ROCELYN ASTRERA POV Namulat ko ang mga mata nang makaramdam nang pagbuhos ng tubig sa pagmumukha ko. Agad akong inubo at ngumiwi sa naramdamang pananakit ng ulo. Hilong-hilo ako, umiikot pa ang aking pananaw. Malamig ang katawan dahil sa tubig na pinaligo sa akin. May tatlong tao sa harapan ko ngayon. Hindi ko pa rin masiyadong ma-aninag ang pigura dahil sa kemikal na nasinghot ko bago ako nawalan ng malay. Hinang-hina ang mga buto ko. "N-nasaan ako?" mahina kong tanong. Ang alam ko lang nakatali ako sa isang upuan kaya hirap kong gumalaw. Basang-basa dahil sa sinaboy na baldeng tubig sa buong katawan ko. Muli nila akong binuhusan nang hindi pa ako nahimasmasan. "Gising na siya. Tama na 'yan!" awat ng boses na babae. Familiar sa akin ang tinig nito. Matinis at pasindak kung magsalita

