SINAPO ni Jenna ang ulo at mariing ipinikit ang mga mata. Umiikot ang paningin niya. Siguro dahil ito sa isang bote ng tequila na nainom niya. Dahan-dahang bumagsak ang ulo niya sa lamesa, pero bago pa ito tumama sa ibabaw, napakapit siya sa gilid ng mesa at groggily na tumayo. "I'll j-just g-go to the rres-t-room," aniya sa pa-slurred na boses. Wala siyang narinig na sagot mula kina Vanilla at Thena. Malamang, marami rin ang nainom ng mga ito katulad niya, kaya halos hindi na rin gumagalaw ang dalawa sa kalasingan. Pasuray-suray siyang naglakad patungo sa restroom. May nabubunggo siya, pero wala siyang pakialam. Umiikot ang paningin niya, at kumakapit siya sa kung ano o sino man ang makakapitan para makalakad nang tuwid. Pakiramdam niya’y parang hinahalukay ang tiyan niya. Pagkarating

