CHAPTER ONE

2712 Words
TINANGGAL ni Sunflower, o Sunny para sa kanyang malalapit na kaibigan, ang suot na black rayband.  Tumingala siya at pinagmasdan ang mataas at malaking gusali sa harapan.  It was the main building of De Alva Food Corporation.  Isang kumpanya na nagpo-produced ng mga processed meat, like beef, chicken, and pork, pati na rin ng iba't-ibang canned goods.  And this big company is owned by their family.    Not that it matters.  She was never involved with the company, or the family for that matter.  Simula pagkabata ay isa na siyang dakilang outsider sa pamilya niya.  Para lang siyang isang saling-pusa na napilitan lang isali at tawaging isang De Alva.  Dahil sa isang simpleng katotohanan na anak siya sa labas.  Anak siya ng panganay na anak ng patriarch ng mga De Alva sa isang Las Vegas showgirl.   Her mother was a dancer at a club in Las Vegas, doon nagkakilala ito at ang ama niya.  They only had a one night stand pero nagbunga ang kapusukan na 'yon.  And nine months later, she was born.  Hindi naghabol ang nanay niya sa tatay niya, alam naman kasi nito na hindi ito pananagutan ng lalaki lalo pa nga at nalaman nito na kabilang ito sa isang mayamang angkan sa Pilipinas.  So she kept silent, telling herself na kaya naman siya nitong buhayin ng walang tulong ng ama niya.  Sa kabila naman kasi ng propesyon ng nanay niya, her mother was still a proud woman.   That was until she succumbed to sickness.  Unti-unti itong ginupo ng sakit na colon cancer.  Sampung taong gulang siya nang mamatay ito.  Lingid sa kanyang kaalaman, bago pa tuluyang bawian ng buhay ang ina ay kinontak nito si Frederico De Alva, ang kanyang lolo.  Ipinaalam nito sa matandang Don ang tungkol sa kanya, telling him that they can perform DNA testing on her para mapatunayan na nagsasabi ito ng totoo.  But once na maging positive ang result, ang mga ito na ang bahalang mag-alaga sa kanya.   As expected, the result was positive.  Labis siyang natuwa nung una niyang malaman na meron pa pala siyang pamilya.  Wala naman kasing naikukwento sa kanya ang ina.  She was so devastated by her death at parang isang malaking reprieve na malaman na hindi pala siya nag-iisa, meron siyang mga kamag-anak na handang kumupkop sa kanya.  And she can finally meet her father.  'Yon nga lang kailangan niyang umalis sa bansang kinalakihan.  Pero mas pipiliin na niya 'yon kesa naman mapasailalim siya sa foster care system ng Amerika.  Because she knew her life would be like a living hell kapag nangyari 'yon.    Pero nang makarating siya dito sa Pilipinas, she entered a new kind of hell.   Nagpasya na siyang pumasok sa matayog na building, the heels of her boots clicking on the pavement.  Hindi na siya nag-abala pang lumapit sa receptionist, nagtuluy-tuloy na siya sa elevator.  She was there to see the person she missed the most since she'd been gone from the country.  Pinindot na niya ang top floor kung saan nando'n ang opisina nito.   Nang marating na niya ang palapag na pupuntahan ay dire-diretso lang siya sa paglalakad.  Hindi niya binibigyan ng pansin ang mga tingin na binibigay sa kanya ng mga taong nando'n.  They were all gawking at her na para bang isa siyang alien na napadpad lang do'n.  Hindi naman niya masisisi ang mga ito, for the simple reason that she looked so out of place.  She was wearing a tight v-necked shirt, showing an ample amount of her cleavage.  Tinernuhan niya 'yon ng hapit na hapit na leather pants.  Kuhang-kuha ng suot niyang damit ang bawat kurba ng kanyang katawan.  Yeah, she might looked like a slut, pero wala siyang pakialam.  Dito siya kumportable, kaya walang pwedeng magbawal sa kanya na isuot ang mga damit na gusto niyang isuot.  Papasok na sana siya sa tanging opisina na nando'n when a woman stopped her.  Sa tingin niya ay sekretarya ito dahil ang cubicle nito ang pinakamalapit sa opisina.   "I'm here to see Liam," wika niya.   "Do you have an appointment, ma'am?" malumanay nitong tanong kahit na parang palihim nitong sinasabi sa kanya na malabong makipagkita sa isang kagaya niya ang boss nito dahil sa tinging binibigay nito sa kanya.   "I don't need one."   Hindi na niya ito hinintay na makasagot at binuksan na niya ang pintuan ng opisina.  Pagpasok niya sa loob ay agad din niya 'yong sinaraduhan.  Dagli naman niyang nakita ang pinuntahan, nakaupo ito sa likod ng mesa at nakasubsob ang ulo sa napakadaming papeles.  Napangiti siya habang pinagmamasdan ito, halos dalawang taon na rin silang hindi nagkikita pero mukhang wala pa rin itong pinagbago.  Her workaholic and overly uptight brother.   Tumikhim siya para makuha ang atensiyon nito.  Agad naman itong nag-angat ng mukha, tumaas ang sulok ng labi nito, 'yon na ang maituturing na pagngiti para dito.  "So it seems my prodigal sister has returned."   "Yeah, looks like it."   Tumayo ito mula sa pagkakaupo.  "Ano pang itinatayo-tayo mo d'yan?  Come here and give this big guy a hug," wika nito na iminuwestra pa ang sarili.   Nangingiting lumapit na lang siya dito at binigyan ito ng mahigpit na yakap.  "I missed you, Kuya."   Hinalikan naman nito ang tuktok ng ulo niya.  "Missed you too, little sis."   Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya dito.  She really missed her brother.  Simula pagkabata ay ito lang talaga ang naging kakampi niya.  After her mother died at dinala na siya dito sa Pilipinas, ang kaligayahan na nadama niya pagkatapos niyang malaman na meron pa siyang pamilya ay agad ding nawasak.  Paano ba naman, pagkadating na pagkadating niya, her father immediately gave her the cold shoulder.  Ni hindi man lang siya nito magawang tingnan.  Kung tingnan naman siya ng asawa ng ama ay parang mas mababa pa siya sa basura.  The only people who welcomed her were her Lolo and Kuya.   Tinulungan siya ng mga ito to adapt to her new surrounding.  Naging mahirap nung umpisa.  Hindi kasi siya marunong magtagalog, her mother was American and english was the only language she knew.  Naging tampulan din siya ng tukso sa paaralan because of her natural blond hair and freckled face.  Pero sa lahat ng 'yon ay dinamayan siya ng kanyang Kuya.   Kahit na magkaiba sila ng ina ng Kuya Liam niya, hindi siya nito pinakitaan ng masama.  He treated her like a brother would treat his little sister.  He gave her unconditional love and affection.  Kaya nga mahal na mahal niya ito.  Kung hindi siguro dahil dito ay baka matagal na siyang nabaliw dahil sa pangbabalewala ng ama at sa masamang trato sa kanya ng madrasta.  Hindi naman niya masisisi ang ginang.  Paano nga ba naman nito magagawang maging mabait sa naging bunga ng kataksilan ng asawa nito?   Humiwalay sa kanya ang kapatid.  "Mabuti naman at naisipan mo nang umuwi.  Akala ko habang-buhay ka nang titira sa Paris eh."    "Kuya, nakakalimutan mo na yata, nando'n ang trabaho ko.  Of course, I'll stay there."  Isa kasi siyang professional model.  Dalawang taon na rin siyang modelo and so far, she's been enjoying it.  Natutuwa kasi siyang magsuot ng iba't-ibang damit, but the thing she loved the most was walking on the catwalk.  She felt so free whenever she walked on the runway, she felt like she could be whoever and whatever she wanted to be.  Kaya siguro hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagsasawa sa ginagawa.  Pero dahil sa ginawa niyang pag-uwi ay kinailangan niyang kumuha ng indefinite leave mula sa modelling agency na kinabibilangan.  Hindi kasi siya sigurado kung kailan siya makakabalik sa Paris.     "Are you sure this has nothing to do with Dad's death two years ago?" biglang lumambong ang ekspresyon ng mukha nito pagkabanggit nito sa ama nila.  "After what happened, bigla ka na lang pumunta ng ibang bansa and ever since then you never returned."   Nag-iwas siya ng tingin, hindi niya maamin na tama ito.  Their father died two years ago in a car accident.  Patay na ito nang madala ito sa ospital.  Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman nang makarating sa kanya ang balitang 'yon.  