Chapter 18

1228 Words

NAKADUNGAW sa Teresa si Jenna, titig na titig sa malawak na taniman ng bulaklak sa likod ng bahay-bakasyunan ni Creed. Hawak niya ang isang tasang kape, at sa bawat higop ay ramdam niya ang init na pumapawi sa lamig ng umaga. Ang taniman ng bulaklak sa tapat nila ay pag-aari ng kalapit-bahay nilang si Mr. Sato, ang ninong ni Creed. Napakaganda ng tanawin—iba’t ibang kulay ng bulaklak ang bumabalot sa buong hardin, mula sa mapupusyaw na rosas hanggang sa matingkad na asul at lila. Ang hamog sa mga dahon ay tila kumikislap sa sikat ng araw, at ang malamig na simoy ng hangin ay may dalang halimuyak ng sariwang bulaklak. Tamang-tama ang pagbabakasyon nilang dalawa, lalo na’t nagbakasyon din sina Tito Sato at Tita Fe sa Baguio. Natuwa si Jenna nang makitang bakas sa mukha ni Creed ang saya na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD