bc

My Boss is a Prince

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
fated
sporty
drama
comedy
sweet
bxg
serious
friendship
sassy
stubborn
like
intro-logo
Blurb

"You don't find love, it finds you."

Normal ang buhay ni Lamber bago dumating ang hindi inaasahang babae na babago sa takbo ng boring na buhay niya.

Makulit.

Maingay.

Mahilig makipag-away.

At higit sa lahat dyosa daw siya.

Tch!

Saan hahantong ang istorya ng isang prinsipe at muchacha?

chap-preview
Free preview
Chapter One
Astrid's Pov "You're Fired!!" bungad na sigaw sakin ng manager ng Housekeeping department. Mag-iisang taon na ako sa trabaho simula ng ma-assign ako dito sa main office ng RichRoss Corporation bilang female floor assistant supervisor. "Huh?" napanganga ako sa sinabi ni Babsy. Kailan pa nagkaroon ng gulatan system dito? "Bakit ho ma'am?" nagtatakang tanong ko. Nakataas ang kilay at naka-cross arm ito sa harap ko. Akala niya naman kinaganda niya ang pagtaas ng kilay niya. Hindi naman pantay! "May nakakita sayong nilalandi mo daw ang anak ng boss natin. Masyado naman yatang mataas ang pangarap mo Astrid?" saad ni Babsy. Whoa! Ano ba pinagsasabi ng lintek na baboy este manager namin? "Alam mo naman na hindi pwede sa company rules and regulation natin ang kalandian di ba?" mataray na dagdag niya. Pati laway tumatalsik! Punyeta! Humugot ako ng malalim na hininga. "Madam Asereje ni hindi ko pa nga nakakadaupang palad ang anak ng boss natin. Landiin pa kaya." Malumanay na paliwanag ko. Duh! Hindi ako kasing landi ng iba. Kumekerengkeng ako pero hindi ako ang unang lalandi! Dyosa ang makakadauang palad nila. Haler!! "Ah basta you're fired!!! Umpisahan mo na mag balot ng gamit mo!" mataas ang boses na utos niya. Nanggigil ako ng slight sa sinabi niya. Tuhugin kita dyan e!Amoy burak na nga ang hininga ang bantot pa ng ugali!! "Hindi naman yata pwede yun ma'am na basta niyo nalang ako paalisin dito." angal ko sa kanya. She smiled on me like she already won the battle. Sarap sampalin ng mukha ang putsa! "Kung sana may ebidensya kayo, di ba?" tanggol ko pa muli sa sarili ko. Ngumisi ulit sakin ang baboy kong manager. Nagtotoothbrush ba to? Dilaw ng ngipin! Hayop! Ew! Lumapit si ma'am Asereje sa akin at may ipinakitang litrato. Napataas ang kilay ko. Parang may bulkang gustong sumabog sa loob ng katawan ko ng mapagmasdan mabuti ang litrato. Anong klaseng litrato yan! Putsang gala! "Hindi ako yan ma'am!!!" Reklamo ko agad. Sinilip ko pa ulit ang picture. Edited ang pusang gala! Kinabit ang ulo ko, hindi man lang binagay sa katawan!!! Doon ako nainis at nagalit. Bakit magkakalat nalang ng picture hindi man lang ginandahan. Mukhang katawan pa nito ang nilagay! Nangangarap pa yata tong babsy na to na maging magkasingkatawan kami. "Anong hindi ikaw?" tiningnan muli nito ang litrato. "Kita na nga ang mukha mo hindi pa ikaw? Huwag mo ako linlangin Miss San Agustin!" galit na sabi niya. Lumayo ako ng kaunti sa kanya para hindi ako maligo ng laway niya. Napansin ko na lahat ng mga naka-duty ng araw na iyon nandoon na at nakikinig na sa usapan namin. Peste! Mga tsismoso at tsismosa! "Magumpisa ka na magbalot habang nasa matino pa akong pagiisip!" Nanlilisik ang mata nito na parang gusto akong lamunin. Kainis! Siya dapat ang binabalot! Hindi naman sa pagmamayabang pero ako na yata ang pinakamasipag na tarabahador dito sa RRC. Madalas akong mag-overtime. Gusto ko kasi maka-ipon kahit paano para makapagpatuloy ako sa kolehiyo. Pero ngayong may ganitong eksena si Ma'am Asereje mukhang malabo ko na yata maabot ang