Wala akong naging choice kundi pumunta. I promised myself I won’t stay for long, though. Kung puwede lang hindi na kumain, gagawin ko na talaga. My friends bugged me for the whole two hours that night. They asked me questions about my relationship with Jackson—based on just one date way back in college. Sa totoo lang, pinaunlakan ko lang si Adriano noon dahil sa lubusang pangungulila. Ngayon, alam ko na kung saan ako nangulila. I thought, somehow, a date with him would fill the void. Dati iyon, noong lito pa ako at madalas kong maalala si Jackson. Hindi na rin naman nasundan iyon dahil hindi ko talaga magawang maging interesado. Lalo pa dahil ang alam ko’y seryoso ang hanap ni Adriano—hindi lang basta babae na gustong sumubok kung kaya ba niyang sabayan ang ganung klaseng relasyon. I wou

