ISANG LINGGO na ang lumipas simula nang magtapat sa kanya si Heirman. Isang linggo na rin siyang hindi pumapasok sa opisina. Hindi niya alam kung nasaan ito o kung ano ang ginagawa nito. Hindi niya maiwasang mag-alala, baka may nangyari na rito, pero pinipigilan niya ang sarili. Matanda na ito. Alam na nito ang tama sa mali. Sumandal si Jenna sa kanyang kinauupuan. Ilang minuto lang ang lumipas nang tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, nakaramdam siya ng pagkadismaya. Umaasa siyang si Heirman ang tatawag. Pero bakit pa ito tatawag? Pagkatapos ng nangyari sa kanila, wala na itong dahilan para gawin iyon. "Hello, Leo," bati niya sa kanyang ex-boyfriend na nasa kabilang linya. "Bakit ka napatawag at paano mo nalaman ang number ko?" malamig niyang tanong

