Iyak lang ako nang iyak habang nag-iimpake ng mga gamit ko sa loob ng kuwarto. This is my final stay in here. Kailangan ko na talagang umalis sa Mansyon ni Austine. Ilang paglibot ng paningin ko sa loob. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib. Inaalala ko lahat kung gaano naging mapait, naging masaya, malungkot at higit sa lahat nakaramdam ako ng totoong pagmamahal sa loob ng bahay na ito. Baon ko na yata sa aking isipan ang mga ala-ala na nandito. Ang hindi ko makalimutan ang magkasama kami ni Austine sa iisang kuwarto. At iyong mga araw na pinagsilbihan ko siya tuwing umaga hanggang sa uwian niya sa trabaho. Lahat ng iyon, naka tatak na sa puso't-isipan ko. Ngunit lahat ng kasiyahan ay magtatapos lang din sa wala. Kaya siguro sumaya ako ng maaga dahil sa bandang huli iiyak lang din pala ak

