IPINARADA ni Sunny ang sasakyan at bumaba na. Inilibot niya ang paningin sa malawak na lupain na nasa harapan. It was a vast landmass located at the town of Mariveles in Bataan. Her Lolo bought it years ago para sana pagtayuan ng isang food factory pero hindi naman 'yon natuloy dahil na rin sa pagtutol ng mga tao na taga-doon. Makakadagdag lang daw 'yon sa polusyon sa paligid. Kaya heto, after years of being a vacant lot, ginawa na lang itong training ground ng Lolo niya para sa Assassins, F.C.
Napangiti siya nang maalala ang pangalan na ibinigay ng abuelo para sa football club. It was so like him. Unique and very unforgetable. Pumunta siya do'n para tingnan ang lugar na pinagsasanayan ng buong team. Napabuntung-hininga siya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na napapayag siya ng Lolo niya sa gusto nito. Pero nang mabasa niya ang mga papeles na may kinalaman sa football club at sa mga miyembro nito, unti-unti niyang napagtanto na kailangan talaga na may isang tao na mamahala sa club.
Unang-una sa lahat, napakadaming kailangang ayusin dito sa training ground. Ayon sa nabasa niya, nahahati sa dalawang bahagi ang training ground. Nasa isang bahagi ang mga facility kagaya na lang ng dormitory, gym, at isa pang building kung saan nando'n ang cafeteria at clinic. Sa kabilang bahagi naman ay nando'n ang malawak na football field. Hindi pa rin naaayos ang ilang linya ng kuryente kaya naman may ilang kwarto sa dormitoryo na hindi pa rin nalalagyan ng ilaw. Kulang-kulang din ang mga kagamitan sa gym. Meron ngang clinic pero wala namang doktor o kahit man lang nurse na tumatao doon.
Months ago ay ibinigay ng Lolo niya ang temporary na pamamahala ng club sa isa sa mga assistant nito, but obviously, kagaya nga nang sinabi ng Lolo niya, hindi nito nagawa ng maayos ang trabaho nito. Kaya heto, siya tuloy ang kailangang umayos sa lahat ng bagay na hindi nito nagawa. If she will do this, then she might as well do her best.
Nagsimula na siyang maglakad. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay dalawang lalaki ang bigla na lang humarang sa daraanan niya. Nag-angat siya ng mukha and came face to face with two dashing men. Kapwa nakangiti ang mga ito sa kanya.
"Hi! Are you lost?" tanong ng isa na may sandy blond na buhok. "We can take you to the town proper if you want."
"And since you're really beautiful, we'll do it for free. Hindi lang 'yon, sasamahan ka pa naming mag-lunch and the three of us could spend the afternoon together," dugtong pa ng isa.
Sabay na inilahad ng mga ito ang kamay sa kanya and both gave her devastating smiles.
Hindi na niya napigilang mapangiti. These two were just oozing with charms. Kung sakali siguro na talagang naligaw siya sa lugar na 'yon, she might seriously take them on their offer. Agad niyang nakilala ang mga ito, she had seen their profile on the files her Lolo gave her the other day. Parehong main member ang mga ito ng Assassins. She looked at the blond. "Mackenzie Thompson," then she looked at the other one, "Cobalt Assistio."
Halata namang nagulat ang mga ito dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ng mga ito. "You know us?" tanong ni Mackenzie.
"Apparently, yes," sagot naman niya.
"Then that's even better, hindi na namin kailangang ipakilala ang sarili namin sa 'yo. But it's kind of unfair since we don't know your name," wika ni Cobalt.
"I'm Sunny De Alva and I'm the new owner of your team."
"So you're the one Devlin was talking about."
Pagbanggit ni Mackenzie sa pangalan ng coach ng mga ito ay agad siyang nakaramdam ng pagkainis. Naaalala lang kasi niya ang pang-iinsulto nito sa kanya. Pero isang kakaibang pakiramdam din ang bigla niyang nararamdaman sa tuwing naaalala niya ito. Isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. It must be because he just extremely annoyed her. Annoyed her to the point na hindi na niya maalis ang mayabang nitong mukha sa utak niya.
"He never told us that you're this hot," dugtong pa ng binata, giving her a very appreciative glance. "You can just call me Macky by the way." Inabot nito ang kamay niya at pinatong 'yon sa braso nito.
"And you can call me Coby," ang isang kamay naman niya ang inabot nito at pinatong rin 'yon sa braso nito. Ang kinalabasan tuloy ay naka-abrisyete na siya sa mga ito. "Do you want us to give you a tour?"
Naiiling na napapangiti na lang siya sa ginawi ng mga ito. "That would be great."
"PETER! Bilisan mo ang pagtakbo mo, hindi ka makakalusot kina Zander at Gift kung babagal-bagal ka!" sigaw ni Devlin kay Peter na sinusubukang ipasok ang bola sa goal na hinaharangan naman nina Zander at Gift. Pero gaya ng inaasahan niya, hindi man lang nakalampas sa malaking katawan ni Zander ang bolang sinipa ni Peter. "Do it again!" muli niyang sigaw sa mga ito.
Tumakbo sa kabilang bahagi ng field si Peter at muli na namang sumugod kina Zander at Gift.
"Mukhang mainit na naman ang ulo ng coach natin," wika ng isang tinig sa likuran niya.
Lumingon siya at nakita ang nagsalitang si Callum, sa likuran nito ay nakasunod lang sina Jomi, Sparks, at Rome.
"Our coach has always been a hothead," wika naman ni Sparks.
"Nope, this is different. He's more hotheaded than usual," dugtong ni Jomi na tumingin sa kanya at bigla na lang ngumiti, yung ngiting nakakaloko. "I bet may kinalaman 'yon sa pakikipag-usap niya kay Mr. De Alva."
"Shut up," angil niya. "Bakit nandito na kayo, tapos niyo na ba yung pinapagawa ko?"
"Yes, we already ran ten laps," sagot ni Rome. Uminom muna ito ng tubig bago seryosong bumaling sa kanya. "Kumusta nga ba 'yong naging pag-uusap niyo ni Mr. De Alva?"
Sa tanong nitong 'yon ay agad na pumasok sa isipan niya ang isang partikular na imahe. Image of a certain woman with long strawberry blond hair. Agad siyang napuno ng matinding pagkainis. Hindi dahil sa ito ang bagong mamamahala sa team nila but because he can't get her lovely face out of his freaking mind. At 'yon ang labis niyang ikinagagalit. He should be worried about their club, instead he was more worried about his own sanity.
Iwinagayway ni Callum ang kamay nito sa tapat ng mukha niya. "Hello? Earth to Devlin."
Tinabig naman niya 'yon. "Tigilan mo nga 'yan," asik niya dito. "Hindi namin natapos ang pag-uusap namin dahil biglang dumating yung apo niya. But the old man called me yesterday and he said na ang apo na nga niyang 'yon ang mamamahala sa club natin."
Napansin niya ang pagdilim ng mukha ni Rome. "That old man has gone crazy. Ano namang alam ng isang babae sa pagpapatakbo ng isang football club? Siguraduhin lang ng apo niyang 'yon na hindi siya makakaabala sa 'tin, because there will be a lot to pay kapag siya pa ang naging dahilan ng pagkasira natin."
"Relax, Rome, hindi makakatulong ang init ng ulo sa sitwasyon. I'm sure Mr. De Alva's grandaughter is not that awful," bumaling sa kanya si Sparks at ngumiti. "Right, Devlin?"
Yes, not awful, only stupid, wika ng maliit na tinig sa utak niya. Pero mas pinili na lang niya na 'wag 'yong sabihin sa mga ito. "Nasaan nga pala sina Rune at Keith?" pagbabago na lang niya sa usapan.
"Si Keith ang naka-toka ngayon sa pag-go-grocery, remember?" sagot ni Callum. "Si Rune, baka natutulog lang 'yon d'yan sa kung saan."
"And the stupid duo?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang pinakamagaling nilang scorers.
"I think they're walking towards us," wika ni Jomi bago biglang sumipol at muling nagwika, "Who's that hot girl they're with?"
Mabilis siyang napalingon sa direksyon na tinitingnan ni Jomi, and surely, agad niyang nakita sina Macky at Coby na naglalakad patungo sa kanila. Pero hindi nag-iisa ang mga ito, kasa-kasama ng mga ito ang isang babae. The woman who plagued his mind ever since the other day. Si Sunny De Alva. Looking as beautiful as ever. Naningkit agad ang mga mata niya nang makita niya ang suot nitong damit. Maikling skirt at fitted na sleeveless shirt. Pero mas lalo lang yatang tumindi ang pagkainis niya nang mapansin niya na nakahawak ito sa braso nina Macky at Coby. Hindi niya maintindihan, but he really hated it.
NASA MALAYO pa lang ay natatanaw na ni Sunny ang ilan pang miyembro ng team. Tatlo ang nasa field at nagpa-practice habang lima naman ang nasa may tabihan at waring nag-uusap-usap. Sa dami ng mga ito na nando'n, kakaiba man, pero sa isang tao lang nag-focus ang mga mata niya. Kay Devlin. Hindi niya mapigilan na pakatitigan ito. He looked so rugged and yet so handsome at the same time. Agad niyang pinalis ang isipin na 'yon. Ano bang nangyayari sa kanya? She was supposed to hate him, not ogle him.
