Nagpatuloy siya sa pagta-type sa kanyang computer. Sa sobrang tutok niya, hindi niya namalayan na mag-aalas-dose na pala. Kung hindi pa siya ginutom, hindi niya mapapansin ang oras. Tumayo siya at naglakad patungo sa canteen, pero natigilan nang makita si Heirman na nakasandal sa kanyang mesa, kumakain ng cupcake. Muntik siyang mapatili sa gulat. Hindi man lang niya namalayan ang presensya nito sa likuran niya! Ilang sandali bago ito tumingala at nagtagpo ang kanilang mga mata. Heirman smirked and held out the half-eaten cupcake. "Want some?" Mabilis siyang umiling. "No, I’m not hungry," aniya, pero halos sabay nito ay tumunog ang kanyang tiyan. Napakagat siya sa kanyang labi at lihim na pinagalitan ang sarili. Narinig niyang mahina itong tumawa. "Sinungaling ka talaga kahit kailan," a

