AUSTINE SALAZAR'S POV "Damn it! What took them so long?" gigil kong sabi sa sarili. Pinagmasdan ko ang entrance ng University. Kanina pa ang uwian ni Celyn pero hindi pa rin lumabas ang babaeng 'yun. I waited here for twenty minutes. Naiinip na ako kahihintay rito. Nasa loob lang ako ng kotse. Bawat studyanteng lumalabas. Hindi ko mapigilan na ikuyom ang kamao sa pangalaiti. Ito pa naman ang pinaka-ayaw ko, ang maghintay nang matagal sa isang lugar. Tiningnan ko muli ang suot kong relo. Actually, I looked at my watch every minute. Tagis ko ang bagang nang makitang lumipas na ang trénta ‘y minuto wala pa rin si Celyn. Napigtas na ang pasensiyang kinikimkim. I grabbed my phone on the dashboard and dialed her bodyguards number. Agad sinagot ng apat na bodyguards ang kanilang earpice na

