CHAPTER SIX

2134 Words
KAKAIBANG kaligayahan ang nadarama ni Sunny habang pinagmamasdan niya ang kapatid at ang napangasawa nito.  Katatapos lang ng wedding ceremony at lahat ng bisita ay dumiretso sa malaking mansiyon ni Frederico De Alva.  Sa malawak na hardin kasi ng bahay magaganap ang reception.  It was a very beautiful wedding.  Mula sa simbahan hanggang dito sa reception, everything was perfectly planned.  Nakakatuwa pa dahil si Dan, ang napangasawa ng kanyang kapatid, mismo ang nag-asikaso ng kasal.  Katulong nito ang dalawa pa nitong kapatid na babae.  May sarili kasing wedding planning company ang mga ito.    Muli siyang sinulyapan ang bagong kasal sa residential table.  Sweet na sweet ang mga ito sa isa't-isa.  Masaya talaga siya para sa Kuya Liam niya.  Kitang-kita kasi sa mukha nito ang labis na kaligayahan at pagmamahal para sa napangasawa nito.  And she can also say the same for Dan.  The two of them were the epitome of happiness.    Pansamantala muna siyang tumayo mula sa kinauupuan para pumunta sana sa powder room, pero papasok pa lang siya na bahay ay bigla na lang may bumunggo sa kanya mula sa likudan.  Mabuti na lamang at hindi gano'n kalakas ang pagkakabunggo sa kanya kaya naman hindi siya natumba.  Nang tumunghay siya para pagsabihan sana ang kung sinumang bumunggo sa kanya, she came face to face with a pair of startling eyes.  One as blue as the ocean, and the other as brown as dark chocolate.  Kahit ilang beses pa niyang makita ang mga mata nito ay talagang hindi pa rin siya masanay-sanay.   "Rune," aniya.  Magulo ang buhok nito at ang suot nitong neck tie ay wala na rin sa ayos.  Kagaya niya ay isa rin ito sa mga abay sa kasal.  Bunsong kapatid kasi ito ng bride.  Nung una nga niya 'yong malaman ay talagang nagulat siya.  Napakaliit nga lang talaga ng mundo, 'yon lang ang tangi niyang naisip.  "Muntikan na 'kong magtaob dahil sa 'yo,  alam mo ba 'yon?"   "Sorry," wika nito sabay hikab.  "Is there a  place here where I can sleep?"   Napailing na lang siya sa tanong nito.  Kung hindi kasi yata ito naglalaro ng football, eh natutulog naman ito.  Ayon nga sa iba pang members ng Assassins, pagtulog ang paboritong past time ng binatilyo.  "Ah, hindi ba baka magalit ang ate mo kapag nalaman niya na mas pinili mo pang matulog kesa maki-celebrate sa kasal niya?"   "I'm happy for them and all that, but I think I've done enough celebrating.  Kapag hindi pa 'ko matutulog ngayon, baka bigla na lang akong matumba dito," wika nito na muli na namang humikab, his eyes becoming more droopy by the second.    Napabuntung-hininga na lamang siya.  "There's a greenhouse not far from here, pwede kang matulog do'n ng walang gumagambala sa 'yo."   Tinanguan lang siya nito at pagkatapos ay iniwan na siya.  Nagpasya na siyang dumiretso na rin sa may powder room.  Pagkatapos mag-retouch ng make-up ay lumabas na rin siya.  She was about to go back to her seat nang makasalubong niya ang isa sa mga tao na pilit niyang iniiwasan since magsimula ang wedding ceremony.  Her stepmother.      Kagaya ng dati, she was looking at her again like she was just a useless piece of trash.  Dapat sanay na siya, her stepmother has been looking at her that way ever since she was ten.  Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nababawasan ang sakit.  Agad siyang nagbaba ng tingin.  At hiniling na sana ay mas piliin na lang nito na hindi siya pansinin.  Pero hindi nangyari ang inaasahan dahil maya-maya ay bigla na lang itong nagsalita.   "Narinig ko na ipinamahala na sa 'yo ni Papa ang football club na itinayo niya," wika nito in her usual clipped tone.  "I think he made a good decision, giving that job to you.  Kawawa nga lang ang club na 'yon, dahil tiyak naman na sa bandang huli ikaw lang din ang sisira sa kanila.  Well, who cares anyway?  That junk of a team is only suited to a thrash like you."   She gritted her teeth in anger.  Hindi na niya iniinda ang mga pang-aalipusta nito sa kanya.  Pero ang hindi niya matanggap ay ang pangmamaliit nito sa Assassins.  Nitong mga nakaraang linggo, naging saksi siya sa napakahirap na training ng mga ito.  Ang araw-araw na practice, ang walang katapusang training, pero kahit minsan ay hindi siya nakarinig ng kahit na isang reklamo mula sa mga ito.  