Pagbukas niyon, nagtama ang mga mata nila ng babaeng nakasakay sa loob. The woman was elegant and beautiful. She stood—maybe—five foot nine. Magkasingtangkad lang sila, pero pakiramdam niya, ang liit-liit niya kumpara rito. The way she carried herself, it was like she was a model or something. "Excuse me," mataray nitong wika. "Huwag ka nang humarang sa dinadaanan ko." Mabilis siyang tumabi para makadaan ito. Tinaasan siya nito ng kilay at tuloy-tuloy na naglakad papasok sa opisina ni Heirman. Sa isiping kliyente ang babae, mabilis siyang bumalik sa opisina. Baka kailanganin siya ni Heirman. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya si Heirman at ang babae—magkalapat ang mga labi. Her heart tightened at what she saw. Nanginginig ang kamay