pangarap ko. Lahat naman tayo nangangarap na magkaroon ng mgandang kinabukasan. Maipagmalaki ng magulang sa mga kapitbahay na tsismosa. Napabuntong hininga ako. Noong nakaraang linggo lang may inalis na naman ito sa trabaho ng walang magandang dahilan. Trip-trip lang ganon? Ako kasi ang napipisil na pumalit kay Madam Asereje. Malapit na mag-retiro ito. Ayaw sakin nito kaya siguro gumawa ng paraan para matanggal ako. Ang gusto niyang pumalit sa kanya ang pamangkin niya. Speaking of the devil. Pumasok ang pamangkin ni Babsy sa loob ng department. "Oh, Auntie ano na naman kaguluhan ang ginawa ni Astrid?" tanong ng mahaderang si Conchita. Bago pa magsalita si Babsy inunahan ko na siya. "Madam Asereje! Hindi ako papayag, kahit iharap niyo ngayon sakin ang anak ng may-ari.!!" may paninindigan na sabi ko. Sino ba yang anak ng RRC! Gago ba siya! Pinag-iinit nila ang ulo ko! Pasabugin ko tong building na to, eh! "HOY! ASTRID! Huwag mo ngang bastusin ang tiya ko!!!" Bored kong tiningnan si Conchita. Sumasali sa usapan hindi naman alam ang puno't dulo basta makaepal lang. Kapal ng make-up ng animal! Kulang nalang magpalit sila ng lipstick ng mukha. "Oh nandyan ka pala Conchita." sarkastikong sabi ko. "Akalain mo yun hindi man lang kita napansin. Sabagay, hindi ka naman kapansin pansin." Ngumisi pa ako dito ng nakakaasar. Lumapit ito sa akin saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Inismiran ako ng mahadera. WOW! Hanep! Kapal ng nguso nito! Yun talaga una kong napansin sa kanya. Humalukipkip ito sa harapan ko. "Nahiya naman ako sa kagandahan mo Astrid. Kahit tanungin mo ang mga nandito kung sino sa atin ang kapansin pansin, alam kong pangalan ko ang sasabihin nila." turo pa nito sa mga kasamahan namin. Tiningnan ko ang mga nandoon. Napayuko lang sila. Mga takot ang karamihan sa magtiya dahil konting pagkakamali mo lang nagagalit na agad sila. Na akala mo sila na ang pinakaperpektong nilalang sa mundo. "Bakit may lipstick na nagsasalita?" pang-iinsulto ko kay Conchita. Pftttt..napansin kong nagpigil tumawa ang mga nakarinig. Pinanlisikan naman ako ng mata ni Conchita. "Anak pa talaga ng may-ari ang pinangarap mo. Wow huh? Tiningnan mo na ba sa salamin ang sarili mo? Hindi ka maganda Astrid kaya huwag ka mag-maganda!" nagmamalditang saad niya Wow! Siya ba tiningnan niya na ba sa salamin ang nguso niya? Sa kanya ko pa talaga narinig ang bagay na yan. "Nakakahiya naman ho madam Conchita sa kagandahan mo." Sarkastic na saad ko. Nakakaasar tingnan ang pagmumukha niyang kulang nalang ibalot sa balat ng candy sa kapal ng foundation. Mahihiya ang nagtitinda ng espasol sa kanya! "Inggit ka lang sa kagandahan ko Astrid. Hindi ka kasi pansinin ng mga kalalakihan sa departamento na ito." pagmamayabang nito. Wala talagang kahihiyan ang babaeng ito, noh? Ay! Assumera naman siya masyado. Tapyasin ko nguso niya eh! "Kailangan ko na ba pumalakpak sa speech mong walang kakwenta kwenta Conching?" Bored na sagot ko. Lumaki ang butas ng ilong niya sa galit. Sasampalin sana ako nito pero nahawakan ko ang pulsuhan nito. "Oh bakit may sampalan na? Naasara ka ba? Don't start to lit the fire Conchita. You don't know me well. You better get your filthy hands off of me." mataray na saad ko habang mahigpit na hinawakan lalo ang braso niya. Napapa-english tuloy ako! Psh. Sayang ang laway at brain ko sa bobitang ito. Nakangiwi siya. "A-aaray.... Nasasaktan ako!" malakas na sigaw niya. Sinubukan ni Conchita na makawala sa akin pero mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahwak sa kanya. Nanggigigil ako sa kapal ng nguso niyam Nakakapanginig ng laman ang pakikialam nito. Sa sobrang gigil ko tinulak ko siya ng malakas. Bumangga siya sa tiyahin niyang parang pader ba nasalo siya. "Walanghiya kang babae ka!!Malandi ka!" nanggigigil na sabi ni Conchita. Sumugod siya sakin para hatakin ang buhok ko. Para maging patas hinawakan ko din siya sa buhok. Nagsabunutan kaming dalawa. 