BUONG pagmamalaking pinagmasdan ni Sunny ang loob ng gym. Kung dati ay puro mga weightlifting equipment lang ang nando'n, ngayon ay halos kumpleto na 'yon sa mga gamit na makakatulong sa training ng bawat players. Mas kailangan ng mga ito ngayon 'yon lalo pa nga't mahigit isang buwan na lang at magaganap na ang practice match ng mga ito sa isang football club sa Japan.
Nang malaman niya ang bagay na 'yon, agad siyang gumawa ng paraan para mas mabilis niyang makuha ang mga gym equipment at madeliver ito agad dito sa training ground. Hindi naman problema ang pera, because her Lolo was more than willing to give her any amount of money basta makakatulong sa progress ng bawat manlalaro ng team.
Nag-research talaga siya ng mga training equipment na makakatulong sa mga ito. For two weeks, inilaan lang niya ang oras niya para mas maintindihan pa niya ang larong football. She started watching games after games after games. Hindi rin siya tumigil sa pag-re-research hanggang maintindihan niya ng lubos ang mga rules at regulation ng naturang laro. Kung gusto niya talagang pamahalaan ang Assassins, F.C., kailangan naman kahit paano ay may alam siya sa football. At aaminin niya, she was really starting to appreciate the game.
Nagsisimula na rin siyang mapalapit sa mga miyembro ng club, lalo na sa main eleven members ng team. The more she got to know about them, the more she came to like them. At mukha namang tanggap na rin siya ng mga ito bilang bagong tagapamahala ng club. Even Rome seemed to accept her now. Pero siyempre, hindi pa rin mawawala ang problema.
Nitong mga nakaraang araw ay nakakatanggap siya ng mga prank mail. Nagsimula 'yon nang omorder siya ng mga gym equipment. Hindi siya sigurado kung paano nakuha ng kung sinumang taong 'yon ang email adress niya but that person kept on telling her na bitiwan na niya ang pamamahala sa football club, kung hindi ay pagsisisihan niya na tinanggap pa niya ang trabahong ito. She really didn't give it any mind, dahil sigurado siya na isang tao lang na walang matinong magawa sa buhay ang nagpapadala ng mga e-mail na 'yon sa kanya. Isa pa, kung sasabihin niya ang tungkol do'n sa Lolo niya ay tiyak na mag-aalala lang ito. Hindi niya pwedeng hayaang mangyari 'yon, not over something so baseless like this.
Not including that, masasabi niya na ayos naman na ang lahat, maliban na lang sa katotohanang hindi pa rin niya matagalan ang coach ng Assassins na si Devlin. Pero ngayon, she can't stand him not because he annoyed her but because he made her nervous. Kapag nasa malapit ito pakiramdam niya ay sasabog na ang puso niya dahil sa sobrang bilis ng t***k no'n. At isa lang ang nakikita niyang dahilan. That accidental kiss. Heck, it's not even supposed to be considered as a kiss dahil nagdikit lang naman ang labi nila. That's right, their lips merely grazed each other. Pero kahit ilang beses pa niya 'yong paulit-ulit na sabihin sa sarili niya, her thoughts would always wander to that moment when she felt his lips against hers. At 'yon ang labis niyang ikinaiinis.
It's not as if 'yon ang kauna-unahang beses na nahalikan siya. Tatlo na ang nagiging kasintahan niya and she shared some kisses with them. Pero wala sa mga 'yon ang nakapagparamdam sa kanya ng naramdaman niya sa simpleng paglalapat ng mga labi nila ni Devlin. Na para bang milyung-milyong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa buong katawan niya. And she didn't like. She didn't like it at all. Because that would make Devlin different from other men she's been with. At hindi niya gusto ang pinapakahulugan no'n.
Mabilis niyang pinalis ang iniisip, baka kasi kung saan lang 'yon humantong kapag hindi pa siya huminto. Lalabas na sana siya nang mapansin niya ang isang maliit na dumbell na nakakalat sa sahig. Napailing na lang siya nang makita 'yon. Sino naman kayang burara ang nag-iwan no'n do'n? Ang mukha agad nina Macky at Coby ang pumasok sa isipan niya. Nainis lang siya nang maalala ang mga ito. Ang mga ito kasi ang dahilan kung bakit mas pursigido siya na iwasan si Devlin.
Those two were the ones who saw them on that compromising situation. At pinagkalat naman ng mga ito ang nakita. Kaya tuloy kapag nakikita siya ng ibang mga members, sandamakmak na pang-aasar ang lagi niyang natatanggap. She always says that it was an accident pero hindi naman naniniwala ang mga ito sa kanya. Ang magaling naman na si Devlin, sa halip na itanggi ang mga nangyari, nakakalokong ngiti lang ang isasagot nito. As if they were really kissing on purpose!
Naglakad na lang siya palapit sa dumbell kesa isipin pa 'yon. Maiinis lang siya ng wala sa oras. Dadamputin na niya sana ang dumbell nang maunahan siya ng isang malaking kamay. Tumingala siya at nakita si Zander na hawak-hawak ang dumbell. Kung magugulatin lang siya ay baka inatake na siya sa puso dahil sa biglang pagsulpot nito.
"Whoa. Nakakagulat ka naman," wika niya.
"Pasensiya na," wika nito sa malagong na tinig. Inilagay na nito ang dumbell sa tamang lalagyan no'n.
Pinagmasdan niya ang binata. With his towering height and that scarred face, kahit sino talaga ay matatakot dito. Idagdag pa na napakatahimik nito at hindi man lang ngumingiti. But the truth was, hindi naman talaga ito nakakatakot. In fact, sa kabila ng itsura nito, he was really very gentle.
Bigla na lang bumukas ang pintuan ng gym at iniluwal no'n si Sparks. "Nandito ka lang pala Zander. Pinapatawag ka ni coach, magsisimula na ang practice match," wika nito kay Zander. Bumaling ito sa kanya at ngumiti. "Hi Sunny."
Ibinalik naman niya ang ngiti nito. Unlike Zander, Sparks has a very friendly face. Ito yung tipo na kahit sino ay hindi mangingiming lapitan. Lagi itong nakangiti na para bang wala itong kahit na anong problema na pinapasan. Pero minsan hindi niya mapigilang isipin that he's hiding something mysterious under those smiles.
"Hi," ganting bati niya. "Ah Sparks, pwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo? Pwede mo bang itanong kay Devlin kung meron pang kailangan na kahit na ano ang team niyo para maasikaso ko na siya?" Hindi kasi siya makakapunta sa training ground sa mga susunod na araw. Gusto naman kasi niyang tumulong kahit paano sa nalalapit na kasal ng Kuya Liam niya na magaganap na sa susunod na linggo.
Mataman muna siya nitong pinagmasdan bago ngumiti at nagwika, "Why don't you go and ask him yourself?"
As much as possible ay iniiwasan talaga niya na makipag-usap kay Devlin dahil tiyak na aasarin lang sila ng ibang members. And talking to him makes her really uncomfortable. "Pero-"
Bago pa niya matapos ang sasabihin ay nakalapit na ito sa kanya at ikinawit nito ang kamay sa braso niya. "Mabuti pa sumabay ka na lang sa 'min ni Zander papunta do'n."
Tumingala siya dito and look at him helplessly, pero patuloy lang siya nitong nginitian. At wala na siyang nagawa ng igiya siya nito palabas ng gym.
NATAGPUAN na lamang ni Sunny ang sarili na nakaupo sa bench at pinapanood ang nagaganap na practice. Ang isang team ay pinapamunuan ni Rome, kasama nito sina Peter, Coby, Callum, Gift, at iba pang reserved players. Samantalang ang leader naman ng kabilang team ay si Keith, kasama nito sina Sparks, Macky, Zander, at Jomi, pati na rin ang iba pang reserved players. Napansin niya na wala doon si Rune, hindi na siya nagtaka do'n dahil madalas naman itong wala sa practice.
Sa pagkakatanda niya kasi ay ito ang pinakabata sa lahat ng main members, only eighteen. Nag-aaral pa rin ito ng kolehiyo kaya tuwing weekends lang ito nakakapunta sa training ground. Pero ayon sa files nito, he doesn't really need that much practice dahil tinagurian itong isang genius goalkeeper. He has the natural talent for the game.
Ibinalik niya ang paningin sa nagaganap na laro. Nasa second half na, lamang ang koponan nina Rome. Habang pinagmamasdan niya ang pagsipa ng mga ito sa bola, hindi siya makapaniwala na halos lahat ng naglalakihang manlalarong ito ay mas bata pa sa kanya. Their ages ranged from eighteen to twenty-two but all of them were already built like proud warriors. Walang dudang hindi birong training ang pinagdaanan ng mga ito.
Sinulyapan niya ang katabing si Devlin. Seryoso itong nanonood sa laro, tumatayo at sumisigaw kapag kinakailangan para magbigay ng instructions. Habang pinagmamasdan ito, she can't help but to admire his profile. His straight nose, his square jaw, his stubles, everything was perfect. Makikita ng kahit na sino sa mga mata nito ngayon how passionate he was with the game. At nakadagdag lamang 'yon sa karisma nito.
Napapitlag siya nang bigla na lamang itong bumaling sa direksyon niya. Bahagya pa itong nagulat nang mahuli nito ang ginagawa niyang pagtitig dito, pero agad din 'yong naglaho at napalitan ng amusement. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi nito. "Enjoying the view?"
Bigla namang nag-init ang magkabila niyang pisngi dahil sa sinabi nito. Dagli niyang ibinalik ang tingin sa field.
Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito. "You're avoiding me these past two weeks," wika nito, more of a statement rather than a question.
"I'm not," mabilis niyang wika. "Wala lang rason para kausapin kita."
"Really? Kasi sa pagkakatanda ko, ilang beses ka nang may inutusan na tanungin ako kung ano pa ang kailangan dito sa training ground. Kung hindi mo talaga ako iniiwasan, ikaw mismo ang lalapit sa 'kin at magtatanong no'n."
"Okay, so siguro nga iniiwasan kita," wala nang nagawa pang wika niya. "But in case you haven't noticed, sa tuwing nilalapitan kita o kinakausap, lagi na lang akong inaasar ng mga member ng club. And I don't like it. Kaya mas mabuti pa kung hindi na lang kita kakausapin."
"You do know how childish you sounded, right?"
Inis na tiningnan niya ito. "I'm not childish!" pero nang pinagtaasan lang siya nito ng kilay ay nawika na lang niya, "Okay, maybe just a little. Pero kahit na, hindi ko pa rin gusto na inaasar ako ng mga member ng club sa 'yo. You're their coach kaya patigilin mo sila."
"Ako nga ang coach nila, pero hindi ibig-sabihin no'n hawak ko na ang utak nila. Malaya silang asarin ang kahit na sino na gusto nilang asarin." Muli na naman itong nagpakawala ng isang malalim na hininga. "Okay, kung desidido ka talaga na maging tagapamahala ng club, the only way for that to work is for us to get along. Kung iniiwasan mo ako dahil do'n sa nangyari sa opisina ko. Then forget about it. It's nothing."
It's nothing? Halos gabi-gabi niyang iniisip ang pangyayaring 'yon tapos sasabihin nito that it's nothing? Lalo lang tuloy siyang nainis. Tiningnan niya ito ng masama. "You know what, screw you."
Padabog siyang tumayo at iniwan ito. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay naramdaman na niya ang paghawak nito sa braso niya.
"Bitiwan mo ako."
Sa halip na bitiwan siya ay hinawakan nito ang magkabila niyang balikat at pilit siyang iniharap. "Look, I'm sorry. I know I've treated you badly. I judged you without even knowing you. I've been such an ass. Alam ko na hindi ako dapat naniwala sa mga bagay na narinig ko tungkol sa 'yo, pero hindi ko lang kasi matanggap na basta-basta na lang ipapaubaya ng Lolo mo ang club na 'to sa isang tao na hindi ko naman kilala. Importante sa 'kin ang club na 'to and I just don't want it to be ruined by someone na wala namang alam o malasakit sa larong ito. Pero alam ko na ngayon na nagkamali ako, because you're not like that. In a span of more than three weeks, ang dami mo nang nabago dito sa training ground. And all of it are good changes. You even made the members happy just by being here." Tiningnan siya nito ng diretso sa mga mata, his dark eyes meeting her hazel ones. Nakikita niya ang sinseridad sa mga mata nito. "I'm really sorry, Sunny."
Ang inis na nadarama niya kani-kanina lang ay parang bulang bigla na lang naglaho. Instead it was replaced by this overwhelming feeling. Parang lomolobo ang puso niya, as if it wanted to fly. Hindi siya makapaniwala na maririnig niya na humingi ito ng tawad. Oo, mahigit tatlong linggo pa lang niyang kilala ang lalaki, pero sigurado siyang hindi ito 'yong tipo na basta-basta na lang humihingi ng tawad sa kahit na sino. Kaya ibig-sabihin ay talagang taos sa puso nito ang paghingi ng tawad.
"Pwede mo bang ulitin ang parteng 'yon?" aniya.
"What? That I'm sorry?"
"No, that part when you said you're an ass."
Isang malutong na halakhak naman ang naging tugon nito. 'Yon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya itong tumawa. The simple laugh lines brought wonders to his face. Mas lalo lang itong gumwapo sa paningin niya, pero agad din niyang sinikil ang isiping 'yon. Ano bang nangyayari sa kanya?
"So I take it, ayos na tayo?" tanong nito.
"I guess so, unless maisipan mo na naman akong awayin."
"Don't worry, that won't happen." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Friends?"
Malugod naman niyang tinanggap 'yon. And as their hands touched, she felt that familiar jolt of electricity na nararamdaman lang niya kapag nagkakalapit sila ng binata. Pero hindi na lang niya 'yon pinansin at nakangiting nagwika, "Friends."