She and her father never really had a relationship, mabibilang nga lang siguro sa daliri ang dami ng beses na kinausap siya nito.  But despite that, she still cried.    Matinding pagsisisi ang naramdaman niya, pagsisisi na hindi man lang siya nag-effort na ayusin ang relasyon nila ng ama.  She just let the two of them drift apart.  Hanggang sa mahuli na nga ang lahat at mawalan na siya ng pagkakataon na maging malapit dito.  Kaya pagkalibing nito ay nagdesisyon siya na umalis, kapag kasi nandito siya ay maiisip lang niya ang ama at ang matindi niyang panghihinayang.  Na kung sakaling naging pursigido lang siya, baka sakaling nagawa rin siyang mahalin ng ama.  Baka sakaling narinig din niya mula sa labi nito ang mga salitang, 'mahal kita, anak'.   "It's not that," pagsisinungaling niya.  "I just enjoyed living in Paris, I enjoyed being a model," may bahid ng katotohanang wika niya.  The truth was balak lang talaga niyang magbakasyon noon sa Paris, but someone scouted her to be a model, at 'yon nga, one thing led to another.  Before she knew it, isa na siya sa mga modelo na naglalakad sa runway ng Paris.   "Whatever you say.  But I'm just glad na nandito ka na.  At least ngayon, sigurado na 'ko na makakarating ka sa kasal ko."   Napangiti siya dahil sa sinabi nito.  "I wouldn't miss your wedding for the world.  Speaking of that, hindi pa rin ako makapaniwala na may babaeng magtitiis sa napakasungit kong Kuya.  Hindi na tuloy ako makapaghintay na makilala ang fiancee mo.  She must be something."   Isang nagmamalaking ngiti naman ang ibinigay nito sa kanya.  "That she is."   Lalo namang lumawak ang pagkakangiti niya, mukhang mahal na mahal talaga nito ang kasintahan.  Masaya talaga siya para dito, dahil nahanap na nito ang babaeng magpapaligaya dito.  "O siya aalis na 'ko at baka kanina pa naghihintay sa 'kin si Lolo.  Dumaan lang talaga ako dito para makita ka muna bago ko siya puntahan."   Mataman muna siya nitong pinagmasdan bago nagwika, "Hmm, so the real reason you came back is Lolo.  Balak mo bang sabihin sa 'kin kung bakit?"   "Saka ko na lang sasabihin sa 'yo, tiyak naman na sooner or later malalaman mo rin kung bakit," hinalikan niya ito sa pisngi.  "See you later, Kuya."  PINAGBUKSAN agad ng gate ng guard si Sunny nang makarating siya sa malaking mansiyon ng mga De Alva sa Forbes Park kung saan nakatira ang Lolo niya.  Agad niyang ipinarada ang sasakyan sa tapat ng bahay.  Pagkababa niya ng kotse ay hindi niya mapigilang bigyan ng humahangang tingin ang bahay.  Ever since she was a child, she always thought of this house as a castle.  And her Lolo was the gallant King.   Pumasok na siya sa loob, wala pa ring masyadong ipinagbago 'yon.  Everything was still as she remembered it.    "Nakabalik na po pala kayo, senorita," bati sa kanya ng isa sa mga katulong.   Nginitian naman niya ito.  "Si Lolo?"   "Nando'n po sa study niya, kanina pa nga po kayo hinihintay.  Kaya lang po may kinakausap pa ho yata siyang bisita ngayon."   Napakunot naman ang noo niya sa sinabi nito.  Sino naman kayang bisita 'yon?  Nagdesisyon na lang siya na puntahan pa rin ang Lolo kahit na may bisita pa ito.  Ipapaalam lang niya na nandito na siya.  Nagsimula na siyang maglakad papunta sa study nito nang bigla na lang siyang mapahinto.  Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya nakakapagdesisyon sa inaalok nito sa kanya.   Napakaimposible naman kasi ng gusto nito.  When she was twelve her grandfather set up a trust fund for her.  It entailed that makukuha niya ang laman ng trust fund na 'yon sa oras na makatapos siya ng kolehiyo at tumuntong sa edad na dalawampu't-apat.  She was turning twenty-four this year at nakaplano na ang mga gagawin niya sa oras na magkaro'n siya ng access sa trust fund niya.  She was planning to put up a business.  Para kung sakaling magsawa na siya sa pagmomodelo ay meron pa siyang set back.  But then, all of a sudden, her Lolo changed the conditions.   Tinawagan siya nito two days ago, saying that makukuha lang niya ang laman ng trust fund niya sa oras na pumayag siya na pamahalaan ang football club na itinayo nito.  