanina? Hindi ka naman nagsusuot at bumibili ng ganon, eh.” Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil hindi ko rin naman kilala at hindi ko alam ang pangalan nung lalaki.
"Ah, pinahiram ng kaklase ko.” Palusot ko. Halata namang hindi sila naniniwala at nagka-tinginan pa ngunit hindi ko na lang pinansin. Wala naman akong ginagawang masama, pwede na 'yon.
Pag-pasok ko sa kwarto ko ay napunta agad ang mga mata ko sa luma kong gitara. Regalo ito sakin ng ninang ko ngunit ngayon hindi ko na siya nakikita. Nabalitaan ko kasi na sa ibang bansa na daw siya nakatira. Ayos lang, at least may gitara siyang binigay bago umalis, emz.
Dahil wala naman akong gagawin, kinuha ko ang gitara at sinimulan itong i-tono. Matagal ko na rin 'tong hindi ginagamit dahil napaka-busy ko na sa buhay. Tinignan ko saglit ang cellphone ko para tignan ang oras, napangiti naman ako sa wallpaper ko. Family picture namin ito nila Mama, Papa, at August. Bata pa kami dito at masayang nakaupo sa sofa, ito ata ang pinaka una at huling family picture namin, eh. Mabuti na lang at may kopya pa rin ako, para kapag namimiss ko sila, titignan ko lang 'to.
Nang maayos ko na ang gitara, sinimulan ko nang tumugtog at kumanta kasabay nito.
Our Song - Taylor Swift
I was ridin' shotgun with my hair undone
In the front seat of his car
He's got a one-hand feel on the steering wheel
The other on my heart
I look around, turn the radio down
He says, "Baby, is something wrong?"
I say, "Nothing, I was just thinkin' how we don't have a song"
And he says
Napa-ngiti ako habang kumakanta, musika talaga ang nakapag-papa-gaan ng pakiramdam ko kahit kailan. Hindi ko alam kung kanino ko namana ito pero hayaan na, basta nag e-enjoy ako.
Our song is the slamming screen door
Sneakin' out late, tapping on your window
When we're on the phone, and you talk real slow
'Cause it's late, and your mama don't know
Our song is the way you laugh
The first date, "Man, I didn't kiss her, and I should have"
And when I got home, 'fore I said, "Amen"
Asking God if he could play it again
Naramdaman kong naka-silip si August sa pinto kaya niyaya ko siyang pumasok. Nagulat ako nang ituloy niya ang kanta kaya itinuloy ko din ang pag tugtog ko.
I was walkin' up the front porch steps after everything that day
Had gone all wrong and been trampled on
And lost and thrown away
Got to the hallway, well on my way to my lovin' bed
I almost didn't notice all the roses
And the note that said
I looked at her and smiled. Sabay naming kinanta ang chorus and it felt amazing.
Our song is the slamming screen door
Sneakin' out late, tapping on your window
When we're on the phone, and you talk real slow
'Cause it's late, and your mama don't know
Our song is the way you laugh
The first date, "Man, I didn't kiss her and I should have"
And when I got home, 'fore I said, "Amen"
Asking God if he could play it again
I've heard every album, listened to the radio
Waited for something to come along
That was as good as our song
Pagkatapos naming kumanta ay nag paalam na siya dahil kailangan niya daw gumising nang maaga para maglinis ng room.
( THE NEXT DAY )
Kasalukuyan ko siyang hinihintay sa harap ng principal's office, dala dala ko ang payong at hoodie niya. Ang sabi sa akin ng mga kaklase niya ay dito siya dumadaan bago pumasok kaya dito ko siya inantay. Friday ngayon kaya naka pants ako at P.E. t-shirt.
Nakita ko siya sa di kalayuan habang naka suot ng kagaya sa akin. Nakita niya akong hawak hawak ang gamit niya kaya napataas ang isa niyang kilay. Siya kaya ang nagbigay nito, tapos siya pang magsusungit?
Nang makalapit siya sakin ay inabot ko ang gamit. “Kunin mo.” Saad ko.
“Di mo nagustuhan amoy ko?” Tanong niya kaya kumunot ang noo ko.
“Ibinabalik ko na.” Sabi ko at inabot sa kamay niya.
Ilang sandali pa ay dumating ang mga kaklase niya para sunduin siya. “Sino yan, bro?” tanong ng isa “Di ka nagsasabing may girlfriend ka.” pang aasar naman ng isa.
“She’s... my enemy.” sagot nya. He smirked and i walked away..