Nang makalapit na sila sa mga ito ay agad niyang pinasadahan ng tingin ang apat na lalaking kasama ni Devlin. Habang ginagawa niya 'yon, she recapped their names and their profiles inside her head. The only one smiling at her was Spirus Agcaoilli, ang nasa kaliwa naman nito and obviously checking her out was Jose Miguel Evangelista. The tsinito on the far right was Callum Lorenzo Dy. At ang malaking lalaki na kulang na lang ay mag-isang linya ang kilay dahil sa sobrang pagkakasimangot ay si Romano Alegre, ang team captain.
Magpapakilala na sana siya nang mapansin niya na naglalakad na rin patungo sa direksyon nila ang tatlo na naglalaro sa field. Nagdesisyon siya na hintayin munang makalapit ang mga ito. And when they did, isa-isa rin niyang pinasadahan ang mga ito ng tingin. Ang nasa gitna and the smallest of all the main members was Peter Hernandez. The half-Russian with amazing violet eyes and super long name was Greco Irvine Franz Tuff. At ang mala-higante namang lalaki sa tabi nito that has a long scar running from his forehead and passing over his right eye to the base of his chin was Zander Briones. Hindi niya ma-imagine kung anong klaseng aksidente ang nangyari dito para makakuha ito ng gano'ng pilat.
Isang matamis na ngiti ang agad niyang ibinigay sa mga ito. "Hi, I'm Sunny De Alva. Narinig niyo na siguro ang tungkol sa 'kin. I'm going to be the new owner of this team. So I'm hoping na magkakasundo tayong lahat."
Isa-isa namang nagpakilala ang mga ito sa kanya, although the team captain was very reluctant to say his name. Mukhang magkaugali pa yata ito at ang magaling nitong coach. Ibinaling niya ang tingin kay Devlin, the man was staring intently at her. Gusto niyang umiwas ng tingin pero hindi niya magawa. It was like she was trapped under his dark hyonotic gaze.
Magsasalita pa sana siyang muli nang bigla na lang nitong hablutin ang kamay niya. "Let's talk," he said in a gruff tone.
At walang sabi-sabing hinigit siya nito palayo. Sinubukan niyang bawiin ang braso niya na hawak-hawak nito, but he has an iron grip on her. Pero sa kabila ng mahigpit nitong pagkakahawak sa kanya, she can't feel any pain. In fact, he was dragging her a little bit too gently. Na para bang ingat na ingat ito sa ginagawa. Kaya naman hinayaan na lang niya na higitin siya nito sa kung saan man siya nito balak dalhin. And once again, napansin na naman niyan ang kakaibang paraan nito ng paglalakad.
Huminto lang ito nang tuluyan na silang makalayo sa mga miyembro ng Assassins.
"What are you doing here, Ms. De Alva?" tanong nito sa tono na animo nakikipag-usap ito sa isang batang walang alam.
So he still thinks of me as stupid, huh, she thought sarcastically. Pilit na lang niyang kinalma ang sarili at sa halip ay nginitian na lang ito. "Why shouldn't I be here? Ako na ang bagong mamamahala sa buong team. So it's only natural for me to check this place, right?"
He let out an exasperated sigh. "Now listen, kung desidido ka talaga na pamahalaan ang team na 'to, isang bagay lang ang kailangan mong gawin."
"And that is?"
"Nothing. I advised you to do nothing, because that's the only way you could help."
Her temper just shot upward dahil sa tinuran nito. Ganito ba talaga kawalang-kwenta ang tingin nito sa kanya? She was about to say something pero hindi na rin niya 'yon naituloy dahil bigla na lang siya nitong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. She felt tiny shivers running down her spine because of the way he was looking at her. Daig pa niya ang hinuhubadan dahil sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya.
"And I suggest, kung balak mong pumunta ulit dito, you should stop wearing clothes like that," bigla na lang nitong inilapit ang mukha sa kanya, until he's only a breath away from her. Her heart just begun to beat erraticaly at hindi na naman niya magawang alisin ang paningin sa itim na itim nitong mga mata. "Because if not," itinapat nito ang bibig sa teynga niya and whispered, "I will be the one to take it off of you and put you into a more decent one."
And with that he left her.
Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya. Walang dudang pulang-pula na siya ng mga oras na 'yon. She wanted to scream, but she wanted to bang her head into something hard more. Baka sakali kasing matauhan siya. She should feel angry right now, pero sa halip ang tanging nararamdaman lang niya ay ang mabilis na t***k ng kanyang puso. It was beating so fast pakiramdam niya ay sasabog na 'yon. All because that dam guy whispered in her ear.
She stomped her foot. "Argh! I hate that guy!"