She was stunned when she heard it, buong akala niya ay nagbibiro lang ito.  But then bigla na lang siya nitong pinauwi and she immediately knew he was serious.    Hindi niya malaman kung ano ang dapat maramdaman, magagalit ba siya o matatawa na lang?  Alam niyang noon pa gustong magtayo ng Lolo niya ng isang football club na maaaring mag-represent sa Pilipinas sa iba't-ibang football league sa mundo.  'Yon kasi ang paboritong sports ng matanda.  Pero nakaalis na siya ng bansa nang simulan nito ang planong 'yon.  Kaya wala talaga siya ni katiting na alam tungkol sa football club na itinayo nito.   Tapos ngayon ay bigla-bigla na lang nito 'yong ipapamahala sa kanya.  Hindi niya maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.  She has zero interest when it came to sports, mapa-basketball pa 'yan o football, wala siyang pakialam.  Naisip na niya na tanggihan ang alok ng Lolo niya at sabihin dito na wala na siyang pakialam kung makuha pa niya ang laman trust fund niya.  Pera lang 'yon, kaya din niyang kitain 'yon.  But then, maiisip din niya na karapatan niya bilang isang De Alva na makuha 'yon.  Tiyak naman kasi niya na 'yon lang ang tanging mana na makukuha niya.  Since wala namang iniwan sa kanya ang ama nang yumao ito.   Sinabi ng Lolo niya na kaya wala daw iniwan ang ama sa kanya ay dahil sa pagiging biglaan ng mga pangyayari.  Sino nga bang mag-aakala na mamamatay ito sa isang car accident?  Kaya naman ang last will and testament nito ay 'yon pang pinagawa nito pagkapanganak ng Kuya Liam niya, which meant na hindi pa talaga siya kasama doon.  Well, kahit naman siguro naayos ng ama ang will nito, sa tingin niya ay wala din siyang matatanggap mula dito at kung meron man ay tiyak na tututulan lang 'yon ng madrasta niya.   Isang malalim na hininga na lang ang pinakawalan niya at nagpatuloy na lang sa paglalakad.  Nang nasa tapat na siya ng pinto ng study ay dahan-dahan niyang binuksan 'yon.  She was halfway on opening it nang makita niya ang isang lalaki na nakatayo sa harapan ng desk ng Lolo niya.  Ito siguro ang bisitang tinutukoy ng katulong na nakausap niya.  Nakatalikod ang lalaki sa direksyon niya kaya hindi niya makita ang mukha nito.  But he was tall and very muscular she might add.  Hindi kasi naitago ng suot nitong damit ang malalaki nitong biceps.   She was going to annouce her presence nang bigla na lang magsalita ang lalaki.  Napapitlag siya nang marinig ang tinig nito, his voice was a very rich baritone.  Napakasarap pakinggan.  Pero ang paghangang naramdaman niya ay dagli ring nawala nang marinig niya ang mga sinabi nito.   "No offense meant, sir.  Alam kong apo niyo siya, but I heard stories about her and all of them not good.  I agreed to help you build this club because I thought you were serious about it.  Tapos ganito, you will give the full authority of the club to your grandaughter, who according to many is nothing but a spoiled princess who doesn't know a damn thing."   Nakuyom niya ang kamao, rage immediately filling her.  How dare this guy insult her?  Wala itong karapatan na gawin 'yon.  Hindi na siya nag-isip pa at pumasok na siya sa loob.  Nang makalapit na siya sa lalaki ay agad siyang umabrisyete dito.  Kung nagulat man ito sa ginawa niya ay hindi nito pinakita 'yon.  Tumingala siya dito at muntikan na niyang makalimutan ang sasabihin nang mapagmasdan ang mukha nito.  Because the man was one hell of a striking guy.  Ito yung tipo na kapag nakita mo sa daan ay talagang mapapalingon ka.  He has straight nose, luscious lips, and eyes the color of the dark night sky.  He has a square jaw na talaga namang bumagay sa mukha nito.  Sa madaling salita, his features complimented each other perfectly.  Pero agad din niyang pinagalitan ang sarili dahil paghangang naramdaman.  This man just insulted her at hindi niya maaaring palampasin 'yon.   So she gave him her sweetest smile.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD