"FINE!" JL sighed. Kanina pa masama ang tingin sa kanya ni Juvy habang kumakain man si Erikha ay halata rin ang kuryosidad sa tingin nito. Kanina pa rin siya kinukulit ng una na magsalita tungkol sa kanila ni Krizstian. Yes, alam na ng buong department. Sa tingin nga niya ay alam na ng buong building na asawa siya ng presidente. Napakabilis na kumalat ng mga nangyari sa opisina. Sa kilos nilang dalawa ni Krizstian ay hindi na siya makakatanggi. Matapos nitong halos paalisin ang lahat sa loob ng department para raw "mag-usap" silang mag-asawa. Hindi siya pumayag na umalis ang lahat at magpag-isa sila doon! Kaya sa huli ay hindi rin siya nakaalis. "Bakit hindi mo sinabi sa'min? Mukhang kaming tanga kakapinsan sa'yo ni Sir Krizstian!" Nagdadamdam parin ang mukha ni Juvy. Napabuntong hinin

