Chapter 63: Impake

2940 Words

Pinuntahan namin ang patay na katawan ni papa sa morgue at kompirmado nga na si papa Romulo ang nandoon. Iyak lang ako nang iyak sa pagkat hindi ko alam kung paano ko ipaalam kay mama at sa mga kapatid ko na wala na kaming ama. "P-pa... S-sorry kung hindi ko kayo naligtas," bulong ko sa nakatalukbong nitong bangkay. Tinabunan ng puting tela ang katawan niya dahil maselan ang mga natamaan nitong sugat. Hindi muna nila ginalaw ang katawan ni papa hangga't hindi ako dumating. Sa akin hiningi ang desisyon kung ano ang plano ko sa patay nitong katawan. "Sana mahanap na talaga ang sindikato sa likod ng pagkamatay ng ama mo, Celyn. Kahit ano'ng gawin namin sa imbestigasyon. Hindi makalap ang impormasyon sa taong may gawa nito," sabi ni Ma'am Grace. Hinagod niya ang likod ko upang pakalmahin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD