NAKATINIGIN si Jenna sa sementong sahig, pinagmamasdan ang mga paa niya habang iniisip kung ano ang susunod niyang hakbang ngayong pumayag si Heirman na tumira siya, kasama ang kanilang mga anak, sa bahay nito. Kanina lang, habang nagsusumbatan sila, kitang-kita niya ang matinding pagkadismaya at galit sa mukha ng binata. Alam niyang deserve niya iyon. Alam niyang may dahilan si Heirman para magalit at kamuhian siya. Ngunit nang sabihin nitong hindi niya ito minahal kailanman, para bang may matalim na kutsilyong unti-unting gumagapang sa puso niya, dinudurog ito nang walang awa. Mahal niya si Heirman. Hindi iyon nagbago kahit kailan. Lagi itong nasa puso niya, kahit sa mga panahong malayo siya rito. At ngayong narinig niyang diretsong sinabi nitong hindi siya nito minahal, parang may ba

