Chapter 12

2090 Words

"I TOLD you so." Pasimpleng bulong ni Juvy habang naglalakad sila patungo sa company cafeteria. "Ano ka ba naman? Siyempre breaktime kaya papunta din doon 'yung tao." Bulong niya pabalik. Kanina pa siya sinasabihan nina Erikha at Juvy na maya-maya lamang ay makikita na niya si Mr. Trinidad at panigurado daw na popormahan siya. Ngayon nga ay nakasabay nila ito papunta sa cafeteria. "Magkano pusta mo? Panigurado, lalapit iyan." Singit ni Erikha. "At excuse me? Si Sir Alen? Sa apat na taon ko dito, never ko iyan nakasabay kumain dito. Sa mga sosyal na restaurant iyan sa labas kumakain kasama ng mga executives." Hindi na lang niya pinansin ang dalawa. Napakagat na lang siya ng labi nang lumapit nga sa kanila ang lalaki na malawak ang ngiti. "Hi Ms. Alcantara. We meet again." He smiled.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD