NAKATITIG si Jenna sa sementadong daanan habang malalim na nag-iisip sa mga susunod niyang hakbang. Hindi pa rin siya makapaniwala na pumayag si Heirman na tumira siya at ang kanilang mga anak sa bahay nito. Kanina lamang, sa gitna ng kanilang matinding sagutan, bakas sa mukha ng binata ang pagkainis at galit sa kanya. At alam niyang deserve niya ang lahat ng iyon. Hindi siya kailanman nag-expect na madali ang pagbabalik niya sa buhay nito. Ngunit sa kabila ng lahat, nang marinig niyang sinabi ni Heirman na hindi siya nito minahal—kahit kailan—ay tila dinurog ang puso niya sa sakit. Mahal niya si Heirman. Hindi iyon nagbago, hindi iyon nawala. Palagi itong nanatili sa puso niya, at ngayong muli niyang narinig ang mga salitang iyon mula sa lalaking pinakamamahal niya, hindi niya mapigilan