Because they love what they do, malinaw niyang nakikita 'yon.  Their passion for football was unparallel.  Walang sinuman ang pwedeng kumwestiyon no'n.  Kaya walang karapatan ang madrasta niya na maliitin ang mga ito.   "Don't talk about them that way.  You don't know a thing about them.  Kung gusto mong mang-alipusta ng ibang tao, then I'm here.  I will gladly accept all of the bad things you want to say about me.  Kaya 'wag mo na silang idamay sa galit mo sa 'kin."   Halata namang nagulat ito dahil sa mga sinabi niya.  'Yon kasi ang kauna-unahang beses na sinagot niya ito.  Before, she would just meekly accept all of the things she was saying.  Ni hindi niya maiisip na sagutin ito.  Kung hindi siguro nito dinamay ang Assassins, baka gano'n lang ulit ang gawin niya.  But she already thought of those boys as family, kaya hindi siya makakapayag na maliitin ng kahit na sino ang mga ito.   Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng stepmother, kung kanina ay compose na compose pa ito, now her face was a mirror of raw fury.  "How dare you talk to me that way, you shameless girl?"   Bahagyang tumaas ang boses nito, napansin din niya na natutuon na sa kanila ang atensiyon ng ilan sa mga bisita doon.  Nakagat niya ang pang-ibabang labi.  They can't make a scene there, on her Kuya's wedding day.  Balak na sana niyang iwan ito pero mabilis naman nitong nahablot ang braso niya.   "Bastos ka talaga.  'Wag na 'wag mo akong tatalikuran when I'm still talking to you."   She was starting to panic.  Tumingin siya sa paligid, people were already staring at them.  Napapikit na lamang siya.  Why can't her stepmother just leave her alone?  Ito ang dahilan kung bakit pilit niyang iniiwasan ito.  Because she knew na sa ganitong klaseng komprontasyon lang mauuwi ang pag-uusap nila.  Nagulat siya nang maramdaman niya ang unti-unting pagkawala ng pagkakahawak sa kanya ng stepmother.  Iminulat niya ang mga mata at halos mapigil niya ang hininga nang makita na nakatayo sa harapan niya sa Devlin.  Tinanggal nito ang kamay ng madrasta na nakahawak sa braso niya.     He looked so devastatingly handsome wearing a coat and tie.  His hair was also cleanly swept back, ngayon lang niya ito nakita na gano'n ang ayos.  And it really suited him.  Mukha lang itong isang modelo na lumabas mula sa GQ magazine.  Pero ang higit niyang napansin ay ang ekpresyon ng mukha nito.  He looked extremely pissed.  At sa isang tao lang nakatuon ang tingin nito.  Sa kanyang madrasta.   Agad na binawi ng stepmother ang kamay na hawak ng binata.  "What do you think you're doing?"   "Preventing you from causing any more scenes," wika nito.  "Kasal ito ng anak niyo, sana kahit 'yon man lang igalang niyo."   "Wala kang karapatan na makialam dito," nanggigil na na wika ng madrasta.   "May karapatan akong makialam dahil boss ko lang naman ang pinagsasalitaan niyo ng masama.  Unfortunately, I won't tolerate anyone who talks bad about her.  That includes you.  At para sa kaalaman niyo, I think Sunny is an amazing woman.  She will make our football club one of the best club in the world.  Tandaan niyo 'yan."   Pagkawika no'n ay walang lingon-likod na siyang hinigit ni Devlin palayo sa hardin, away from the prying eyes of the people.  Hindi na siya nagreklamo dahil gusto rin naman niyang lumayo muna sa lugar na 'yon.   Halos pigilin niya ang sarili na tuluyang mapaiyak.  This was the first time that anyone, aside from her brother and grandfather, has ever defended her.  Her mind was like a rumble of emotion right now.  Pero isa lang ang sigurado niya, masaya siya na nandito ngayon si Devlin sa tabi niya.  HUMINTO lang sa paglalakad si Devlin nang masigurado niya na wala nang masyadong tao sa paligid.  Humarap siya kay Sunny, nakakababa ang tingin nito.  She looked so damn vulnerable na ang tanging gusto lang niyang gawin ng mga oras na 'yon ay yakapin ito.  He wanted to comfort her, to protect her, to tell her that everything will going to be okay.  Kung saan nanggaling ang kagustuhang 'yon ay hindi niya alam.   Sa katunayan nga, kanina pa niya hindi maintindihan ang sarili.  Simula nang makita niya si Sunny kanina, walking down the aisle and wearing that lovely sea-blue gown, isang partikular na imahe ang bigla na lang pumasok sa utak niya.  Of her wearing a wedding dress and him waiting at the end of the aisle for her.  Parang biglang nag-flash sa isipan niya ang isang napakagandang hinaharap.  Gustuhin man niyang alisin ang imaheng 'yon sa kanyang isipan, hindi niya magawa dahil parang nakakulta na 'yon sa utak niya.   Pagkatapos ay nakita niya itong kausap ang madrasta nito and when he heard the things the she said about her, parang may kung anong sumabog sa loob niya.  Lalo na nang makita niya how cornered she looked.  A basic primal instict awakened inside him.  At ang tanging nais lang niya ay protektahan ang dalaga.   Nag-angat ito ng mukha at pilit na ngumiti.  "Ano nga palang ginagawa mo dito?  Hindi ko man lang napansin na bisita ka rin pala sa kasal ni Kuya."   "I'm a friend of the triplets," sagot niya na ang tinutukoy ay ang tatlong Ate ni Rune, kasama na do'n ang napangasawa ng kapatid ni Sunny.  Mataman niya itong tinitigan at hindi na niya napigilan na abutin ang mukha nito.  He tucked a loose strand of hair behind her ear.  "Ayos ka lang ba?"   Muli itong nagbaba ng tingin.  "Yeah.  I'm used to it.  Nakakahiya lang na kailangan mo pang masaksihan lahat ng 'yon."   She's used to it?  "Is that the way your stepmother always treat you?" tanong niya, his voice strained with anger.   "It doesn't matter.  Hindi naman siguro malaking sikreto na anak ako ng tatay ko sa ibang babae.  I'm the constant reminder of my father's betrayal.  Kaya hindi ko siya masisisi kung kinamumunghian man niya ako.  I'm the one who turned her into this bitter person."   "Maybe she has the right to hate you, pero hindi ibig-sabihin no'n may karapatan na rin siya na tratuhin ka ng ganito."   "Thank you," halos pabulong nang wika nito.  "Bukod kay Kuya at Lolo, wala nang ibang tao na nagtanggol sa 'kin kagaya ng ginawa mo."  Nag-angat ito ng mukha and gave her a small smile.  "Thank you, Devlin."   Sa simpleng ngiting 'yon ay agad na nagliwanag ang mukha nito.  Any trace of sadness in her eyes were gone.  Parang noon lang siya nakahinga ng maluwag.  Because for some reason, hindi niya talaga gusto na nakikitang malungkot ang dalaga.  And he would give anything just to see her beautiful smile.   "Nagsasabi lang naman ako ng totoo, you are indeed amazing."  He chuckled nang biglang mamula ang pisngi nito.  Yes, he do love her blushing face.  "Kasi kung hindi, hindi mo naman siguro kami matatagalan, with all our sweats and male testosterones."   Isang malutong na tawa ang pinakawalan nito, it sounded like music to his ears and it just made his heart flutter.  "Then I guess I really am amazing."   "You certainly are.  Kaya 'wag kang magpapaapekto sa mga sinasabi ng madrasta mo, dahil kahit na ano pang sabihin niya hindi na no'n mababago ang katotohanan na ikaw ang isa sa pinakamatalino at pinakamasipag na babaeng nakilala ko."   Bahagya pa itong nagulat nung umpisa pero agad din itong nakahuma at isang malawak na ngiti na naman ang sumilay sa labi nito.  "And now you're telling me I'm smart?  Sa pagkakatanda ko, you once said that I'm nothing but a blond bimbo."   Kahit na alam niyang nagbibiro lang ito, hindi pa rin niya mapigilan na makaramdam ng guilt.  Because he indeed thought of her as that, at labis niyang pinagsisisihan ang ginawa niyang panghuhusga dito.  Wari namang napansin nito 'yon at agad nitong ginagap ang palad niya.   "Hey, nagbibiro lang ako.  Besides, we already got past that.  Hindi ba nga at magkaibigan na tayo ngayon?"   "Yes," hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito, he really liked the feel of her small, soft hand against his big, callous ones.  "Plano kong magbigay ng day-off sa mga players sa Linggo.  Hindi naman kasi pwedeng hindi na sila magpahinga from practice," at bago pa siya makapag-isip ng matino, natagpuan na lang niya ang sarili na nagwiwika, "Do you want to go somewhere with me on Sunday?"   Bigla itong natahimik, akala niya tuloy ay tatanggi ito.  But then she smiled and said, "I'd love to."   And his heart just sang with excitement. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD