AGAD NA napatingin sa baba si Devlin nang maramdaman niya na may humawak sa braso niya. And what he saw immediately took his breath away. Isang napakagandang babae ang nakatayo sa tabihan niya. She has long strawberry blond hair and warm hazel brown eyes. The bridge of her nose was speckled with a little bit of freckles, pero hindi naman 'yon nakabawas sa taglay nitong ganda, in fact it only made her more adorable. And when she smiled at him at lumabas ang magkabilang biloy sa pisngi nito, he felt like his heart just melted.
"Hi. Sorry if I need to interrupt your talk with my Lolo, may kailangan kasi akong sabihin sa kanya eh. I'm Sunflower De Alva by the way, you can call me Sunny for short," buong tamis na wika nito sa kanya.
Muntikan na siyang mapamura nang marinig niya ang pangalan na binanggit nito. Narinig kaya nito ang sinabi niya patungkol dito? Napailing siya, eh ano naman kung narinig nito ang sinabi niya? Nagsasabi lang naman siya ng totoo. Binitiwan na nito ang pagkakahawak sa braso niya at naglakad palapit sa Lolo nito. Now he was able to see her fully.
Hapit na hapit dito ang suot nitong damit, kitang-kita tuloy ang magandang hubog ng katawan nito. Agad siyang napasimangot. He never really liked women who wore provocative clothes. It's like they were begging to be violated. Para kasi sa kanya, hindi naman kailangan ng mga babae na magsuot ng mga damit na parang nagkulang sa tela para lang mapansin. Pero sa kabila ng paniniwalang 'yon, hindi pa rin niya magawang alisin ang pagkakatitig sa magandang katawan ng dalaga.
Lihim na lang niyang pinagalitan ang sarili. He was acting like a pervert, for Pete's sake!
Niyapos ni Sunny ang lolo nito at malambing na nagwika, "I missed you, Lolo."
"Then you should've come home sooner than this. Hindi ka dapat nagtagal ng gano'n katagal sa Paris," wika naman ng matanda.
"'Wag ka nang magtampo, Lolo. Nakakahiya naman sa bisita niyo. Speaking of which," tumingin ito sa kanya, "why don't you introduce me to your handsome guest?"
Isang buntung-hininga muna ang pinakawalan ng matanda bago nagwika, "Sunny, this is Devlin Mendoza. Siya yung coach nung football team na sinasabi ko sa 'yo. And Devlin, as you may have already know, this is my grandaughter, Sunny."
"Oh, so you're the coach. Mabuti naman at nagkakilala na tayo dito, now I can personally asked you to guide me. Nasabi na siguro sa 'yo ni Lolo that I will be handling the club from now on. Kaya lang I don't know a thing naman about football. Yung bola na hugis oblong yung ginagamit niyo sa paglalaro, right?"
"No, American football yung tinutukoy mo. We're playing soccer," pagkaklaro niya dito.
Mukha namang nalito ito sa sinabi niya. "Is there a difference?"
Sa puntong 'yon ay tuluyan nang nagsalubong ang mga kilay niya. Paano naisipan ng matandang De Alva na ibigay ang pangangalaga ng team nila sa apo nito na hindi man lang alam kung ano ang pagkakaiba ng American football sa soccer? "Bilog ang hugis ng bola na ginagamit namin," napilitan niyang ipaliwanag.
"I still don't get it, oblong man o bilog yung bola na gamit, they are still both called football," wika nito na parang walang naintindihan sa sinabi niya.
Napangiwi siya. Ano pa bang eksplanasyon ang gusto nito? Sa hugis pa lang ng bola ay dapat naintindihan na nito ang pagkakaiba ng dalawang laro. Mukhang tama nga ang lahat ng balita na narinig niya tungkol sa babaeng ito. Nakadalo na siya ng ilang mga party na ginanap sa mansiyong ito dahil na rin sa pang-iimbita ng matandang patriarch, at sa tuwing napag-uusapan si Sunny De Alva ng mga kamag-anak nito, isang bagay lang ang sinasabi ng mga ito. That she was just a dumb blond na ang tanging kaya lang gawin ay gumasta ng pera.
Lahat ng paghanga na nadama niya para dito kanina ay agarang naglaho. Aanhin nito ang ganda kung wala naman palang laman ang utak nito? A brainless beauty, he hates that combination the most.
Binaling na lang niya ang tingin sa lolo nito bago pa siya may masabing masama. "Mauna na po ako, Sir. Let's just continue this talk some other time."
Hindi na niya hinintay na magsalita ito at agad na siyang lumabas ng study.
Labis na pagkainis ang nadarama niya. Hindi makapaniwala na magagawang ipagkatiwala ni Frederico De Alva ang buong club sa walang alam nitong apo. Kung alam niya lang na sa ganito hahantong ang lahat, sana pala ay hindi na siya pumayag pa na maging coach ng football team nito. But he gave in to his proposition. Because of the simple fact that he can't seem to live without football.
When he was forced to retire two years ago, nagdesisyon sila ng ina na bumalik na dito sa Pilipinas. He was thirteen when they migrated to Spain, penitisyon kasi sila ng nakakatandang kapatid ng Mama niya na nakapag-asawa ng Espanyol. Kamamatay lang noon ng tatay niya mula sa biglaang atake sa puso at naisip ng nanay niya that a new environment would do them good. Kaya hindi na ito nagdalawang-isip na pumunta ng Espanya.
Hindi naman sila nahirapan na mag-adjust pagkarating nila doon, nakahanap agad ng trabaho ang nanay niya at siya naman ay nakapasok agad sa isang magandang eskwelahan. At sa paaralang 'yon nga niya natutunang mahalin ang larong football. It's the most famous sport in Spain, kaya naman mapa-elementarya man o kolehiyo ay may nakalaan na programa para sa naturang laro.
Nagpatuloy siya sa paglalaro ng football hanggang sa makatuntong siya ng kolehiyo. Nung mga panahong 'yon ay nabuo na ang isang pangarap sa isipan niya. He will be a professional football player, isang manlalaro na kikilalanin dahil sa taglay na husay sa paglalaro ng football. Hindi naman siya nabigo dahil unang taon pa lang niya sa kolehiyo, he was already scouter by different football clubs in Spain. Pero isa lang talaga ang nakahatak sa kanya, ang Real Madrid.
He'd been wanting to be in that team ever since he first saw a football match kung saan ang mga ito ang nanalo. It was like his wildest dream came true nang maging bahagi siya ng nasabing football club. Nakaplano na sa utak niya ang lahat ng mga dapat niyang gawin. Ginawa niya ang lahat para mapabilang sa main member ng team. Nang mangyari naman 'yon, after only seven years ay napilitan na agad siyang magretiro.
Akala niya nung umpisa ay tanggap na niya ang kalagayan niya, na hindi na siya muli pang makakapaglaro. Pero pagkalipas lamang ang isang buwan ay nalugmok na siya sa matinding depression. Doon na nagdesisyon ang ina niya na bumalik na lang sila ng Pilipinas. Baka sakali daw kasi na bumalik ang dati niyang sigla kung malalayo siya sa mga bagay na magpapaalala sa kanya ng football. Pero hindi na siya bumalik pa sa dati, being unable to play left a gaping hole in his chest na kahit kailan ay hindi na mapupunan. Or so he thought.
Pagkalipas ng ilang buwan simula nung makabalik sila ng Pilipinas, isang hindi inaasahang bisita ang dumating sa bahay nila. Si Fredericio De Alva. Inalok siya nito na maging coach ng football club na balak nitong itayo. Nung umpisa ay hindi niya talaga maintindihan kung ano ang magiging saysay pa no'n, since hindi naman ganoon kasikat ang larong football dito sa bansa. But then what the old man said really moved him. Natatandaan pa niya ang mga salitang sinabi nito na para bang kahapon lang 'yon nangyari.
"Why would you want to build a football team here? I mean, mas maiintindihan ko pa kung mag-i-sponsor kayo ng isang bagong basketball team, but why football?" tanong ni Devlin sa kaharap na matanda. "It's not even that famous here."
"That's precisely why. Hindi man lang alam ng mga Pilipino kung gaano kasaya ang paglalaro ng football. They just think of it as a boring sport. Ni wala man lang nga sigurong ng mga international football league dito. But if we succeed in creating a powerful team that can rival the world's strongest, then we can also show to the people in this country how enjoyable football is. Ito ang magiging paraan natin ng pagpapakita kung gaano natin kamahal ang sport na 'to." Isang malawak na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Don't you want to join me in this venture?"
Pinakatitigan niya ang matanda. Nung una niyang marinig ang nais nitong gawin ay talagang nagduda siya kung magagawa ba talaga nito ang pinaplano. Pero pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi nito, isa lang ang napatunayan niya. This old man loved football as much as him. Napangiti na lang siya at natagpuan na lang niya ang sariling nagsasabing, "Pumapayag na 'ko, pero meron akong isang kondisyon."
"Anything."
"I'm the one who will pick the main eleven members."
At ito na nga, after a year and a half of looking for the right people and training them, masasabi niya ng buong pagmamalaki na nakabuo siya ng isang napakalakas na team. Handa na nga silang sumabak sa isang propesyonal na laban. Tapos bigla-bigla na lang mangyayari ito. Their club will be suddenly handled by that woman.
Kung ganito na rin lang pala, sisiguraduhin na niya na hindi nito masisira ang mahigit na isang taon na paghihirap niya at ng buong team. Kung gusto talaga nito na pamahalaan ang club nila, then it would be better if she doesn't do anything. Dahil tiyak na makakagulo lang naman ito sa kanila.
Pagkalabas niya ng bahay ay agad na siyang sumakay sa sasakyan niya. Hindi pa rin nawawala ang inis na nadarama. But as he drove his car, pilit na nagsusumiksik sa isipan niya ang magandang mukha ni Sunflower De Alva.
NASUNDAN na lamang ng tingin ni Sunny ang palabas na si Devlin. Hindi niya alam kung imahinasyon lang niya pero parang may mali sa paraan ng paglalakad nito. Agad din naman niyang pinalis ang iniisip. Ano bang pakialam niya sa paraan ng paglalakad nito? Napalingon siya sa Lolo nang marinig niya ang marahas na pagbuntung-hininga nito.
"You should've not acted like that," wika ng abuelo. "Paano kung isipin ni Devlin that you're really a half-twit who doesn't know anything?"
Pinag-krus niya ang mga braso sa tapat ng dibdib. "So what? He already made up his mind na gano'n nga ako before he even met me. Hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko sa mga taong kagaya niya. He can think whatever he wants."
Ang pinaka-ayaw pa naman niya sa lahat ay yung mga tao na napakagaling manghusga ng iba. All her life, she was constantly being judged by the people around her. People always think the worst of her dahil lang sa anak siya sa labas, o mas tamang sabihing dahil anak siya ng isang showgirl. Kahit minsan ay hindi niya ikinahiya ang trabaho ng ina, wala naman itong tinatapakan na ibang tao kaya anong masama sa trabaho nito? Her mother never killed anyone, pero kung maka-asta ang mga tao ay daig pa nito ang isang kriminal.
Through the years she tried to ignore all the things that people say about her. Kahit naman kasi ano pang gawin o sabihin niya, people will still think whatever it is they want to think. Pero hindi pa rin niya mapigilang masaktan at magalit kapag naririnig niya ang masasamang bagay na sinasabi ng ibang tao patungkol sa kanya. Mga tao na hindi naman talaga siya kilala. Mga tao na kagaya ng Devlin na 'yon.
Muli na namang napabuntung-hininga ang lolo. "Base do'n sa sinabi mo kanina, I can assume na pumapayag ka na na i-handle ang football club?"
"Lolo, I only said that to irritate that man," sagot niya. Muntikan na siyang matawa nang maalala ang itsura nito kanina nang magsinungaling siya na hindi niya alam ang pagkakaiba ng American football sa soccer. The look on his face was priceless. "I haven't decided yet."
"Hindi ko ba talaga mababago ang isip mo?"
Napabuntung-hininga siya. "Lolo, why me? I don't even know a damn thing about football. Sigurado ba kayong gusto niyong ipagkatiwala sa 'kin ang club na pinaghirapan niyong itayo? Why don't you give this job to one of my more-experienced cousin?"
"Because I need someone I can trust to handle the club, and I trust you Sunny. Hindi naman kailangan na madami kang alam sa football, all I want is someone responsible, trustworthy, and hardworking. Taglay mo ang lahat ng katangian na 'yon. And regarding your cousins, kilala mo naman ang ugali ng mga 'yon. I'm sure iisipin lang nila that handling my football club will just be a bad investment."
Hindi naman niya maikakaila ang punto ng Lolo. Tiyak na 'yon nga ang iisipin ng mga pinsan niya, hindi naman kasi ang tipo ng mga ito ang mag-aaksaya ng oras sa isang bagay na hindi naman nila pagkakakitaan ng pera.
"Or would you really have me resort to blackmailing you para lang pumayag ka?" dugtong pa nito.
"You already blackmailed me, Lolo, remember? Kaya nga bigla akong napauwi dito eh," naiiling niyang wika.
"And I'm glad I did, kung hindi ko pa ginawa 'yon baka ilang taon pa ulit ang lumipas bago mo maisipang umuwi dito. Why don't you just stay here and put up that dress shop business that you always wanted?"
She took fashion design in college, bata pa lang kasi siya ay gusto na niyang magkaroon ng isang boutique kung saan ang lahat ng damit na ibebenta do'n ay siya ang nag-design. "Eh paano ko naman magagawa 'yon Lolo kung hindi niyo ibibigay sa 'kin yung trust fund ko?"
"You can still have access to your trust fund as long as pumayag ka na hawakan ang football club." She can't believe this, her Lolo was really blackmailing her! "Kailangan ko ng isang tao na mapagkakatiwalaan ko with handling the club. The last person na binigyan ko ng responsibilidad na 'yon did not even do a single thing para mapabuti yung club. Kapag nagpatuloy pa na walang humahawak sa club tiyak na sooner or later it will fall into chaos at wala na kong ibang magawa kundi buwagin 'yon. And I will really hate to do that, dahil naniniwala talaga ako na malayo ang mararating ng football club na 'to."
Napatitig siya sa seryosong ekspresyon sa mukha ng Lolo, at isa lang ang pumasok sa isipan niya, mahalaga talaga dito ang football club.
Ginagap ng Lolo niya ang kanyang palad at nagpatuloy, "Three months, Sunny, just give it a try for three months. Kapag hindi mo talaga nagustuhan ang paghawak sa club, then maghahanap na ako ng ibang tao na pwedeng gawin ang trabahong 'yon. And ibabalik ko na rin sa dati ang terms para makuha mo ang trust fund mo. Please Sunny, you're the only one I can trust with this."
A resigned smile escaped her lips. Mukhang wala na siyang magagawa kundi pumayag sa gusto nito. Aside from that matter regarding her trust fund, ito lang din ang unang beses na humiling ng ganito sa kanya ang Lolo. After all the things he did for her, the least thing she could do ay pagbigyan ito. "Alright, three months then. Pumapayag na 'ko na pamahalaan ang pinakamamahal niyong football club."
"Sinasabi ko na nga ba't hindi mo rin ako matitiis." Kinuha nito ang isang folder sa drawer ng desk nito at binigay 'yon sa kanya. "Nand'yan ang lahat ng files tungkol sa football club pati na rin sa lahat ng members."
Binuksan niya ang folder at napangiti nang mabasa ang nakalagay sa unang page. "Assassins, F.C." Bumaling siya sa abuelo. "Wow Lolo, you really have a great naming sense."
Isang malawak na ngiti naman ang ibinigay nito sa kanya. "Of course I do."