'Kanino kayo pupusta?' 'Kay Astrid ako!' 'Conchita kahit makapal nguso' Dinig ko habang pinagpupustahan kami ng ibang empleyado. Mga animal! "Ugh!" daing ni Conching ng hilahin ko ang patilya nito! Hindi ako umaatras sa laban kapag ganitong naaagrabyado ako. "Bitawan mo si Conchita!" sigaw ni Babsy! Imbes na pumagitna nakisali si Babsy samin. Hinatak nito ang buhok ko. Napapikit ako sa sakit. "Woooo! Astrid! Kaya mo yan!!!" Imbes na awatin kami ng ibang empleyado, naging cheering squad ang mga hinayupak na akala mo nanonood ng mga nagsasabong na manok. Kingina! Kapag nakita kong nalagas ang buhok ko pasasabugin ko ang nguso ng mga nila. "Matagal na akong nagtitimpi sayong malandi ka!"nanggigigil na sabi ni Conchita. Ayaw niyong bumitaw huh! Dinuraan ko sila sa mukha saka nag-iinarteng bumitaw si Conchita. Kinagat ko ang braso ni Babsy! Namilipit ito sa sakit. "OMG!" maarteng sabi ni Conchita. Pakshet! Inarteng palaka putsa! Sarap ingudngod ang pagmumukha sa pusakal! Halos mangiyak si Conching sa pagpupunas ng dura ko sa mukha niya. Sinuklay ko ako buhok ko ng kamay. Tangina! Nalagas yata ang buhok ko! "Walang hiya kang babae ka! Kailangan mo akong dalhin sa ospital!" histeryang sabi ni Bab! "Nahiya naman ako sa sinabi mo madam. Baka sa ating dalawa ikaw pa ang may rabies. Baboy pero may rabies? Ano tawag dun? Haha" pekeng tawa ko na may insultong kasama. "HAHAHAHA." malakas na tawa ang narinig ko sa mga kasamahan ko sa HK (Housekeeping Department). Hinarap ni Babsy ang mga nandoon na nanonood. "Anong tinatawa tawa ninyo! Bakit hindi pa kayo nagisismula sa trabaho niyo? Gusto niyo rin ba mawalan ng trabaho!!!" sigaw ni Babsy sa mga usisero. Nag-unahan magsipulasan ang mga usisero. Nawala ang atensyon ko sa kanila at napa-imagine ako kung ano ang magiging itsura ni Babsy kapag pinagsama ang aso at baboy. PAKSHET! Katawan aso, ulo baboy! HAYOP! Ha ha ha Natawa ako sa naisip. Nakatingin sa akin si Conching at Babsy na akala mo nakakita ng sinasapian. Putsang gala! Newest discovery on planet earth! DAMN!!! Nahinto akong tumawa ng pumasok ang matangkad na lalaki. Gulat na gulat ang pagmumukha ni Asereje. Sino naman to? "Sir!" bulalas nito na nakayuko. Ginaya ito ng pamangkin niya. Hindi naman ako gumawa ng kahit anong pagbibigay galang sa lalaking tumambad sa harapan ko. Tiningnan ko lang siya. "What is the commotion all about?!" Halos dumagundong ang boses niya sa lakas. "Yes sir?" nanginginig ang boses na sagot ni Babsy. Bakit yes sir ang sagot niya? Nagcross-arm lang ako sa harap ng lalaking nasa harap ko.Seryoso ang mukha ng lalaki. Nasalo yata ng kaseryosohan sa mundo ng magpaulan ang may likha. Ngayon ko lang napansin sa na may mga kasama ito sa likuran, apat na lalaki mga pawang nakamaskara. Ano meron? Kelan pa nalipat ang ati atihan sa Maynila? "Nakarating sa akin na may gulo dito sa departamento na hawak mo?!" walang kangiti-ngiting sabi ni kuyang na nakatitig sa akin. Oh, ayan tagalog na siya nagsalita para sayo Babsy! Bahagya akong tiningnan ni Babsy haban nakangisi. