PAGDATING ni Jenna sa bahay ng mga magulang ni Creed, agad siyang sinalubong ng yakap ni Tita Clarice, ang ina ni Creed. May malapad itong ngiti sa mga labi nang pakawalan siya nito. Parang galak na galak ito nang makita siyang muli. Well, it's been two years since they last saw each other. Huli niyang nakita ang mga ito noong umalis si Creed patungo sa ibang bansa para gawin ang matagal na nitong hilig—ang kumuha ng mga litrato sa iba't ibang panig ng mundo. National Geographic Channel asked Creed to be their photographer, and that's the reason why she hasn't seen Creed for more than a year. "Oh my god, Jenna. Look at you!" Tita Clarice exclaimed. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Napakaganda mo na. Ang tagal din nating hindi nagkita. Naging busy kasi kami ng Tit