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Masyadong bulok ang pagkatao niya. "Sir pinagkakalat ho kasi ni Miss San Agustin na may relasyon siya sa anak ng may-ari ng RRC." sumbong ni Asereje. Tiningnan ko ng masama si Babsy. Tingin na mararamdaman niya ang galit ko, yung tipong sumasagad sa bones. "Totoo ba ang sinasabi niya?" tanong ng lalaki sa akin. Tumingala ako sa kanya. Hindi siya bias infairness. Tinitigan ko lang ito sa mata. Ang ganda ang mata niya. He has a deep pair set of eyes. "Maybe." sagot ko sa lalaki habang nakatingin ng diretso sa mata nito. Para kasing minamagnet akong tingnan ito sa mata. Napakunot ang noo niya sa sagot ko. Bakit ang gwapo niya? "Sir nagsasabi po ng totoo si Ma'am Asereje." singit ni Conching. "Tingnan niyo sir, pinagbuhatan niya pa kami ng kamay kasi guilty siya." nilahad pa nito ang braso. Napakunot ang noo ko. Wala naman iyon kanina ah! Shete! Hindi pa rin ako kumibo. Hinayaan ko nalang ito magsalita. Blah! Blah! Blah! Umiiyak na siya sa harap ng lalaki. Paawa effect! Kingina! "Miss San Agustin, are you going to keep silent?" tanong muli ng lalaki sa akin. TEKA nga! Sino ba itong nasa harapan ko? "Sino ho ba kayo?" hindi ko napigilan na tanungin ang lalaking nasa harap ko. Mas lalong lumabas ang linya sa noo nito. "FvCK!" dinig kong mahinang mura niya. Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Walang modo ang hayop! "GAGO ka ah! Bakit mo ako minumura?" duro ko sa lalaking kaharap ko. "ASTRID!" saway ni Babsy! Hindi ko siya pinansin. Hindi maipinta ang mukha ng lalaking kaharap ko. Napagmasdan ko tuloy ito kahit alam kong halos lumabas na ang litid nito sa galit. Medium length ang buhok na medyo messy ang layers, deep set ang pares ng mata, matangos ang ilong nito, his jawline fits perfectly on his face, and look at those lips, wahh kissable! Medyo may pagkatanned ang kulay nito. HAYOP! Tall, Tan and Handsome ang peg. "Are you done studying my face?" yamot na tanong niya. Tumikhim ako para hindi halatang napahiya ako sa kanya. Napayuko din ako ng bahagya. Nangalay ang leeg ko sa pagmamasid sa kanya. Bakit sobrang gwapo naman niya? "YOU'RE FIRED!!!!" napa-angat ang ulo ko sa sinabi ng lalaking nasa harap ko. Mabilis itong tumalikod sa akin. 'You're fired' nagpaulit-ulit sa tenga ko ang sinabi niya. Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko inaasahan na talagang mawawalan ako ng trabaho. Hinabol ko yung lalaki. I grabbed his arm. "Teka sandali! Bakit mo ako tinanggal sa trabaho?" Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "First you stared on my face without permission. Second, you cursed me and third you touch me without hesitation! You can leave now!" May diin sa bawat salitang lumabas sa bibig niya. Ang arte naman niya! Tinalikuran niya ako. Hahabol pa sana ako pero humarang na ang apat na ati-atihan sa daraanan ko. Natulala naman ako dahil talagang nawalan ako ng trabaho sa mismong araw pa ng birthday ko. "Oh? Ano pang tinutunganga mo dyan? Kay sir na mismo nanggaling kaya Tsupi!" mayabang na sabi ni Babsy. "Layas! Walang modo!!!" sigaw nito na manggalaiti ito sa galit. Tinulak tulak ako sa balikat. Kaya para patas malakas ko din siyang tinulak. Sumadsad siya sa sahig. Bumalik ako sa loob para samsamin ang gamit ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na to. Buong buhay ko na yatang maalala to sa tuwing sasapit ang kaarawan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
248.5K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.0K
bc

Owned by Shade (TAGALOG-R-18)

read
228.3K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

The ex-girlfriend

read
145.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook